Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral return to work despite pandemic

by Bernie V. Franco
Sep 9, 2020
(From left) Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, and Vaness del Moral will be featured in different episodes of Wish ko Lang! this September.
PHOTO/S: GMA Network (Glydel, Rochelle) / @vaness_delmoral on Instagram

Kanya-kanyang diskarte sina Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, at Vaness del Moral ngayong pandemic na bumalik sa trabaho at magkaroon ng dagdag kita.

Sa kabila ng pandemya, nagdesisyon ang tatlong aktres na tumanggap ng acting projects.

Tampok sina Glydel, Rochelle, at Vaness sa iba’t ibang episodes ng Wish Ko Lang! na ipalalabas ngayong September.

Sa virtual press conference ng Wish Ko Lang! noong September 3, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit nagdesisyon silang magtrabaho na kahit may pandemya pa.

“Kailangan naming sumuweldo,” may halong birong sagot ni Vaness.

GLYDEL MERCADO

Ayon naman kay Glydel, “Na-miss ko rin talaga yung pag-arte, and nakita ko naman na yung ibinigay nila sa aking project is maganda yung istorya. Kaya tinanggap ko talaga.

"Na-miss ko yung pag-arte. Ang tagal rin siguro [hindi umarte]. Mga six or seven months akong hindi lumabas sa telebisyon, kaya na-miss ko rin talaga.

“Kailangan lang talaga ng pag-iingat. Sundin yung mga protocols.”

Continue reading below ↓

Ang pinakahuling regular shows ni Glydel ay ang Kara Mia sa Kapuso network at Kadenang Ginto sa ABS-CBN noong 2019.

ROCHELLE PANGILINAN

Ganito rin daw ang dahilan ni Rochelle, sa kabila ng isang taong gulang pa lang ang anak nila ni Arthur Solinap na si Shiloh.

“Na-miss ko rin [ang pag-arte],” sabi ng dancer-actress.

“Nagpaalam muna ako sa asawa ko kung papayagan niya ako. Ang tanong niya sa akin, ‘Kaya mo ba?’

"Ang meaning lang naman noon, ‘Kaya mo bang alagaan ang sarili mo na uuwi ka dito na safe, kasi meron tayong anak na maliit?’

"Sabi ko sa kanya, ‘Yes, kaya ko.’”

Ang huling teleserye ni Rochelle ay The Gift (2019) na pinagbidahan ni Alden Richards.

Nakadagdag daw sa kumpiyansa ni Rochelle na maaalagan ang anak niya kahit nasa work dahil maingat ang kanyang asawa.

“Kasi nakikita ko kung gaano kalinis yung asawa ko,” pakli niya.

“Excited din ako na makakita… makabalik sa trabaho, makita yung dating mga katrabaho."

Continue reading below ↓

Aminado si Rochelle na fifty-fifty ang excitement at kaba sa pagbabalik-trabaho niya.

Pero napanatag daw ang kalooban niya nang makitang maingat sa set para na rin sa kaligtasan ng cast and crew.

VANESS DEL MORAL

Ang sabi naman ni Vaness, “Gusto ko rin naman makakita ng ibang lugar bukod sa village lang namin. Nagsawa na po ako sa view namin.

“'Tsaka [gusto kong] makakita ng ibang tao. Na-miss ko rin din kasing mag-taping.”

Pinayagan naman daw si Vaness ng kanyang non-showbiz husband.

Natigil ang taping ng kinabibilangang primetime series ni Vaness, ang Love of My Life, dahil sa pandemya.

Bida rito sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Mikael Daez, Rhian Ramos, at Coney Reyes.

BUSINESS OR SAVINGS?

Usisa pa ng PEP.ph, umaasa ba sila sa kanilang sariling ipon o pinasok na rin nila ang pagnenegosyo para may pandagdag gastos?

Sagot ni Glydel, “Sa akin kasi, before pa nung pandemic, may business naman ako na salon in Cavite City. Matagal-tagal na rin siya."

Continue reading below ↓

Kamusta ang kanyang salon ngayon?

"Okay naman po," sagot ng aktres.

Binanggit din ni Glydel na endorser siya ng isang direct-selling beauty products brand at isa rin siyang micro-seller ng mga produktong ito

Work from home naman daw ang non-showbiz husband ni Vaness kaya kampante siyang may pumapasok na pera.

Gayunpaman, gumagawa rin daw siya ng sariling paraan para kumita.

Sabi ng aktres, “Nag-start akong gumawa ng recipes ng lola ko. Kinuha ko 'tapos in-enhance ko.

“And then nagbebenta ako ng chocolate fudge online and then coming out with choco cinnamon rolls with chocolate.

“Yung fudge na ginawa ko, nilagay ko siya sa loob ng cinnamon rolls. Okay naman.

“Mahirap siyang gawin, pero dahil yung customers mo, repeat purchases na sila, repeat orders na, sila na rin nagma-market.

“Basically, they like the product. Sila na yung nagpapa-order.”

Sa kaso naman ni Rochelle, sa ipon sila nakadepende ng asawang si Arthur.

Continue reading below ↓

Ang isa raw niyang pinagtutuunan ng pansin ay ang paggawa ng workout videos, hindi para kumita kundi para tumulong.

“Meron kaming online workout class. Tumutulong kami ngayon. Hindi ko kasi masabing business.”

Layon ng videos na ito na i-promote ang fitness ngayong pandemic.

"Pero as of now, umaasa din kami sa savings na naipon namin before.

“Ngayon, gusto ko lang makatulong sa ibang tao,” pagtukoy ni Rochelle tungkol sa kanyang workout videos.

Ang Wish Ko Lang! ay ipinalalabas sa GMA Network tuwing Sabado, 4 p.m.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, and Vaness del Moral will be featured in different episodes of Wish ko Lang! this September.
PHOTO/S: GMA Network (Glydel, Rochelle) / @vaness_delmoral on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results