Jinkee Pacquiao clears Heaven Peralejo's name on P100,000 ayuda issue

by Arniel C. Serato
Sep 14, 2020
Jinkee Pacquiao (left) defends Heaven Peralejo (right): "Gusto ko lang pong sabihin sa lahat about sa issue na lumabas na naghingi raw si heaven ng pera sa amin ay ‘hindi po totoo!’ Hindi po sya naghingi at wala po kaming binigay na pera.”
PHOTO/S: Courtesy: @jinkeepacquiao / @heavenperalejo on Instagram

Nagsalita na rin si Jinkee Pacquaio tungkol sa kumakalat na balitang binigyan umano nila ni Senator Manny Pacquiao ng P100,000 ayuda, o pinansiyal na tulong, si Heaven Peralejo.

Si Heaven, 20, ang ex-girlfriend ng panganay na anak nina Jinkee at Manny na si Jimuel Pacquiao, 19.

Noong nakaraang linggo ay kumalat ang blind item tungkol sa isang young actress na tinext diumano ang mayamang ama ng kanyang ex-boyfriend upang manghingi ng pinansiyal na tulong ngayong pandemya.

Sa kanyang Instagram post noong September 11, direktang pinangalanan ng talent manager/columnist na si Lolit Solis si Heaven na siya raw tinutukoy sa blind item.

Upang matigil ang isyu, binigyang-linaw ni Jinkee ang isyu sa pamamagitan ng Instagram Stories ngayong Lunes, September 14.

Ayon sa misis ng Pambansang Kamao, hindi totoong nanghingi ng pera sa kanila si Heaven at wala rin daw silang ibinigay na P100,000.

Pahayag ni Jinkee, “Gusto ko lang pong sabihin sa lahat about sa issue na lumabas na naghingi raw si Heaven ng pera sa amin ay ‘hindi po totoo!’

Continue reading below ↓

“Hindi po sya naghingi at wala po kaming binigay na pera.”

Nakiusap din siyang tigilan na ang pangba-bash kay Heaven at sa pamilya nito.

“Tigilan na po ang pambabash sa kanila na wala pong katotohanan!

“Be at peace with everyone! Love one another. God bless us all.”

Mensahe naman niya kay Heaven, “@heavenperalejo stay safe and stay beautiful.”

Continue reading below ↓

JIMUEL DEFENDS HEAVEN

Nauna nang ipinagtanggol ng ni Jimuel si Heaven sa isyung ito.

Sa kanyang Instagram Stories kaninang umaga, mariing pinabulaanan ni Jimuel ang tungkol sa ayuda issue kay Heaven.

Hindi raw totoong nag-text si Heaven sa kanyang ama at wala raw perang ibinigay ang kanilang pamilya sa dating nobya.

Saad ni Jimuel, “I would like to clarify that the issue posted by Lolit Solis and fashionpulis about Heaven is false. There was no money given and there was no communication.”

Dagdag pa niya, palagi na lamang nasasangkot sa isyu tungkol sa pera si Heaven, ngunit idiniin niyang hindi ito ganung klaseng tao.

“We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up.

“She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”

LOLIT SOLIS ISSUES PUBLIC APOLOGY, BUT...

Binawi naman ni Lolit Solis ang nauna niyang posts tungkol kay Heaven. Humingi rin siya ng dispensa sa pagpapakalat ng maling balita.

Continue reading below ↓

Bahagi ng mahabang post ni Lolit sa Instagram, “So SORRY Heaven, at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan.

"Hindi tutoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat."

Ayon sa veteran entertainment columnist, nabasa lang niya sa isang gossip blogsite ang blind item at nagtanung-tanong siya kung sino ang mga taong tinutukoy rito.

Hindi rin daw niya kilala nang personal si Heaven.

Nag-text na rin daw si Jinkee sa kanya upang bigyang linaw ang issue.

Sa tamang kalakaran sa reporting at maging sa column-writing, kapag inamin mong mali ang isinulat mo at nag-apologize ka na, dapat ay sundan ito ng pagtanggal ng post.

Kapag hindi tinanggal, ito ay patuloy na nagpapakalat ng mali, nakakasira sa pangalan ng taong isinulat, at nagpapawalang-kwenta sa apology.

Ganunpaman, gumagawa ng sariling lohika at rules si Lolit.

Hindi pa rin daw buburahin ni Lolit ang mga maling paratang niya kay Heaven dahil magiging unfair siya sa kanyang sarili.

Continue reading below ↓

Sabi nito, “Tanggap ko pag nagkamali ako, I don't find it degrading na tanggapin ang pagkakamali ko.

"Ang hindi ko talaga magawa iyong magbura o mag archive ng post dahil parang feeling ko naging unfair ako sa sarili ko.

"Kung ang consequence ng ginawa ko maging mahirap dalhin, kakayanin ko, basta naging tutoo ako sa sarili ko.”

Continue reading below ↓

Walang komento sa post ni Lolit dahil naka-disable ang comments sa settings.

Malinaw naman sa sinumang may katinuan na hindi isyu ito ni Lolit. Hindi siya at ang pagiging totoo nito sa sarili ang kelangang ituwid dito.

Ang dapat maituwid ay ang paninirang nagawa niya kay Heaven. Matapos ng apology ni Lolit, pinaninindigan pa niyang naryan at buong-buong nababasa ng lahat ang kanyang report?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao (left) defends Heaven Peralejo (right): "Gusto ko lang pong sabihin sa lahat about sa issue na lumabas na naghingi raw si heaven ng pera sa amin ay ‘hindi po totoo!’ Hindi po sya naghingi at wala po kaming binigay na pera.”
PHOTO/S: Courtesy: @jinkeepacquiao / @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results