Angel Locsin on breakup rumors with Neil Arce: "Fake news"

by Bernie V. Franco
Sep 13, 2020
Angel Locsin slams videos claiming that she and fiance Neil Arce have broken up. In an Instagram story, she labels them as "fake news."
PHOTO/S: photos from Instagram (right photo: Paolo Nierves_

Fake news!

Ito ang buwelta ni Angel Locsin sa mga nagpapakalat na hiwalay na sila ng fiancé niya, ang film producer na si Neil Arce.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, binira ni Angel ang mga netizen na gumagawa ng ganitong balita tungkol sa kanyang love life.

Ipinost ni Angel ang screenshot na nagpapakita ng series of thumbnails ng videos ng paghihiwalay umano nila ni Neil.

Base sa titulo ng videos, malinaw namang clickbait lamang ang mga ito.

Kalakip ng screenshot ay ang caption ni Angel, bilang reaksiyon sa “fake news.”

Ani Angel: “Oh wow. Can’t believe some people would stoop this low.”

Tanong ni Angel, bakit may mga taong nagpapakapagod talaga para siraan siya?

Sabi ng aktres, “Why do some people make this much effort to put me in a bad light?That is the question.”

Ginamit din ni Angel ang online sticker na “FAKE NEWS”.

Continue reading below ↓

Burado na ang Instagram Story ni Angel, subalit ipinost ito ng kanyang fans sa kanilang social-media accounts.

February 2018 nang kumpirmahin nina Angel at Neil ang kanilang relasyon. Matagal muna silang naging magkaibigan at magkabarkada.

June 20, 2019 naman nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Noong Mayo, ibinunyag ni Angel na pinaghahandaan na nila ni Neil ang kanilang kasal ngayong taon.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit pagpasok ng 2020 ay nagpahinga muna si Angel sa pagtatrabaho.

Kinumpirma naman ng aktres na hindi na nila matiyak kung tuloy pa ang kasal sa taong ito bunsod ng pandemya.

Kasalukuyang magkatrabaho sina Angel at Neil sa ABS-CBN weekend public-service program na Iba ‘Yan.

Tumatayong host si Angel sa,mantalang si Neil ang direktor ng programa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin slams videos claiming that she and fiance Neil Arce have broken up. In an Instagram story, she labels them as "fake news."
PHOTO/S: photos from Instagram (right photo: Paolo Nierves_
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results