Jimuel Pacquaio defends Heaven Peralejo from P100K ayuda rumor

by Arniel C. Serato
4 days ago
Jimuel Pacquiao on money issue anew against ex-girlfriend Heaven Peralejo: "She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”
PHOTO/S: Courtesy: @pacquaio.emmanuel / @heavenperalejo on Instagram

Tahasang itinanggi ni Jimuel Pacquaio, 19, na binigyan ng kanyang amang si Senator Manny Pacquiao ng P100,000 financial help ang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo, 20.

May mga lumabas na blind items tungkol sa isang young actress na tinext umano ang mayamang ama ng kanyang ex-boyfriend upang manghingi ng pinansiyal na ayuda ngayong may pandemya.

Sa Instagram post ng veteran entertainment columnist na si Lolit Solis noong September 11, direkta niyang pinangalanan si Heaven na nag-text daw kay Manny para humingi ng tulong.

Ngunit ayon kay Lolit, ang nagbigay raw ng P100,000 kay Heaven ay ang mismong misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

Continue reading below ↓

Mariin itong itinanggi ng kampo ng Kapamilya young actress.

Maliban dito, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven sa mali umanong paratang na ito.

Sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, September 14, mariing pinabulaanan ni Jimuel ang tungkol sa ayuda issue kay Heaven.

Ayon sa kanya, hindi totoong nag-text si Heaven at wala raw perang ibinigay sa dating nobya.

Mensahe ni Jimuel, “I would like to clarify that the issue posted by Lolit Solis and fashionpulis about Heaven is false. There was no money given and there was no communication.”

Ayon pa sa binata, palagi na lamang naiisyu si Heaven tungkol sa pera pero idiniin nitong hindi ganung klaseng babae ang dating kasintahan.

Dagdag pa ni Jimuel, “We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up.

“She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”

Continue reading below ↓

MONEY, GROCERY ISSUES

Nang ihayag nina Jimuel at Heaven ang kanilang relasyon ng March 2019, nagsimula na rin ang bashing laban sa Kapamilya young actress.

May isyu pa noong ginagatasan daw ni Heaven ang boyfriend.

May akusasyon ding ginagamit diumano niya ang credit card ni Jimuel para sa paggu-grocery ng kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

July 2019, naghiwalay ang dalawa matapos lamang ang halos apat na buwan.

Sa isang panayam, nilinaw ni Jimuel ang akusasyon kay Heaven.

Sabi ni Jimuel noon, “Yung lahat po ng naririnig niyo tungkol sa money, yung mga ganun, hindi po totoo yun.

“Hindi po siya ganun.”

Mahigpit ding itinanggi ni Heaven ang mga akusasyong ito sa kanya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimuel Pacquiao on money issue anew against ex-girlfriend Heaven Peralejo: "She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”
PHOTO/S: Courtesy: @pacquaio.emmanuel / @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results