BB Gandanghari fires back at Ai-Ai, Lolit, Cristy, Ogie, other critics

by Bernie V. Franco
Sep 11, 2020
BB Gandanghari (above) calls her life "epic": “Nagtataka kayo kung bakit ako trending. Tapatan na tayo, sikat ako... Hindi ito dahil kay Piolo, hindi ito dahil sa mga taong kasama sa kuwento ko. Ganoon ang sikat.“
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nagpakawala ng maaanghang na salita si BB Gandanghari, 53, laban sa mga tumutuligsa sa kanya dahil sa pang-a-out umano niya kay Piolo Pascual.

Nitong mga nakalipas na linggo, ikinuwento ni BB sa kanyang two-part vlog ang tungkol sa “romantic encounter” ng dalawang aktor na itinago niya sa mga pangalang “David” at “Jonathan” sa San Francisco, California, U.S.A., noong 2001.

Pero habang nagkukuwento, makailang ulit binanggit ni BB ang mga pangalang "Rustom" at "Piolo."

Dahil dito, nahihuna ng mga nakapanood ng kanyang vlogs na ang tinutukoy niyang si David ay si Rustom Padilla at si Jonathan ay si Piolo Pascual.

Si Rustom ang dating katauhan ni BB bago siya nagdesisyong maging trans woman.

Marami ang nadismaya sa pagdawit ni BB sa isang taong nananahimik.

Pinaratangan siyang ginagamit lamang si Piolo para tumaas ang views ng kanyang YouTube channel, at marami rin ang nagalit dahil tila hindi pa siya nakaka-move on.

Kabilang sa pumuna kay BB ay ang Queen of Comedy na si Ai-Ai delas Alas, gayundin ang mga beteranong entertainment columnists na sina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Ogie Diaz.

Continue reading below ↓

Sa kanyang September 9, 2020 vlog, na pinamagatang "What's On The Table? BB. Claps back...", bakas ang galit ni BB sa mga taong bumatikos sa kanya.

May mensahe rin si BB sa mga miyembro ng LGBTQ++ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, ++) community na kumontra sa kaniya.

Tuluyan na rin niyang pinangalanan si Piolo sa vlog na ito. Ginamit pa niya ang hashtags na #realTalk #RustomPadilla at #PioloPascual.

Continue reading below ↓

BB'S TELL-ALL

Sininulan ni BB ang kanyang pag-"clap back" sa pamamagitan ng pagbabasa ng komento ng isang netizen.

Nakasad dito (published as is): “Much better if you didn’t reveal who the real Jonathan was. You said you’re guess is as good as ours.

"Had you not revealed, it would be good for your vlog. Some people will watch your video out of curiosity. Second, you will not be held responsible.

“I just hope your next chapter will have a twist and will end up everything was just a dream.”

Sa madaling-salita, sana raw ay hindi pinangalanan ni BB kung sino si Jonathan.

Agresibong buwelta agad ni BB: “Who said so? You dummy. It’s a tell-all. It’s not in my plan not to reveal what I wanna say.”

Ayaw raw ni BB gawing blind item ang kuwento niya at lokohin ang mga nanonood sa kanya.

Saad ng dating aktor, “Masaya akong hindi ko niloloko ang mga nanonood sa akin at maliwanag ang ikinukuwento ko.

Continue reading below ↓

“Hindi ako ang taong nagpapasakay, at pasasakayin kita sa kuwento ko at pababayaan kitang mamatay na manghula.

“Hindi ako kagaya ng mga reporter na nagba-blind item. I am not that person. I’m sorry.”

Iginiit din ni BB na paninindigan niya ang mga binitiwang salita.

Published as is: “Sorry, I’m taking responsibility of every word that comes out of my mouth. Maliwanag?”

Wala rin daw siyang pinagsisisihan sa kanyang ginawa. Hirit ni BB: “Nag-uumpisa pa lang ang kuwento. Hold your horses.”

Tiniyak din ni BB na magkakaroon ng "twist" ang kanyang kuwento.

“You will know everything. Truth in everything. That’s the twist.

"Kasi kayo sanay na sanay na nilokoko kayo at pinapa-blind item-blind item kayo."

Iginiit ni BB na wala siyang ina-out at nagsasabi lamang siya ng totoo.

“I am not outing anyone. I am saying my truth. Piolo’s truth belongs to him. This is my truth.

“At kahit ulit-ulitin mong panoorin iyan, wala akong ino-overstep na truth ng kabilang tao. That I can assure you.”

Hindi naman ina-address ni BB ang simpleng fact na, sa pagkuwento ng buhay niya, ikinikuwento rin niya ang buhay ng ibang hindi niya hiningan ng permiso.

Continue reading below ↓

BB FIRES BACK AT AI-AI

Hindi rin pinalampas ni BB ang pagkakataon para sagutin si Ai-Ai delas Alas, na nag-react sa pagkakaladkad ni BB sa pangalan ni Piolo.

Parehong kaibigan ni Ai-Ai sina Piolo at BB/Rustom.

Pinayuhan ng comedienne si BB na mag-move on na at itigil na ang pagdadawit sa mga taong nananahimik.

Bahagi ng mensahe ni Ai-Ai kay BB: "Nananahimik na yung tao, iba na lang ang i-vlog mo, 'Neng. Mag-move on ka na din kay Papa P.

"Nakakaloka ka. Di ka pa ba masaya diyan?

"Masaya ka naman, bakit mga nananahimik, sinasama mo pa? Tama na."

Sa nailathalang ulat ni Jojo Gabinete sa Cabinet Files, sinabi rin ni Ai-Ai na sumagot si BB sa kanya at tinawag siya nitong “hypocrite.”

Kinumpirma ito ni BB sa kanyang vlog.

Saad niya, “Kasama na itong si Ai-Ai delas Alas na palalabasin pa sa mga tao na, ‘Malungkot ka ba? Dinamay mo pa yung taong nananahimik.’

Continue reading below ↓

“Wala akong dinadamay na nananahimik, at happy ako. Huwag mong husgahan ang happiness ko. Diyos ang nakakakita ng puso ko.

“Kagaya ng sinabi ko sa iyo sa text, uulitin ko dito. Ipokrita ka.

“Sa lahat ng kaibigan mo ngayon, si Rustom ang tanging kaibigan mo nung hindi ka pa sikat.

“Si Rustom, hindi ka pa Ai-Ai delas Alas, inaakap ka na noon. At ngayon nakarating ka diyan, makapagsalita ka akala mo… ipokrita.

“'Yan ang sinasabi ko sa inyo. Kaibigang putik.

"Imbes na ikaw pa... sila ang magtanggol, sila ang magdudutdot sa iyo. 'Yan ang example ng mga tao na iwasan.”

Continue reading below ↓

Tanong pa ni BB kay Ai-Ai: “Gaano mo ba katagal kakilala si Piolo at gaano mo kakilala si Rustom?

“At ano ang alam mo na ginagawa ni Piolo at ano ang alam mo na ginagawa ni Rustom? How come you can say that? Plastic. Akala naman niya…”

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa kampo ni Ai-Ai kung may gusto itong sabihin sa mga bagong pahayag ni BB, subalit tumanggi nang magsalita ang aktres.

LOLIT SOLIS, CRISTY FERMIN

Inilabas din ni BB ang galit niya sa mga beteranong entertainment columnists na sina Cristy Fermin, Lolit Solis, at Ogie Diaz.

Nagbigay ng kani-kanilang opinyon ang tatlo sa pagsisiwalat ni BB tungkol sa nakaraan nina Rustom at Piolo.

Nag-low blow si BB at nilait ang mga hitsura nila, pagkatapos ay tinawag silang mga “sinungaling.”

Sa Instagram post ni Lolit noong nakaraang linggo, sinabi nitong “nakaw eksena” si BB sa kanyang ginawang paghalungkat sa nakaraan.

Sinabi rin nitong “bitter” ang transwoman celebrity, at kinuwestiyon niya ang timing ng rebelasyon ni BB. Nagmungkahi rin itong manahimik na si BB ngayong siya ay nasa ibang bansa.

Continue reading below ↓

“Ang nakakainis nga marami pa ang nadadamay na pangalan,” bahagi ng post ni Lolit.

Balik-tanong naman ni BB kay Lolit, “E, di ba, ikaw ang nagbuke-bukelya kay Sam Milby at Piolo Pascual?”

Ang tinutukoy ni BB ay ang column na isinulat ni Lolit sa isang tabloid noong October 2007. Dito sinabi ni Lolit na nakita niya umano sina Piolo at Sam sa may poolside ng Sofitel Hotel na nagbubulungan.

Continue reading below ↓

Ang write-up ay nagbunsod para intrigahin ang dalawang aktor hinggil sa kanilang sekswalidad.

Inalmahan ng kampo nina Piolo at Sam ang write-up bilang malisyoso at nag-demand kay Lolit na mag-public apology at i-retract ang column.

Tumanggi si Lolit, kaya nagsampa ng P12-M libel case sina Piolo at Sam laban sa kanya.

Sa huli ay ni-retract din ni Lolit ang kanyang sinulat, at noong Mayo 2008 ay inurong ng dalawang aktor ang kanilang kaso.

Humingi rin si Lolit ng sorry kina Piolo at Sam sa sala ni Judge Jose Mendoza ng Manila Regional Trial Court Branch 55.

Napabalita naman ang pagkakaayos nina Piolo at Lolit noong March 2017, nang batiin at yakapin ni Piolo ang talent manager sa press conference ng pelikula ng aktor na Northern Lights: A Journey to Love.

Samantala, binuweltahan din ni BB si Cristy dahil sa sinabi ng veteran showbiz reporter na hindi totoo ang mga sinabi ni BB.

Continue reading below ↓

Aniya, “Huy, Cristy Fermin, pwede kitang harapin kahit saan at paninindigan ko ang sinasabi ko at lahat, every word.”

OGIE DIAZ

Tinira rin ni BB ang radio host/columnist/talent manager na si Ogie Diaz dahil sa pagkuwestiyon nito sa mental health ni BB.

“Kukuwestiyunin mo ang mental health ko, ang kapal mo. I am not depressed. I am happy.

"As what my daily viewers can see, I’m not even hating. I’m just saying my truth,” hirit ni BB.

Dagdag pa niya, “At ikaw, Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom. Meron kang atraso, alam mo iyan.

"Huwag kang magmalinis at hindi ako tatahimik para pabayaan kang magmalinis. Kapal nito.”

Reaksiyon iyon ni BB sa vlog ni Ogie noong September 5.

Dito, tinalakay ni Ogie ang pagsasalita ni BB at pagdawit kay Piolo.

Sinabi ni Ogie na iniisip niyang ang ginawang rebelasyon ni BB ay marahil bahagi ng moving on nito.

Continue reading below ↓

Naiintindihan daw niya ang pinagdadaanan ni BB kung mayroon man itong mental health issues.

Malumanay na punto ni Ogie, “Naniniwala ako, ha, kung may namagitan man kay Rustom at kay Piolo, dapat sa inyong dalawa na lang iyon. Ise-share mo pa sa public.

“Opinyon ko lang naman ito, ha. Bakit ise-share mo pa sa public ang nangyari between the two of you?

“Hindi naman lahat ng gusto mo kailangan mangyari at kailangan maganap.”

Ayon kay Ogie, walang problema kung ang ginagawa ni BB ay bahagi ng kanyang moving on.

“Ang problema lang talaga, e, may nadadamay na ibang tao, di ba, na dapat ay limot na.”

Ikinuwento rin ni Ogie na naging mabait sa kanya si Rustom noong araw. Humingi rin si Ogie ng sorry kay BB kung may nasabi man siyang masama noon laban kay Rustom.

RUSTOM PADILLA'S PAST

Kung papansinin, karamihan sa topics ni BB sa kanyang vlogs ay ang mga nangyari sa kanyang nakaraan bilang Rustom Padilla.

Continue reading below ↓

Nitong mga nakalipas na buwan ay tinalakay niya ang mga hinanakit sa kanyang pamilya, partikular na sa kapatid na si Robin Padilla.

Ikinuwento rin niya ang nakaraan nila ni Carmina Villarroel, na dating asawa ni Rustom.

Sa isa ring vlog noong Hunyo, binalikan ni BB ang isyu niya noon kay Vice Ganda may isang dekada na ang nakalilipas.

Inilabas ni BB ang kanyang galit kay Vice, na tinawag niyang “bobita.”

Ani BB, noong hindi pa sikat si Vice ay “ginamit” siya nito.

Sa isang 2009 interview, pinuna ni Vice ang tungkol sa “pagpatay” raw kay Rustom at pagiging BB Gandanghari.

May pagpuna rin noon si Vice sa pananamit ni BB, na hindi raw naaayon sa kanyang edad na noon ay nasa 40s.

Pero nag-sorry rin kalaunan si Vice.

Sa interview niya sa dating ABS-CBN late-night talk show na SNN (Showbiz News Ngayon) noong 2009, sinabi ni Vice na nagsalita lang siya laban kay BB dahil hiningan siya ng opinyon, pero hindi raw siya nakikipag-away.

Continue reading below ↓

Sabi pa noon ni Vice, “[H]ad I known na mao-offend siya, hindi na rin sana ako nagsalita... At since na-offend siya, nag-a-apologize ako… Nag-react lang ako bilang fan ni Rustom.”

Hindi iyon nakalimutan ni BB at tinira si Vice sa kanyang vlog. Hindi na nag-react si Vice.

BB GANDANGHARI: “SIKAT AKO.”

Balik sa September 9 vlog, nagpupuyos ang damdamin ni BB dahil sa pagkuwestiyon sa kanyang pagsasalita.

“Palalabasin pa na out of depression ang ginagawa ko,” himutok niya.

Sa puntong iyon, sinagot ni BB ang mga kritikong kumukuwestiyon sa pagsasalita niya ngayon tungkol sa nakaraan nila ni Piolo.

Sagot niya, “I’m doing my book. Ang mga sikat na tao they do their book because people are willing to listen as what’s proven by everyone’s listening to me now.”

Pinatutsadahan pa ni BB si Ogie Diaz.

Aniya, “Ikaw, pag gumawa ka ng libro at gawin mo iyang ginagawa ko, magmumukha ka talagang tanga, kasi walang makikinig sa iyo. Walang interesado.

Continue reading below ↓

“Hindi ka sikat. Yun lang masasabi ko sa iyo.”

Pagbibida ni BB, “Nagtataka kayo kung bakit ako trending. Tapatan na tayo, sikat ako.”

Ani BB, marami ang interesado sa kanya dahil “epic” ang buhay niya at hindi dahil sa mga tauhan sa kanyang kuwento.

“Hindi ito dahil kay Piolo, hindi ito dahil sa mga taong kasama sa kuwento ko. Ganoon ang sikat.

"Kaya sinabi ko ang buhay ko epic. Hindi pwedeng pang-TV lang. Nakita niyo mga involved na tao? Sinadya ko ba iyon? Hindi.

“They just happened to be involved with this very interesting persona,” pagtukoy ni BB sa sarili.

OTHER CRITICS

Hindi rin nakaligtas ang mga taong miyembro ng LGBTQ++ community sa inis ni BB.

Kinokondena ni BB ang pambabatikos sa kanya ng komunidad dahil sa pag-a-out niya kay Piolo.

Simula ni BB, “Explain kong mabuti para na rin sa kabutihan ng [LGBTQ++] community dahil mahiya-hiya kayo sa mga kino-comment ninyo.

Continue reading below ↓

“Pare-pareho tayong nasa LGBTQ community, pero hindi ninyo alam ang ipinaglalaban ninyo.

“Dito sa Amerika, since dumating ako dito, malaking bagay na ipaglaban ang gender identity mo.

“Huwag ninyo sa akin sabihin, hindi sa akin, hindi kay Rustom, huwag ninyo sa akin sabihin na, ‘Ang kapal mo, ikaw pa na si Rustom, ikaw pa yung nag-out ng ibang tao, of all people?'"

Gigil na sabi ni BB, "Yes, of all people. Ako nga, in-out ko sarili ko, e. Mga bobo."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari (above) calls her life "epic": “Nagtataka kayo kung bakit ako trending. Tapatan na tayo, sikat ako... Hindi ito dahil kay Piolo, hindi ito dahil sa mga taong kasama sa kuwento ko. Ganoon ang sikat.“
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results