Darren Espanto addresses issue of sexual orientation anew: "I'm straight."

by Arniel C. Serato
Sep 10, 2020
Singer Darren Espanto on bashers: “I know na wala naman silang mas magandang ginagawa sa buhay kaysa sa akin... that’s pretty much it. Like, you know, who cares about them?”
PHOTO/S: Courtesy: @darrenespanto on Instagram

“I’d like to let everyone know that I’m straight.”

Ito ang paglilinaw muli ni Darren Espanto, 19, ukol sa mga tanong sa kanyang sekswalidad.

Sa vlog ng kasamahan niya sa The Voice Kids na si Kyle Echarri, nagkuwentuhan ang dalawa tungkol sa bashers at sa mga masasakit na salitang naibabato kay Darren.

Lumabas ang vlog noong Martes, September 8.

Ayon kay Darren, hindi na niya pinapansin ang bashers. Kasama raw kasi sa kanilang trabaho ang mga kritisismo.

Saad niya, “How do I deal with those people? You know what, just don’t mind them.

“Kasi sa industriyang ginagawalan natin, Kyle, alam mo yun, we’re always going to run into people like that, especially bashers.

“Kasama 'yan sa mundo ng showbiz and all that. I personally don’t mind them."

Dagdag pa ni Darren, “I know na wala naman silang mas magandang ginagawa sa buhay kaysa sa akin... that’s pretty much it. Like, you know, who cares about them?”

Continue reading below ↓

Tinanong ni Kyle si Darren kung ano ang isyung ibinato sa kanya na gusto nitong bigyang linaw.

Sagot ng kapwa singer, ito ay ang tungkol sa kanyang sexual orientation.

Aniya, “Like, a lot of people are, like, ‘Bakla 'yan kasi.’ Oh, yeah, for real?

"Ever since The Voice Kids, when I started singing songs that are always for girls or, like, I have a high voice in general, they always assume my sexual preference pretty much."

Diin ni Darren, “But I’d like to let everyone know that I’m straight.

"Yeah, I've addressed this before, but the thing is, always, parang wala na silang ibang mahanap.

“So, kapag bored sila, sasabihin nilang, 'A, bakla 'yan.' So yun.”

“ALAM KO PONG HINDI AKO BAKLA”

Noong taong 2016, nilinaw na rin ni Darren ang isyung ito.

Sabi niya sa isang panayam: “Marami pong nagsasabi na, ‘Uy, bakla si Darren,’ that I am gay.

Continue reading below ↓

“Nakakatawa sila kasi I know who I am, and alam ko pong hindi po ako bakla.

"It’s funny kasi they take the time to bash.”

Noong 2016 ay nagkaroon ng patutsadahan sa social media si Darren at ang kapwa niya The Voice Kids finalist na si JK Labajo.

Ito ay pagkatapos mag-tweet ni JK ng “gayness at its finest” na ang pinatutungkulan diumano ay si Darren.

Dahil sa pangyayari, sinampahan ng ina ni Darren si JK ng reklamong cyberlibel sa korte.

Wala pang desisyon ang korte sa kasong ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Darren Espanto on bashers: “I know na wala naman silang mas magandang ginagawa sa buhay kaysa sa akin... that’s pretty much it. Like, you know, who cares about them?”
PHOTO/S: Courtesy: @darrenespanto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results