Vina Morales on reunion project with Robin Padilla: “Pang on-screen kilig lang talaga.”

by Arniel C. Serato
Sep 10, 2020
Former couple Vina Morales and Robin Padilla reunite in Net 25's Kesaya Saya, a musical sitcom with some of the country's veteran stars and singers.
PHOTO/S: File

Excited daw si Vina Morales na muling makatrabaho ang ex-boyfriend na si Robin Padilla.

Kaya malaki ang pasasalamat ng singer-actress sa Net 25 na nabigyan ito ng katuparan sa isang musical sitcom na may titulong Kesaya Saya.

Pahayag ni Vina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, September 7, “I am excited to work with Robin again after so many years.

“Finally, tuloy na ang tambalan namin sa telebisyon.

“Lagi kasing hindi natutuloy yung serye or sitcom, finally mangyayari na sa Net 25.”

Hindi ba siya nakaramdam ng awkwardness na magkasama sila ng kanyang ex-boyfriend sa isang proyekto?

“Hindi naman 'coz both of us are friends... also, I’m a good friend of Mariel," pagtukoy ni Vina sa misis ni Robin na si Mariel Rodriguez.

“Siyempre, ang RoVina team pang on-screen kilig lang talaga.”

Ayon pa sa 44-year-old singer-actress, napanatili raw nila ang pagkakaibigan ni Robin dahil “mabait” ito.

Nagkatrabaho sina Vina at Robin noon sa blockbuster movies na Ang Utol Kong Hoodlum (1991) at Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2 (1992).

Continue reading below ↓

Nagkatambal din sila sa Eto Na Naman Ako (2000) at Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014) na official entry sa 40th Metro Manila Film Festival.

Tinanong ng PEP.ph si Vina kung maituturing ba niyang "great love” si Robin.

Natatawang sagot ng singer-actress, “First boyfriend lang! Tagal na nun."

Ayon kay Vina, sa mga susunod na araw ay sisimulan na ang taping para sa Kesaya Saya, at umaasa siyang magiging maayos ang takbo nito kahit may pandemya ngayon.

“Siyempre, dahil sa situation natin now dahil sa pandemic, may mga limitations, but excited to work with the whole team of Kesaya Saya.”

Bukod sa musical sitcom, bahagi rin si Vina ng talent show ng Net 25 na Tagisan ng Galing bilang hurado.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former couple Vina Morales and Robin Padilla reunite in Net 25's Kesaya Saya, a musical sitcom with some of the country's veteran stars and singers.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results