Korina Sanchez answers intimate questions about married life: “Submissive ako.”

by Bernie V. Franco
4 days ago
Korina Sanchez on her husband Mar Roxas: "Dito sa asawa ko, I’m very... I’m quite submissive, ano ba."
PHOTO/S: @korina on Instagram

Game na sinagot ni Korina Sanchez, 55, ang mga mapangahas at personal na tanong na may kinalaman sa kanyang married life.

Si Korina ay kasal kay former Senator Manuel “Mar” Roxas II, 63.

Si Mar ay dating kalihim ng Department of Interior and Local Government noong panahon ni former President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ikinasal sina Korina at Mar noong October 2009.

Sa guest appearance ni Korina sa online show na Gabing Gabi na Vice noong Sabado, September 12, personal ang ibang tanong ng host na si Vice Ganda.

Pero hindi ito inurungan ni Korina, na kilala sa kanyang strong personality.

Una, inusisa si Korina kung siya ang nagdidikta kung kailan ang “loving-loving” nila ni Mar, kung anong oras, at kung mabilisan ito.

Sagot ni Korina, bagamat may reputasyon siyang matapang, submissive raw siya pagdating sa relasyon, kahit sa mga nakaraang nobyo.

“Hoy, I am a geisha. Iyan ang hindi alam ng marami… of all of my partners in life.

Continue reading below ↓

“Hoy, hindi naman marami, ha, excuse me, konti lang sila, mga boyfriend ko.”

Naging boyfriend din noon ni Korina si Noynoy.

Ang geisha ay tradisyunal na female entertainer sa Japan, na nagpe-perform ng Japanese art forms, sayaw, at kanta.

Binigyang-konteksto ni Korina ang kanyang sagot, “At dito sa asawa ko, I’m very... I’m quite submissive, ano ba.

“Sample, kunwari magmamaneho siya [Mar] pupunta kami ng norte. Sasabihin niya, ‘Nasaan na tayo?’ Sabi ko, ‘Hindi ko alam, basta trust kita kung nasaan tayo.’”

Ikagagalit daw iyon ni Mar dahil walang sense of direction si Korina.

Ani Korina, “Ang ibig sabihin noon, Vice, pag ako may partner, bahala ka na sa akin. Basta susunod na lang ako. Tago na lang ako sa [kili-kili] mo.”

Inusisa si Korina kung siya ba ang tipo na matapang sa trabaho, pero kabaligtaran pagdating sa relasyon.

“I think so. Oo naman,” sagot ng news anchor at current-affairs host.

Continue reading below ↓

KORINA ON SEX LIFE

Sumundot pa ng tanong si Vice tungkol sa “loving-loving moments pag natutulog” sina Korina at Mar.

Sagot ni Korina, “Sa loving-loving moments, ako ay isang babaeng marikit at dalagang Pilipina. Kailangan ligawan ako. Ganoon ako talaga."

Mahirap ba siyang suyuin kung gustong maglambing ni Mar?

“Ay hindi. Titingnan lang ako, alam ko na iyon. Pero kailangan makita ko yung titig niya. Kailangan ganoon.”

Hiniritan si Korina na nakukuha pala siya sa isang tingin lang.

“Ano ba, hello! Magkukunwari pa ba tayo, mahigit singkuwenta na ako. Buti nga tinitingnan pa ako.”

Inusisa rin ang broadcaster kung hindi na ba ganoon “ka-active” si Mar.

“Sabihin na lang natin masaya ako,” at biglang natawa si Korina. "Basta ako, masaya ako.”

Sundot ni Vice, masaya ba ang sex life niya?

“Masaya sa lahat ng bagay,” ang sagot ni Korina.

Sa puntong iyon, inilahad ni Korina na nag-e-effort talaga siyang alagaan ang sarili para magmukha pa ring bata sa edad niya.

Continue reading below ↓

“I think, really, alagaan mo ang sarili mo, katawan mo, health mo.

“Ngayon pa lang kasi pag inabuso mo talaga yung katawan mo, ang health mo, maaga-aga ka rin tatanda.

“Importante talaga ma-maintain mo yung vitality, energy, libido, mga ganyan.

“You have to start taking care of yourself in your 30s."

Marami raw ang pumupuri kay Korina na maganda pa rin ang kanyang itsura kahit nasa mid-50s na siya.

Pero sinasagot daw niya ang mga ito na nag-e-effort siya.

“People ask me, 'Korina, ha, okay ka, ha. Okay ka pa rin.' Sabi ko, ‘Oy, hindi ganoon kadali iyon, ha.’

"Talagang inalagaan ko sarili ko. I work out, I eat well, I try to sleep well.

“I party hard, but I also take care of my self very well.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on her husband Mar Roxas: "Dito sa asawa ko, I’m very... I’m quite submissive, ano ba."
PHOTO/S: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results