Sylvia Sanchez answers netizen’s question if son Arjo Atayde contracted COVID-19

by Arniel C. Serato
2 days ago
Sylvia Sanchez to netizen about health condition of son Arjo Atayde: "Hindi si arjo ang nagkacovid, ako at ang asawa ko, negative na ako april 15 at april 17 asawa ko."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram

Mariing pinabulaanan ni Sylvia Sanchez na nahawaan ng COVID-19 ang anak na si Arjo Atayde.

Tinanong kasi ng isang netizen kung bumalik na ba ang panlasa at pang-amoy ng aktor sa post ng award-winning actress ukol sa mga nilutong pagkain nito.

Sabi ni Sylvia sa kanyang post sa Instagram kahapon, September 15, “Coming from a quick rest from all the stress, this yummy meal that Arjo prepared for us is what welcomed us home, kimchi soup and pepper steak ala pepper lunch.

"Ang sarap! A child brings joy to the life of a parent and yes im proud because all of my kids know how to cook and bake and theyre good at it, I’m not kidding!!!

“Thanks nak for cooking dinner, love u too my gwapo ogag #happymom #family #happiness #blessing #thankuLORD

"Happy evening, everyone.”

Continue reading below ↓

Dito na nagkomento ang nasabing netizen at saka ni-tag ang Instagram handle ni Arjo.

Ayon sa netizen, "@arjoatayde sir matanung ko lang… bumalik na ba panlasa/pang amoy niyo?

"Cuz Diba nagkacovid kayo? I just wanna knoww."

Hindi sumagot si Arjo sa kanyang katanungan.

Sa halip, si Sylvia ang tumugon sa netizen.

Continue reading below ↓

Ayon sa beteranang aktres, hindi nagkaroon ng COVID-19 si Arjo.

Tanging si Sylvia at ang asawang si Art Atayde ang nahawaan ng virus sa kanilang pamilya.

Paliwanag ni Sylvia (published as is), "hindi si arjo ang nagkacovid, ako at ang asawa ko, negative na ako april 15 at april 17 asawa ko.

"Yes, bumalik na ang panglasa at pang amoy naming mag asawa.

"Mga anak namin at mga kasambahay walang nahawa, lahat sila muna noon at gang ngayon negative sila.

"Thank GOD.”

Continue reading below ↓

“INGATAN LANG ANG IMMUNE SYSTEM”

Ikinatuwa ng netizen sa sagot ni Sylvia ukol sa health condition ni Arjo.

Komento ng netizen (published as is), "@sylviasanhez_a mabuti naman po im really wondering sa mga nagkacovid if bumabalik panlasa/pang amoy nila… keep safe po godbless.”

Sagot ulit ni Sylvia, "oo bumalik lahat. Ingatan lang ang immune system kasi binabagsak talga yan sobra ng covid."

Continue reading below ↓

Noong nakaraang March 31, inanunsiyo mismo ng 48-year-old actress na nag-positibo sila ng asawang si Art sa COVID-19.

Makalipas ang halos kalahating buwan, naka-recover sila ng mag-asawa matapos ma-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez to netizen about health condition of son Arjo Atayde: "Hindi si arjo ang nagkacovid, ako at ang asawa ko, negative na ako april 15 at april 17 asawa ko."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results