Heaven Peralejo: "I didn’t ask anyone for money."

by Bernie V. Franco
Sep 15, 2020
Heaven Peralejo breaks silence on loose talk that she messaged ex-boyfriend Jimuel Pacquiao and his parents to ask for financial assistance.
PHOTO/S: @heavenperalejo on Instagram

“I’ll get straight to the point. I didn’t ask anyone for money.”

Parte ito ng paglilinaw ni Heaven Peralejo, 20, sa gitna ng akusasyong nag-text umano siya kay Senator Manny Pacquiao para humingi ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P100,000.

Dating kasintahan ni Heaven ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel, 19.

March 2019 nang aminin nina Heaven at Jimuel ang kanilang relasyon. Pero naghiwalay rin sila pagsapit ng Agosto.

HEAVEN’S CLARIFICATION

Kahapon, Lunes, September 14, binasag ni Heaven ang kanyang pananahimik sa kumakalat na balitang humingi raw siya ng pera sa pamilya ni Jimuel.

Ayon kay Heaven, nag-iba ang impresyon sa kanya ng publiko dahil sa isyung ito at labis siyang nasaktan.

“The past few weeks have redefined the public’s impression of me. It was hurtful and I needed some time to think it through."

Direkta ring pinabulaanan ni Heaven ang paratang sa kanya.

Continue reading below ↓

“I’ll get straight to the point. I didn’t ask anyone for money,” diin niya.

Masuwerte raw na nabigyan siya ng mga oportunidad para makapag-ipon sa sariling sikap.

“I am beyond grateful that I am blessed with opportunities to earn an honest living. Whatever I have now is a product of my hard work and not extracted from anyone’s pockets.”

Pinasalamatan din ni Heaven si Jimuel at ang pamilya nito sa pagtatanggol sa kanya, pati na rin ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Umaasa rin daw si Heaven na makapag-move on na ang lahat mula sa isyung ito.

“Thank you to Jim and his family. I appreciate your efforts to stand with me. As well as to my family, friends, and supporters, thank you for always looking after me.

“I hope we can all move forward from this issue. Happy Monday!”

Continue reading below ↓

JINKEE'S POST

Ni-repost din ni Heaven sa kanyang IG Story ang statement ni Jinkee Pacquiao na itinatanggi ang paratang sa dalaga.

Ayon sa misis ng Pambansang Kamao, “hindi totoo” ang isyung nag-text si Heaven sa kanila para humingi ng tulong pinansiyal.

“HINDI PO SYA NAGHINGI AT WALA PO KAMING BINIGAY NA PERA. TIGILAN NA PO ANG PAMBABASH SA KANILA NA WALA PONG KATOTOHANAN!” post ni Jinkee kahapon.

Pagpapasalamat naman ni Heaven, “I APPRECIATE THIS TITA [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Sa kanyang verified Facebook page, ipinost ni Heaven ang kanyang statement, pati na rin ang IG post ni Jimuel, kung saan ipinagtanggol siya nito.

Caption ni Heaven: “Para matapos na po ang mga false rumors”

Sabi ni Jimuel sa kanyang post: “There was no money given and there was no communication.

“We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up.

“She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”

Continue reading below ↓

HEAVEN PREVIOUSLY ADDRESSED “GOLD DIGGER” ALLEGATION

Gaya ng sinabi ni Jimuel, hindi ito ang unang beses na inakusahan si Heaven na diumano’y paghuthot ng pera sa dating boyfriend.

Inakusahan din noon si Heaven na “gold digger.”

July 2019, nag-post ng YouTube video si Heaven na sinasagot ang mga akusasyong ito.

Ito rin ang mga panahong napapabalitang hiwalay na sila ni Jimuel.

Sinagot ng aktres ang tanong ng netizen kung magkano ang perang nakuha niya sa mga Pacquiao.

Sagot noon ni Heaven: "Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung rumors and everything…

"I mean, I don't get money from him. I mean, I have work. Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera."

Diretsa ring sinagot ni Heaven ang akusasyong gold digger siya.

Aniya, nagtatrabaho raw siya para makaipon ng sariling pera. Dagdag niya, “And also kasi gusto ko ring makatulong kay Mom.

“Hindi ko alam kung paano mo [netizen] nakuha ang assumption na iyan. Maybe because sa ex ko. Ayyy!!!" makahulugang banggit ng aktres.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy na “ex” ni Heaven noon, pero sinagot din niya ang bintang na marami siyang ex.

Paglilinaw ni Heaven, “I think only one lang.”

Matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon noong Marso 2019, umugong ang usap-usapang break na sina Heaven at Jimuel noong Hulyo.

Kinumpirma ni Heaven ang paghihiwalay nila ni Jimuel pagsapit ng Agosto.

Hindi tinukoy ng ABS-CBN actress ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, pero sinabi niyang siya ang “nag-let go.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo breaks silence on loose talk that she messaged ex-boyfriend Jimuel Pacquiao and his parents to ask for financial assistance.
PHOTO/S: @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results