NTC order recalling frequencies has "no additional impact" on ABS-CBN

by Arniel C. Serato
2 days ago
National Telecommunications Commission (NTC) recalled all TV, radio, and digital TV frequencies of ABS-CBN Corporation on September 10, 2020 after Congress junked the broadcast giant's franchise application.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Walang impact sa ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence ang pagbawi ng National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng kanilang radio, TV, at digital frequencies noong September 10, 2020.

Ang ABS-CBN Corporation ang nagpapatakbo ng ABS-CBN Channel 2, DZMM, DWRR, ABS-CBN Sports and Action, Star Cinema, Star Music, at marami pang media-related companies.

Ang ABS-CBN Convergence naman ang may hawak ng ABS-CBN TV Plus.

Ayon sa disclosure ng ABS-CBN Corporation sa Philippine Stock Exchange, na naiulat ng ABS-CBN News kahapon, September 14: “The recall of the frequencies has no additional impact on ABS-CBN Corporation.”

Nakasaad sa order ng NTC na ang pagbasura ng Kongreso sa aplikasyon ng panibagong prangkisa at ang desisyon ng Supreme Court sa hinihinging temporary restraining order ng ABS-CBN laban sa NTC ay nagresulta sa pagkawala ng prebilihiyo ng broadcast giant na humawak ng state-owned frequencies.

Bahagi ng NTC order: "The denial of respondent's franchise renewal application by Congress, coupled with the denial of respondent's petition by the Supreme Court, lead to no other conclusion except that respondent had already lost the privilege of installing, operating, and maintaining radio broadcasting stations in the country.

Continue reading below ↓

"Consequentially, absent a valid legislative franchise, the recall of the frequencies assigned to respondent is warranted.”

Ganunpaman, sa sirkulo ng mga dating ABS-CBN employees, may nadi-disturb sa bilis ng pagkilos ng NTC basta laban daw sa Kapamilya network.

Sa napasong prangkisa ng ABS-CBN na ipinagkaloob ng Kongreso noong 1995, sa pamamagitan ng Republic Act 7966, 42 free-to-air TV stations, 5 AM stations, 18 FM stations, at 10 digital television stations ang maaaring i-operate ng ABS-CBN sa buong bansa.

Dahil sa kawalan ng prangkisa sa free-to-air broadcasting, nagsara ang lahat ng istasyon ng ABS-CBN Corporation.

Sa botong 70-11 noong July 10, 2020, tuluyang ibinasura ng Kongreso ang franchise renewal bid ng ABS-CBN.

Malaki ang kinalaman dito ng makailang ulit na deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

THE SHUTDOWN AFTERMATH

Dahil nawala sa free-to-air ang ABS-CBN, maraming Kapamilya stars ang mangingibang-bakod na sa TV5.

Continue reading below ↓

Una na rito sina Pokwang, Ria Atayde, at Jessy Mendiola na may sarili nang morning programs sa Kapatid network.

Ang brodkaster na si Ted Failon ay pumirma na ng kontrata sa TV5 para sa kanyang show sa Radyo Singko 92.3 News FM na magsisimula na sa October 5.

Karay-karay niya ang kanyang ka-tandem sa DZMM noon na si DJ Chacha.

Kahapon, September 14, lumabas ang ulat na maraming binubuong shows ang Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez.

Lahat ng mga binubong show ay iba-blocktime nila sa TV5.

Ilan sa mga ito ay ang posibleng Rated Korina ni Korina Sanchez; Sunday noontime variety show nina Piolo Pascual at Catriona Gray; at noontime show nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, at Wacky Kiray.

Marami pang ibang naka-line up na palabas na gagawin ng Brightlight Productions para sa Singko.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Telecommunications Commission (NTC) recalled all TV, radio, and digital TV frequencies of ABS-CBN Corporation on September 10, 2020 after Congress junked the broadcast giant's franchise application.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results