Mark Herras issues stern warning against bashers: "Wag niyo kaming gagawan ng issue."

by Nikko Tuazon
Sep 20, 2020
Mark Herras, Nicole Donesa
Mark Herras and fiancée Nicole Donesa decide to postpone their wedding to a later date due to the COVID-19 pandemic. The couple announced on Sunday, September 13, 2020, that they are expecting their first baby.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram

Kinumpirma ng Kapuso actor na si Mark Herras, 33, at ng fiancée nito na si Nicole Donesa, 26, na sila ay magkakaroon na ng anak.

Ibinalita ng dalawa ang tungkol sa pagbubuntis ni Nicole sa pamamagitan ng isang vlog sa YouTube nitong Linggo, September 13, 2020.

Noon namang September 18, na-reveal na ang gender ng kanilang magiging anak na binigyan na nila agad ng nickname na "Corky."

Sa kasalukuyan si Nicole ay limang buwan nang buntis at inaasahan manganganak sa susunod pang tao, sa January 2021.

Bago pa ang pregnancy announcement, nauna nang ibinalita ng dalawa ang kanilang engagement sa kanilang instagram accounts noong June 5, 2020.

Sa vlog, nilinaw na agad ni Mark na hindi ang pagbubuntis ni Donesa ang dahilan kung bakit nila gustong magpakasal.

Aniya, "Hindi yun yung reason bakit kami magpapakasal. Nilinaw ko lang sa mga magba-bash diyan."

Dagdag nito, "Kaya namin siya dinelay... kasi alam mo yun? Parang ang dami nang nangyayari sa mundo."

Continue reading below ↓

STERN WARNING

Nagbigay naman agad ng matinding babala si Mark sa kanyang bashers na nagbabalak mag-iwan ng negative comments tungkol sa kanila ni Nicole at maging sa anak nila.

Sabi ni Mark, "I'm warning all the bashers, wag niyo kaming gagawan ng issue or wag kayo magsasalita or magsasabi ng kahit anong negative about me and Nicole or our baby.

"Kasi papatulan ko kayo, I'm sorry to say that."

Patuloy nito, "Basta sa mga bashers, beware. Remember, bad boy ako."

Tatlong araw bago ang kanilang engagement announcement, bumisita na sina Nicole at Mark sa kanilang doktor sa isang private clinic para sa kanilang first check-up.

Hindi naman agad inanunsiyo ng dalawa ang tungkol sa pagbubuntis ni Nicole dahil nais muna nilang maging pribado ito.

Paliwanag ni Nicole, "And siyempre during this time, it's nice to keep things private muna especially during the very sensitive stages sa akin.

"First trimester for me was so hard, for the both of us actually. It was really hard."

Continue reading below ↓

DELAYING THE WEDDING

Ayon kay Mark, nais na nilang ikasal sa pamamagitan ng civil wedding ngunit marami sa pamilya ni Nicole ang hindi makakadalo kaya hindi muna nila ito itinuloy.

Kuwento ni Mark, "Unang plano namin is magpa-civil wedding muna. But yun nga, dahil nagka-COVID so maraming nagsara.

"May requirements from the embassy na kailangan for Ico [Nicole] kasi dual citizen siya... Pangalawa, si Papa C, yung daddy ni Ico is nasa America pa po."

Dagdag ni Nicole, "Actually a lot of important family members aren't here. Sa 'yo [kay Mark], my cousins, sa Donesa side, sa Rous side, siyempre they have to be here for the big day."

Patuloy naman ni Mark, "Yung sa akin naman, sumalangit na."

Noong April 2016, sumakabilang buhay ang ina ni Mark na si Jasmin Santos.

Ilang buwan matapos mawala ang kanyang ina, ang tito nito na si Hermie Santos na tumayo ring foster dad ni Mark ang pumanaw.

Continue reading below ↓

Noong July 2014 naman nang pumanaw ang adoptive father ni Mark na si Daddy Jun Herras.

Samantala, nakakasama naman ni Nicole ang nanay nito na si Weng Santos. Ang kanyang ama na si Dodie Donesa ay nasa Amerika kung saan lumaki si Nicole.

Sa ngayon, proud na proud na si Nicole kay Mark dahil sa effort na ipinapakita nito sa pag-aalaga sa kanya at sa paghahanda nitong maging ama sa kanilang anak.

Aniya, "I'm also proud of this guy for doing everything he can to prepare and be the dad he's gonna be."

Noong August 2019 unang kinumpirma nina Mark at Nicole ang kanilang relasyon.

Matatandaang nagkatrabaho ang dalawa sa Kapuso afternoon series na Bihag mula April hanggang August 2019.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras and fiancée Nicole Donesa decide to postpone their wedding to a later date due to the COVID-19 pandemic. The couple announced on Sunday, September 13, 2020, that they are expecting their first baby.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results