Remember when Paolo Ballesteros finally came out as gay?
Sep 9, 2020

Kahit na wala pa noong inaamin si Paolo Ballesteros, marami nang tanggap kung ano man ang sexual orientation niya.

Pero noong Agosto ng nakaraang taon lang talaga siya opisyal na umamin sa video interview sa kanya ni Arniel Serato ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasabay ang PEP contributor na si Rey Pumaloy.

Nang tanungin nang sandaling iyon kung bakit ngayon lang siya umamin, sinabi ni Paolo na hindi naman daw kailangang gawing malaking isyu ang pag-amin o pag-a-out niya.

"Ako yung tao na kung ano yung nakikita mo... gano'n kasi ang pananaw ko, e. Sa sarili ko.

"Hindi mo kailangang itsororot-tsororot na gano'n. Ayokong gumawa ng isyu na gano'n. It's a big issue na...

"Naka-swimsuit na nga, e. Ano pa ba ang kailangan?"

Pero ano ba ang nagtulak kay Paolo na sa wakas ay ilantad na ang tunay niyang pagkatao?

"Wala. Kasi ganito rin naman ako kahit na dati pa, e.

"Hindi rin naman kasi naging isyu sa akin kung may nanghuhula kung ano ba ako or what. Ginagawa ko lang yung trabaho ko.

"Hindi naman ako nagpapa-girl sa normal na buhay, di ba?

"Nakakatuwa kasi pag nagpapa-girl ako, nae-excite ang mga tao.

"It's not about who I am, e. Alam ko, alam naman nila, who I am or who am I..."

Taong 2013 kasi noong mag-umpisang magpakita si Paolo ng talento sa paggaya ng itsura ng sikat na celebrities sa pamamagitan ng pagme-makeup.

Sa eksklusibong interview ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung taong iyon, sinagot ng aktor-TV host ang tanong kung mag-a-out na ba siya dahil isa siya sa local celebrities na noon pa'y pinagdududahan ang kasarian.

"Wala naman kasing ia-out," sagot ni Paolo noon.

At sa mga taong nag-iisip noon na bading siya?

"Gow lang. May kanya-kanya naman tayong pag-iisip."

HOT STORIES

Video: Arniel Serato
Edit: Rommel R. Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results