Derek Ramsay insists no truth to live-in rumor with Andrea Torres

by Arniel C. Serato
4 days ago
Derek Ramsay on girlfriend Andrea Torres being wife material: "She is all about family.”
PHOTO/S: File

Nabuhay na naman ang usaping nagsasama na raw sa iisang bubong ang magkasintahang sina Derek Ramsay, 43, at Andrea Torres, 30.

Pero kaagad itong nilinaw ng Kapuso actor.

Pahayag ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Lunes, September 14, “No we are not live in. The truth is we aren’t live in.”

Muling naungkat ang isyu dahil sa latest vlog ng dalawa kung saan ipinasilip ng aktor ang kanyang bagong gawang mansion.

Continue reading below ↓

Kasama niya sa house tour ang nobyang si Andrea.

Sa mga nakaraang panayam, sinabi ni Derek na ang ipinapagawa niyang bagong bahay ay magiging tahanan nila ng kanyang magiging asawa in the future.

Dagdag pa niya tungkol sa kanyang bagong gawang bahay, “I started that house before I met Andrea.”

Continue reading below ↓

“SHE IS ALL ABOUT FAMILY”

Isang taon na ang relasyon nina Derek at Andrea.

Inamin nila ang kanilang relasyon noong September 2019.

Natsismis na buntis diumano si Andrea nitong nakaraang Hunyo lamang. Pero tinawanan lang ito ni Derek.

Sa isang panayam din ng PEP.ph noong July 2020, sinabi ni Derek na baka in the next two years ay makasal na sila ni Andrea.

“Yung tungkol naman sa kasal, most definitely napag-uusapan na namin ‘yan.

“I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why.

“I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different.

“I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan."

Muli namin siyang inusisa ngayon kung bakit sa tingin niya ay wife material si Andrea.

Diretsong tugon niya, “She is all about family.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on girlfriend Andrea Torres being wife material: "She is all about family.”
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results