Janella Salvador, Markus Paterson confirm relationship with photos

Sep 12, 2020
Janella Salvador and Markus Peterson confirm their relationship in two separate posts uploaded on their Instagram accounts earlier today, September 12, 2020.
PHOTO/S: @superjanella / @markus on Instagram

Sila na!

Inamin na ng Kapamilya stars na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngayong gabi, September 12, 2020, ibinahagi ni Janella sa kanyang Instagram account ang litrato na kasama niya si Markus.

Sila ay parehong nakangiti habang magkayakap nang mahigpit sa harap ng iconic tourist spot na Glico Running Man sa Osaka, Japan.

"The best hugs in the world from the best potato in the world," sabi ni Janella sa kanyang caption.

Continue reading below ↓

Dinagsa ang post ng red heart emojis at ng suporta mula sa mga kaibigan at pamilya ng dalaga.

Isa na rito ang kanyang tita na si Maja Salvador na nagsabing, "So happy for you, My Emma! Camilla will always be by your side. ALWAYS! LOVE YOU."

Ang sabi naman ni Kyle Echarri, "That'sss what I was waiting for."

Continue reading below ↓

Samantala, nag-post si Markus ng isang video kung saan makikitang sweet na sweet silang magkayakap ni Janella.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janella noong October 13, 2019, sinabi ng dalaga na gusto niyang panatilihing pribado ang tunay na estado ng napapabalitang relasyon nila ng aktor.

Aniya, "We just don't wanna give official statement. Kasi pag nagbigay ka ng official statement, parang obliged ka na mag-share, na marami kang ise-share, ganun.

Continue reading below ↓

"Based on my experience, gusto ko na private na muna, lalo na ngayong bago pa kung anuman iyun.

"Nakakatuwa na itong part na ito ng buhay ko, mayroon akong privacy."

Nagsimula ang dating rumors tungkol sa dalawa noong April 2019. Pareho silang 22 years old.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador and Markus Peterson confirm their relationship in two separate posts uploaded on their Instagram accounts earlier today, September 12, 2020.
PHOTO/S: @superjanella / @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results