Derek Ramsay warns followers about his poser looking for girls for hire

by Bernie V. Franco
3 days ago
Derek Ramsay on poser asking for girls for hire: “This have been happening for a year now and there’s to truth to it."
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

Nagbabala si Derek Ramsay tungkol sa isang taong ginagamit umano ang kanyang identity para kumuha at bayaran ang serbisyo ng mga babae para sa party.

Ayon sa Kapuso actor, matagal na itong nangyayari pero hindi pa rin niya nasosolusyunan ang problemang ito.

Fans daw ni Derek ang nagpaabot sa kanya tungkol sa pinakahuling kaso ng paggamit sa kanyang identity.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Derek ngayong Lunes ng hapon, September 14, ang screenshoot na nagtataglay ng unregistered number at sent message.

Ipinadala ang mensahe ngayong umaga ng Lunes.

Nakalagay sent message: “Hi dear its Derek.”

Kalakip ng screenshot ang caption ni Derek na nagpapaliwanag kung tungkol saan ito.

Ayon sa GMA-7 actor, ang nagpadala ng text message ay isang taong nagpapanggap na siya. Humihingi umano ito ng referral para sa girls for hire para sa stag party, kapalit ng PHP150,000.

Caption ni Derek, “HI GUYS. SOMEONE IS PRETENDING TO BE ME USING THIS NUMBER.

Continue reading below ↓

“HE ASKS FOR GIRLS OFFERING 150K FOR A STAG PARTY.”

“THIS HAS ACTUALLY BEEN HAPPENING FOR YEARS.

“IF YOU HAVE ANY INFO ON WHO THIS PERSON IS PLS DM ME.”

Kasunod nito ay nag-post si Derek sa Instagram Story ng maiksing video kung saan nagsalita siya tungkol sa isyu.

Nilinaw niyang wala itong katotohanan at may gumagamit lang ng kanyang identity.

Continue reading below ↓

Pinasalamatan din ng aktor ang fans na ipinagbigay alam ito sa kanya.

Sabi ni Derek, “I’d just like to thank my fans, who brought again to my attention about somebody pretending to be me, saying that I’m looking for girls to hire for 150K, for a stag party.

“This have been happening for a year now and there’s to truth to it.

“So, I really appreciate those who have reached out to me inform about what’s been going on. Thanks, guys.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Derek Ramsay, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on poser asking for girls for hire: “This have been happening for a year now and there’s to truth to it."
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results