Celebrity cosmetic surgeon Joel Mendez arrested anew for 2015 attempted rape of minor

by Arniel C. Serato
2 days ago
Former celebrity cosmetic surgeon Joel Mendez faces imprisonment with no bail for his attempted rape and 2 counts of rape through sexual assault cases.
PHOTO/S: Courtesy: Police Regional Office 10 on Facebook

Inaresto ng mga awtoridad ng Police Regional Office (PRO) 10 sa Cagayan de Oro ang celebrity cosmetic surgeon na si Joel Mendez noong Linggo, September 13.

Nagsagawa ng joint personnel operation ang Regional Special Operation Unit 10 at Regional Intelligence Unit 10 sa Robinsons Mall sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro, bandang alas dos ng hapon noong Linggo, September 13.

Dito naaresto si Mendez sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng "attempted rape and 2 counts of rape through sexual assault" na kinasangkutan ni Mendez noong 2015.

Ang biktima ay isang menor de edad na babaeng modelo ni Mendez sa clinic nito sa SM Megamall.

Ang bagong warrant ay inilabas ni Honorable Joanne G. Hernandez-Lazo, presiding judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 5-FC, Mandaluyong City, noong February 4, 2020.

Walang inirekomendang piyansa ang hukom para sa kalayaan ni Mendez.

Kasalukuyan siyang nakapiit sa Maharlika detention cell sa Cagayan de Oro. Ibibiyahe siya papuntang Maynila kalaunan para sa return of warrant of arrest sa RTC Mandaluyong, National Capital Judicial Region.

Continue reading below ↓

Inanunsiyo ni Police Brigadier General Rolando B. Anduyan, regional director ng PRO 10, ang pag-aresto kay Mendez sa kanilang Facebook page ngayong Martes, September 15.

Ayon kay Anduyan, “We will never stop until all wanted person will be arrested and put them behind bars since it is our mandate to enforce the law, ensure the safety of other people that may be possible victim if they will not be arrested and give justice to the victim.”

Continue reading below ↓

OTHER CASES

Unang inaresto ng mga awtoridad si Mendez noong July 12, 2018, sa parehong kaso may limang taon na ang nakararaan.

Ikinulong siya noon sa Mandaluyong City Police station.

Pero kinabukasan, July 13, 2018, ay nakalaya siya matapos magbayad ng piyansa sa halagang PHP360,000.

Bukod sa attempted rape at sexual assault, may iba pang kasong kinakaharap ang dating sikat na celebrity doctor kaugnay ng hindi pagbabayad sa Social Security System (SSS) ng kontribusyon ng kanyang halos 40 empleyado.

Nasa P1.8M ang dapat bayaran ni Mendez sa SSS para sa kontribusyon ng mga empleyado ng kanyang Weighless Service Center simula pa noong 2011.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former celebrity cosmetic surgeon Joel Mendez faces imprisonment with no bail for his attempted rape and 2 counts of rape through sexual assault cases.
PHOTO/S: Courtesy: Police Regional Office 10 on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results