Romnick Sarmenta, Barbara Ruaro have full support of families, friends: “That’s all that matters.”

by Jet Hitosis
3 days ago
Indie actress Barbara Ruaro reveals that she worked with actor Romnick Sarmenta at the set of iWant series Past, Present, Perfect? for just one day: “Isang araw lang kami nagkasama doon. I was getting ready for a scene and he took the liberty to introduce himself to me. Matagal kaming hindi nagkita pagkatapos nun, but we kept in touch."
PHOTO/S: @bieruaro on Instagram

“God-given love.”

Ganito inilalarawan ng indie actress na si Barbara Ruaro ang romantic relationship nila ng aktor na si Romnick Sarmenta.

Perfect timing daw kasi ang pagkikilala nila ni Romnick, 48, ayon kay Barbara.

Sa panahong kapwa sila nagmu-move on mula sa huling pakikipagrelasyon, nasumpungan nila sa isa’t isa ang isang tunay at maaasahang kaibigan.

At noong handa nang makipagrelasyong muli, na-realize nina Romnick at Barbara na sabay pala silang makikinabang sa healing na magkaagapay nilang pinagdaanan.

Si Romnick ay dating child actor na sumikat bilang matinee idol noong 1980s. Sa ngayon, napapanood siya sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Si Barbara ay isang actress-filmmaker-writer at mental health advocate. Napanood siya sa mga pelikulang Kung Paano Siya Nawala, Babae at Baril, at Abandoned, gayundin sa iWant series na The Tapes at Past, Present, Perfect?.

THE NAMELESS INSPIRATION

June 2020 nang mabalita ang tungkol sa relasyon nina Romnick at Barbara.

Bagamat pinili nilang huwag munang pangalanan ang isa’t isa noong mga panahong iyon, napagtagni-tagni ng netizens ang espesyal na ugnayan nila, base sa kanilang social media posts.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod kasi noon ang pagpu-post ni Romnick ng mga litrato ng bouquet of flowers at ng mga tula at sketches na ginawa niya para sa kanyang special someone.

Pero hindi pinapangalanan ng aktor ang bago niyang inspirasyon. Gumagamit lang siya ng “#alwaystogether” sa kanyang mga post.

Si Barbara, sa Instagram din ibinabahagi ang litrato ng mga bulaklak at love notes na natanggap niya mula sa isang tao na may initial na “N.”

Continue reading below ↓

Nicko ang palayaw ni Romnick.

Sa pagitan ng posts nilang ito, kapansin-pansin ang palitan nina Romnick at Barbara ng sweet messages sa comments section.

Hanggang noong June 21, sa unang pagkakataon ay sabay na nag-post sa Instagram sina Romnick at Barbara ng picture nila habang magkasama.

Continue reading below ↓

A FRIENDSHIP THAT IS “STRONG AND TRUSTING”

“The very foundation of our relationship is a strong and trusting friendship,” pagmamalaki ni Barbara tungkol sa nobyong si Romnick.

Sa pamamagitan ng email interview, eksklusibong ikinuwento ni Barbara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo ang love story nila ni Romnick.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Barbara, kahit sa simula pa man ay naroon ang posibilidad na hindi sila mananatiling magkaibigan lang, wala raw sinuman sa kanila ang nag-apurang pumasok sa panibagong relasyon.

“Hindi kami nagmadali,” anang aktres. “We took our time in the getting-to-know phase.

“It was organic and free from any selfish agenda.

“It took a while for that friendship to evolve into something romantic.

“It had its own challenges,” sabi ni Barbara.

WORKING TOGETHER FOR AN IWANT SERIES

Sa set ng iWant rom-com series na Past, Present, Perfect? nagkakilala sina Barbara at Romnick.

Huling linggo ng May 2019 nang ini-release sa iWant ang Past, Present, Perfect?.

Sa serye, gumanap si Romnick bilang high school professor na si Sir Daniel.

Teacher din ang character ni Barbara bilang si Miss Aglipay.

Kuwento ni Barbara, isang araw lang silang nagkatrabaho ni Romnick.

Ang aktor daw ang lumapit at nagpakilala sa kanya.

“Isang araw lang kami nagkasama doon,” sabi ni Barbara.

Continue reading below ↓

“I was getting ready for a scene and he took the liberty to introduce himself to me, since we weren't introduced beforehand.

“Matagal kaming hindi nagkita pagkatapos nun, but we kept in touch.”

Barbara Ruaro

Ang isang araw na pagsasamang iyon daw nina Barbara at Romnick ang naging simula ng kanilang pagkakaibigan.

Continue reading below ↓

FRESH FROM HEARTBREAKS

Malaking bagay raw na nakaka-relate sina Romnick at Barbara sa sitwasyon ng isa’t isa.

Pareho kasi silang kagagaling lang noon sa hiwalayan.

Nang mga panahon iyon, mahigit isang taon nang hiwalay si Romnick sa kanyang asawa, ang actress-film producer na si Harlene Bautista.

October 2018 nang ianunsiyo nina Romnick at Harlene na tinapos na nila ang halos 20 taong pagsasama. Mayroon silang limang anak.

Si Barbara naman ay unti-unti na noong nakakabangon mula sa isang mapang-abusong relasyon, na nagtapos noong September 2019.

“Initially, Nicko and I were both going through our own journey of healing, but remained very open towards each other, even when we had mountains to climb separately.

“We supported each other, prayed for each other, and gave each other space to grow,” kuwento ng aktres.

THAT “LEAP OF FAITH”

Paglalarawan ni Barbara, “most straightforward kind of love” ang namagitan sa kanila ni Romnick noon.

Continue reading below ↓

Alam daw nila na pareho silang espesyal sa isa’t isa, pero pinili nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang friendship.

“We felt love for each other early on, but it was the most straightforward kind of love.

“Hindi ko masasabing purely platonic lang siya o romantic kaagad.”

Hanggang dumating daw ang araw na handa na silang sugalan ang isa’t isa at sabay na magsimula muli.

Kuwento ni Barbara: “One day, nung pareho na kaming handa, we took a leap of faith and just decided to be together.

“We've been inseparable ever since.”

RELATED STORIES

ROMNICK: GODLY BOYFRIEND, LOVING DAD

Habang umuusad ang mga linggo at buwan, mas nakilala pa raw ni Barbara si Romnick.

Kung may katangian daw ang aktor na labis hinahangaan ni Barbara, ito ay: “The way he looks to God and loves his family.”

Romnick Sarmenta

Continue reading below ↓

Ayon sa aktres, malaki ang naitulong ni Romnick upang mapatatag pa niya ang pananampalataya sa Diyos pagkatapos ng kanyang mga pinagdaanan noong 2019.

“He's very godly; we pray together every day.

“I've been through a lot, and he knows that. He provides a safe space for me and brings me closer to God.

“He's the most sensitive and sensible man I know.”

Ipinagmamalaki rin ni Barbara ang maayos na pagpapalaki ni Romnick sa limang anak nito.

Pagbibida ni Barbara sa nobyo: “He raised five bright and wonderful children, and always, always chooses to see the best in people.”

“THE VERY BEST MAN I KNOW”

Naaalala nga raw ni Barbara ang sariling ama kay Romnick.

Taglay raw kasi ng aktor ang maraming katangian ng ama ni Barbara, tulad ng kasimplehan, kabutihang loob, pagiging matalino, at laging maalaga.

Ito ang mga pinagbasehan ni Barbara nang sabihin niya sa isang Instagram post noong June 25, 2020 na si Romnick ang “the very best man I know.”

Continue reading below ↓

Sa interview ng PEP kay Barbara, pinaninindigan ng aktres ang papuring ito sa nobyo.

“He definitely is the best man I know.

“He reminds me a lot of my father, intelihente, walang arte sa katawan, napakabait at mapagbigay sa kapwa.

“No grandeur. It's in the little things that he does.”

Continue reading below ↓

Ayon kay Barbara, laging may panahon si Romnick upang ipagluto siya habang nakikinig ito sa kanyang mga kuwento.

“The way he makes sure I have everything I need. The way he makes time to cook for me. The way he listens to my stories and appreciates me even when I'm not feeling (or looking) my best.

“With him, I am completely human. I can be myself.

“He inspires me to work hard and be a better person,” sabi ni Barbara.

CONSTANT COMMUNICATION

Dagdag ni Barbara, tahimik at “suplado” ang impresyon ng marami kay Romnick.

Pero sa interview ng PEP.ph, inilarawan ng aktres si Romnick na “masarap kausap” at “ang kulit.”

Kuwento niya: “Nicko can be quiet and reserved, that's why a lot of people mistake him as ‘suplado.’

“Masarap siyang kausap. ‘Tsaka ang kulit niyang tao! He can have me rolling on the floor laughing in seconds.”

Sa katunayan, paborito raw nilang bonding activity ang magkuwentuhan nang magkuwentuhan.

Continue reading below ↓

“Nicko and I are both communicative people; we share the same kind of humor and a strong code of ethics.

“We love to sit and talk, talk, talk over coffee. We talk all the time.”

Kahit noong nagsimula ang enforced quarantine, regular pa rin daw ang komunikasyon ng magkasintahan.

Kuwento ni Barbara: “We made it a point to maintain good communication and not let the distance take a toll.

“Nagbi-videocall kami, nagkukuwentuhan hanggang makatulog.

“We check on each other and our loved ones daily, to ensure na safe kaming lahat.”

Romnick Sarmenta, Barbara Ruaro

Continue reading below ↓

SIMILARITIES AND DIFFERENCES

Magkasundung-magkasundo rin sina Romnick at Barbara pagdating sa pagkahumaling sa panonood ng pelikula.

Sabi ni Barbara: “Being in the industry, we also share a mutual love for film, so we watch, discover, and rediscover a lot of movies during our spare time.”

Marami man silang pagkakapareho, may mga bagay rin daw na hindi pinagkakasunduan sina Romnick at Barbara.

Hindi nagdetalye ang indie actress kung anu-ano ang mga ito.

Pero dahil sa mga pagkakaiba raw na iyon ay lalo silang natututo—at napapamahal—sa isa’t isa.

“Although marami kaming similarities, we also have our fair share of differences. But we continuously learn from each other, and enjoy that.

“We're the best of friends and can do almost everything together. That's what's exciting, I think,” dagdag ni Barbara.

DEALING WITH BASHERS

Para kina Romnick at Barbara, ang mga pagkakapareho at pagkakaibang ito ang lalong naglalapit sa kanila sa isa’t isa.

Ito raw ang lalong nagpapatatag sa kanilang relasyon, na nagagawang batikusin ng ilang netizens.

Continue reading below ↓

Nang mabalita ang tungkol sa relasyon nina Barbara at Romnick, ilang netizens ang nagdadawit kay Barbara sa breakup ng aktor kay Harlene.

Ito ay kahit matagal nang hiwalay si Romnick kay Harlene nang magkakilala sila ni Barbara.

Sa katunayan, sa isang radio interview noong June 17, nagpahayag ng katuwaan si Harlene na tulad niya ay moving on na rin si Romnick.

Masaya na ngayon si Harlene sa piling ng boyfriend na si Federico Moreno, anak ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

Ang iba pang netizens, pilit na iniuugnay si Romnick sa dating love team partner na si Sheryl Cruz.

Single na rin kasi ngayon si Sheryl, na mahigit 10 taon nang hiwalay sa dating asawang si Norman Bustos. Mayroong isang anak na babae sina Sheryl at Norman.

Pero sa isang open letter noong June 15, pinabulaanan ni Romnick na may kinalaman si Barbara sa hiwalayan nila ni Harlene.

Continue reading below ↓

Umapela rin ang aktor ng respeto para kay Harlene, kay Barbara, gayundin para sa personal na buhay ni Sheryl.

FULL SUPPORT FROM FAMILY AND FRIENDS

“Alam naman namin yung totoong kuwento, so we don't allow their negativity to affect us,” sabi ni Barbara tungkol sa bashers sa social media.

Kumpiyansa raw si Barbara sa relasyon nila ni Romnick dahil todo-suporta sa kanila ang kani-kanilang mahal sa buhay.

“In our circle, everybody's happy and at peace. Full support ang mga kaibigan at pamilya namin, and that's all that matters.”

Barbara Ruaro, Romnick Sarmenta

Continue reading below ↓

Para makaiwas sa gulo, binubura na lang daw nila ni Romnick ang mga negatibong komento at bina-block ang Internet trolls.

“We delete comments and block troll accounts, and we veer away from anything that can possibly tarnish our relationship," ani Barbara.

Bagamat hindi sinabi ng aktres kung ilang buwan na ang relasyon nila ni Romnick, binati niya ang nobyo ng "Happy half, my sweets" sa isang Instagram post nitong September 10.

"Sweetheart" ang term of endearment ng magkasintahan.

Continue reading below ↓

Buo ang paniniwala nina Romnick at Barbara na biyaya ng Diyos ang relasyon nila kaya mananatili itong matatag laban sa anumang hamon, kasama na ang mga nanghuhusga.

Sabi ni Barbara: “We're confident in our God-given love and that, to us, is more than enough."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie actress Barbara Ruaro reveals that she worked with actor Romnick Sarmenta at the set of iWant series Past, Present, Perfect? for just one day: “Isang araw lang kami nagkasama doon. I was getting ready for a scene and he took the liberty to introduce himself to me. Matagal kaming hindi nagkita pagkatapos nun, but we kept in touch."
PHOTO/S: @bieruaro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results