Solenn Heussaff "no sex life" with husband Nico Bolzico for now

Sep 15, 2020
Nico Bolzico about having no sex life at the moment with wife Solenn Heussaff: "We just need to wait as long as they need because we didn't go through pregnancy. We support their pregnancy. So they are the bosses. If they want to go back into the action, we should be ready."
PHOTO/S: Solenn Heussaff Youtube

Inamin ni Solenn Heussaff na matagal-tagal na silang walang "sex life" ng asawa niyang si Nico Bolzico.

May kaugnayan daw ito sa pagsilang ng aktres sa anak nilang si Baby Thylane Katana via caesarean section noong January 1, 2020.

"Personally, that was C-section. I don't know if it's subconsciously in my head.

"But we are chopped down there from nine different layers.

"So, I'm a little bit scared and I'm not yet ready, to be quite honest," pag-amin ni Solenn.

Dagdag ng Filipino-French actress, "I know it's been quite a while, and some moms are gonna be, like, 'What the...' But that's the truth."

Diretsong tinalakay nina Solenn at Nico ang pansamantalang estado ng kanilang sex life sa vlog nila noong September 11.

Ayon kay Nico, nirerespeto niya ang kagustuhan ni Solenn.

Paliwanag ng Argentinean businessman, "For me, after women gave birth, it's on them.

"We just need to wait as long as they need because we didn't go through pregnancy. We support their pregnancy.

Continue reading below ↓

"So they are the bosses. If they want to go back into the action, we should be ready.

"If they want to try and then they stop, we should be ready."

Sa puntong ito ay napangiti si Solenn habang nakikinig kay Nico.

Sabi pa ni Nico, "If they want to go in a different direction than they used to before, we should be ready."

Ulit ni Solenn, "So just be ready guys."

NICO SAYS NO NEED TO RUSH

Hihintayin daw ni Nico kung kailan man magiging handa si Solenn.

"I'm ready and I'm waiting. No need to rush," saad niya.

Nilinaw rin ng mag-asawa na hindi ito isyu sa kanila, lalo pa't pareho silang masaya sa binuo nilang pamilya.

Sabi ni Nico hinggil sa pagkakaroon nila ng anak ni Solenn: "It makes your life a thousand times better. We're enjoying life at a level that we never did before."

Ganoon din si Solenn, na nagsabing ang pakiramdam niya'y ito ang pinakamasayang stage ng kanyang buhay.

Continue reading below ↓

SOLENN AND NICO'S RELATIONSHIP

Sina Solenn at Nico ay limang taong nagsama sa isang bubong bago sila ikinasal sa civil ceremony sa Argentina noong December 2015.

Sa Argentina ang hometown ni Nico, at hanggang ngayon ay doon nakabase ang mga magulang nito.

Nagkaroon din sila ng engrandeng church wedding.sa France noong May 21, 2016.

Sa France naninirahan ang mga magulang ni Solenn.

Sa blog ni Solenn noong 2017, sinabi nitong napatunayan niyang si Nico ang "The One" niya dahil sa mga dinaanan nilang saya at problema noong live-in partners pa lang sila.

Sabi noon ni Solenn, "Now that we’re married, I would say it’s harder, because we know we’re bound for life and we’ll always and forever have to work things out.

"But I knew he was The One when I saw myself falling in love with him throughout the different stages of our life together.

"He’s someone I can love over and over again."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nico Bolzico about having no sex life at the moment with wife Solenn Heussaff: "We just need to wait as long as they need because we didn't go through pregnancy. We support their pregnancy. So they are the bosses. If they want to go back into the action, we should be ready."
PHOTO/S: Solenn Heussaff Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results