Maine Mendoza tweets about AlDub, Arjo Atayde, stardom are prophetic, fans say

by Rachelle Siazon
Sep 10, 2020
Going over her old tweets reposted by an avid fan, Maine Mendoza (in white shirt, left) says she believes in the law of attraction and never giving up on her dreams. Seven years ago, she called Arjo Atayde (right, wearing a cap) a "cutie." He is now her boyfriend.
PHOTO/S: Mark Nicdao for YES! / @mainemendoza Instagram / Twitter

Natutuwa si Maine Mendoza na marami sa kanyang mga dating pinangarap lang ay nagkakatotoo.

Bahagi raw nito ay ang kanyang paniniwala sa "law of attraction."

Ito ay ang konsepto na nata-translate sa realidad ang mga bagay na madalas tinututukan ng pag-iisip at pakiramdam ng isang tao.

Martes ng hapon, September 9, sunud-sunod ang matalinhagang tweets ni Maine ukol dito.

Ani Maine, "Law of attraction. At (siguro) kung para sa iyo talaga ang isang bagay, anuman ang mangyari mapapasayo ito."

Nakarating kay Maine ang kumalat na Facebook thread na nagpapakita ng screenshots ng lumang tweets niya noong hindi pa siya artista.

Gawa ito ng isang fan na may pangalang "Miggy Pascual."

Obserbasyon ni Miggy sa caption, mala-"Nostradamus" daw ang lumang tweets ni Maine dahil nagkatotoo ang marami rito.

Si Michel de Nostredame o Nostradamus ay isang French astrologer at physician na kilala sa kanyang sikat na librong Les Prophéties, na naglalaman ng mga umano'y prediksyon o propesiya tungkol sa hinaharap.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Miggy, "Maine Mendoza telling everyone that if you have a dream, then go tweet for it."

ON ARJO ATAYDE

Isa rito ay ang tweet ni Maine na nagpapahiwatig ng kanyang paghanga sa aktor na si Arjo Atayde noong July 28, 2013.

"Arjo cutie," tweet ni Maine kalakip ng crying emoji.


Continue reading below ↓

Obserbasyon ni Miggy: "In 2013, you just admiring Arjo's cuteness (?) In 2018, he became your boyfriend."

Huling bahagi ng taong 2018 nang unang maiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakamabutihan nina Maine at Arjo.

Kinumpirma ni Maine ang espesyal na pagtitinginan nila ni Arjo noong March 2019, at kinalaunan ay isinapubliko na rin nila ang kanilang relasyon.


Continue reading below ↓

ON THE BIRTH OF ALDUB

Noong July 1, 2011, may tweet si Maine, na quote mula sa isang kakilala, na nagsabing "God, please give me a July to remember. Thank you!"

Obserbasyon pa rin ni Miggy, ang buwan ng Hulyo ay may dalang hindi malilimutang highlights sa showbiz career ni Maine.

Caption ng netizen, "In 2011, you pray to God to have a July to remember and He gave it [to] you."

Kabilang daw rito ang unang pagsabak ni Maine bilang Yaya Dub sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga! noong July 4, 2015

Saka nabuo noong July 11, 2015 ang tambalang AlDub o Alden Richards at Yaya Dub, na nasubaybayan sa makasaysayang "Kalyeserye" ng Eat Bulaga.

Ang pelikula ng AlDub na Imagine You and Me ay ipinalabas sa sinehan noon namang July 13, 2016.


Continue reading below ↓

ON STARdom

May mga lumang tweets din noon si Maine tungkol sa pag-aartista.

Noong April 20, 2010, sabi niya, "Ang sarap siguro ng feeling pag artista ka. Then magttweet ka. Haha. Wala lang."

Noong March 24, 2010, pabirong tweet ni Maine: "Malay nyo ako na ang hinahanap nyong Next Superstar."

Continue reading below ↓

Nangako naman si Maine noong October 25, 2010 na balang araw ay ipagmamalaki siya ng kanyang mga magulang.


Continue reading below ↓

Inulit pa niya noong November 8, 2010 ang pangakong balang araw ay makikita siya sa telebisyon.

Ayon kay Miggy, natupad ang mga nasabing tweets ni Maine base sa mga na-accomplish niya bilang showbiz personality, published author ng Summit Media book na Yup, I am That Girl, celebrity endorser, at fast-food restaurant owner.

Makailang-beses ding hinirang si Maine ng pamunuan ng Twitter na "most tweeted about account" at "most tweeted hashtag," tulad na lamang noong 2019.

ON JAKE CUENCA, MYX, AND NICKELODEON

Kakatuwa na marami pang ibang lumang tweets si Maine na, makalipas ang ilang taon, nagkaroon ng katuparan.

Noong April 1, 2010, nag-tweet si Maine na "Jake Cuenca is making me so kilig."

Makalipas ang siyam na taon, noong December 2019, ipinalabas ang Metro Manila Film Festival entry na Mission Unstapabol: The Don Identity, kunsaan katambal ni Maine si Jake.

Continue reading below ↓

Noong March 7, 2010, may tweet din si Maine na mala-MYX VJ ang kanyang peg.

"Hi. You're watching Myx. The number one music channel in the Philippines," tweet ni Maine na noo'y hindi pa artista.

Ayon pa rin sa obserbasyon ni Miggy, nagkatotoo iyon nang maging celebrity guest MYX VJ si Maine nitong April 2020.

Continue reading below ↓

Noong May 14, 2010, may hirit si Maine kaugnay ng kid-friendly TV channel na Nickelodeon.

Tweet ni Maine, "Gusto ko rin mabuhusan ng slime. Hahaha! Nickelodeon?!"

Obserbasyon ulit ni Miggy, "In 2010 gusto mo lang mabuhusan ng slime. But In 2016, you won as Pinoy Favorite Personality at Nickelodeon Kids' Choice Award."


Continue reading below ↓

MAINE ON WAITING FOR "tamang panahon"

Bukod sa kanyang Twitter post, ni-repost ni Maine sa kanyang Facebook page ang nakatutuwang obserbasyon ng avid fan niyang si Miggy.

Dito ay inihayag ni Maine na worth the wait ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

Kalakip ng blushing emoji, lahad ni Maine: "Minsan gusto natin andyan agad-agad, pero talagang may tamang panahon para sa lahat ng bagay, kaya dapat matuto tayong maghintay.

"Minsan medyo matagal pero pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako cheret makakamit mo din yan.

"Nakakapagod man (at nakakainip) minsan pero huwag mo bitawan."

Ipinahiwatig din ni Maine na hindi ibig sabihin na kapag ang hiling ay hindi natupad ay katapusan na ng lahat.

Patuloy ni Maine: "Patuloy kang mangarap at maniwala pero shempre matuto din tayong tumanggap ng mga bagay na hindi para sa atin.

"Mararamdaman mo naman kapag hindi talaga para sayo ang isang bagay, pero hindi ibig sabihin non ay wala na tapos na.

Continue reading below ↓

"Merong ibang bagay na nakalaan para sayo at sana kapag dumating na yung tamang oras para doon ay buong puso mong tanggapin ‘yon sa buhay mo."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Going over her old tweets reposted by an avid fan, Maine Mendoza (in white shirt, left) says she believes in the law of attraction and never giving up on her dreams. Seven years ago, she called Arjo Atayde (right, wearing a cap) a "cutie." He is now her boyfriend.
PHOTO/S: Mark Nicdao for YES! / @mainemendoza Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results