Hindi raw akalain ni Janica Nam na makakahanap siya ng bagong pag-ibig halos tatlong taon mula nang pumanaw ang nobyong si Franco Hernandez, o mas kilala bilang Hashtag Franco.
Si Franco ay miyembro ng all-male group na Hashtags, na regular napapanood sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.
Aksidenteng nalunod si Franco matapos tumaob ang sinasakyang bangkang de motor sa Davao Occidental noong November 11, 2017.
Kasama si Janica nang maganap ang aksidente.
Lubhang nagdalamhati si Janica, at lumipas ang mga taong madalas pa rin niyang alalahanin si Franco sa kanyang social media posts.
Noong January 3, 2020, makikitang binisita ni Janica ang cremains ni Franco na nakalagak sa columbarium sa Quezon City.
May bitbit siya noong red roses na may nakalagay na "I love you."
PRAYING FOR A NEW LOVE
Hanggang sa nito ngang September 12, inamin ni Janica na ngayong taon ay ipinagdasal daw niya kung posible pa rin bang umibig siyang muli.
"Since the day my Angel had passed away almost 3 yrs ago, I was actually contented of being alone.
"I even thought of not being with someone else ever, as long as I have my family, friends and God, I knew that I would be okay.
"But this year I asked myself what if someday when someone comes into my life, will I get to fall inlove again?
"I told to myself that I didn't really need anyone in my life, I love spending time alone.
"I know I became strong which put me on being okay and happy with all by myself in my own ways and then he suddenly came around and changed everything."
ANSWERED PRAYER
Sinagot daw ng Diyos ang kanyang dasal.
Patuloy ni Janica: "I asked God for a sign and He gave me one. I put all my faith and trust in God in every aspect of my life.
"I can’t imagine that I will feel this love again.
"Regardless of what we’ve been through in our past, we are currently living in our present and what’s to come."
Gaano man daw kasakit ang dinanas niya noon, inihayag ni Janica na naghilom ang sugat dala ng pagpanaw ng nobyo sa tulong ng mga taong gumagabay sa kanya.
Naniniwala rin daw siyang may basbas ni Franco ang pagkakaroon ng dalaga ng bagong pag-ibig.
"I know my angel above is smiling and happy for me. He will always be loved and missed.
"Some things will always remain with a person, and this is one that will always be a part of who I am.
"Every sunrise is a new chapter in our lives waiting to be written.
"This is a new beginning of a new book.
"I’m proud of the woman I’ve become because I fought to become her."
JANICA'S NEW BOYFRIEND
Kinabukasan, September 13, ipinakilala ni Janica ang kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Lorenz Sia.
Kinunan ni Janica ang dalawang mini photos kunsaan makikita ang sweet embrace at kiss nina Janica at Lorenz.
Kuha raw ang mga iyon noong September 8.
Caption ni Janica, "Love just comes naturally and it will find it’s way into our lives, just like how God has sent you to me.
"You are my today and all of my tomorrow’s."
Sweet moment nina J
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika