Palawan resident details personal encounter with John Lloyd Cruz

by Rachelle Siazon
Sep 14, 2020
Palawan resident Jomari Posadas (striped shirt, left) on meeting actor John Lloyd Cruz (white shirt): "First impression ko po mabait naman po siya... At di po siya nauubusan ng pasasalamat sa pag-asikaso namin sa kanya."
PHOTO/S: Courtesy of Jomari Posadas

Namataan si John Lloyd Cruz nang dumating siya sa domestic airport ng Puerto Princesa, Palawan, noong September 4.

Sinalubong siya ng grupo ng local residents na tumulong sa premyadong aktor kung ano ang dapat nitong sunding protocols pagdating niya roon galing Metro Manila.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jomari Posadas noong Linggo ng hapon, September 13.

Si Jomari ay bahagi ng grupong umasikaso sa pagdating ni John Lloyd sa Palawan.

Ayon kay Jomari, ang nanguna sa pagsundo kay John Lloyd ay si Joey Odtahan ng Joey Ganda Productions, na karaniwang nangangasiwa ng pageant events sa Palawan.

Kuwento ni Jomari sa PEP.ph, "Bago po kasi sila nagbiyahe papunta dito, nagtawag na po sila sa amin about nga po kung anong protocol dito.

"Ta's po yung nagpa-PCR swab test muna sila sa Manila.

"Ta's after a week, nagbiyahe na sila, ta's sinundo na namin sila sa airport.

"Kami lang pong tatlo sumundo sa kanila, sama-sama kami sa isang sasakyan hehe."

Continue reading below ↓

Ang swab test, o real-time reverse transcriptionolymerase chain reaction (RT-PCR) test, ang tinuturing na "gold standard" pagdating sa pagsusuri kung positibo o negatibo ang isang tao sa COVID-19.

Kinumpirma ni Jomari na sumailalim din si John Lloyd sa rapid test sa Irawan, na 40 minutes ang layo sa Puerta Princesa.

Negatibo raw ang resulta ng rapid test ni John Lloyd.

Arrival of John Lloyd (in khaki long-sleeved top and cap) at the airport in Puerto Princesa, Palawan.

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD IS "MABAIT, HINDI MAYABANG"

Nagkaroon ng pagkakataon si Jomari na makahalubilo si John Lloyd dahil magkakasama raw silang kumain ng lunch sa isang resort.

Dito ay nasaksihan daw niya kung gaano kagiliw ang aktor.

Lahad ni Jomari: "First impression ko po mabait naman po siya.

"And di po siya mayabang kasi may iba kasing artista na di nakikipag-usap sa mga normal citizens.

"Siya po nakikipag biruan pa siya samin.

"At di po siya nauubusan ng pasasalamat sa pag-asikaso namin sa kanya."

Niyaya pa raw ni John Lloyd sina Joey, Jomari, at isa pa nilang kasama na dalawin ang aktor sa El Nido.

Ani Jomari: "Opo kasi po nagyaya siya ng jamming daw po! Dun kay Nay Joey. Pasasalamat niya daw po sa amin.

"Kaso di pa puwede kasi naka-quarantine pa sila."

Pagkatapos daw nilang mag-lunch ay humiwalay na raw si John Lloyd at mga kasama nito para magbiyahe patungong El Nido, Palawan.

Continue reading below ↓

Ang El Nido town proper ay limang oras ang layo mula sa Puerto Princesa airport.


JOHN LLOYD BUILDING A HOUSE IN EL NIDO

Sa El Nido ang destinasyon ni John Lloyd dahil mayroon itong ipinapagawang bahay doon.

Continue reading below ↓

Ipinakita ni Jomari sa PEP.ph ang litrato ni Joey kasama si John Lloyd, pati na rin ang impormasyong naibahagi ni Joey sa Palawan News.

Sabi rito ni Joey, kasamang dumating ni John Lloyd sa Palawan ang architect at manager ng aktor.

Sasailalim daw ang mga ito ng 14-day quarantine sa bahay ng manager ni John Lloyd sa El Nido.

Magtatagal daw si John Lloyd ng isang buwan sa El Nido para asikasuhin ang pagpapagawa ng bahay at negosyo raw nito sa lugar.

QUARANTINE LIFE

Noong kasagsagan ng ECQ sa Luzon ay namalagi si John Lloyd sa Cebu.

Doon naninirahan ang ex-girlfriend ni John Lloyd na si Ellen Adarna at anak nilang si Elias.

Noong April 28, inamin ni Ellen na "co-parenting" ang status nila ng dating nobyo na si John Lloyd.

Sa parte ni John Lloyd, naging bukas siya sa mga pagkakataong kasama niya ang anak.

Tulad noong April 27, nag-Instagram Live sina John Lloyd at perennial leading lady niyang si Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

Saglit na ipinakita ni John Lloyd sa camera ang kanyang anak.

Medyo aktibo rin si John Lloyd sa ilang showbiz causes.

Nakilahok siya sa pagsasadula ng Filipino version ng The Great Dictator speech ni Charlie Chaplin.

Ang 1941 American film na The Great Dictator ay obra ng British actor-filmmaker na si Charlie Chaplin at nagsilbing parody ng German dictator na si Adolf Hitler.

Ang sikat na The Great Dictator speech ang nakapagsuma ng sigaw ng mga Pilipinong nagpoprotesta sa naipasang Anti-Terror Law noong Hulyo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Palawan resident Jomari Posadas (striped shirt, left) on meeting actor John Lloyd Cruz (white shirt): "First impression ko po mabait naman po siya... At di po siya nauubusan ng pasasalamat sa pag-asikaso namin sa kanya."
PHOTO/S: Courtesy of Jomari Posadas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results