Gabbi Garcia on boyfriend Khalil Ramos: "Ang saya talaga kapag nasa tamang tao ka."

by Arniel C. Serato
4 days ago
Gabbi Garcia says boyfriend Khalil Ramos is the right person for her: “Ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight.”
PHOTO/S: File / Courtesy: @gabbi on Instagram

Trending sa Twitter si Gabbi Garcia, 21, dahil sa kanyang napakagandang paglalarawan sa relasyon nila ng boyfriend na si Kahlil Ramos, 24.

Tatlong taon na ang relasyon ng dalawa na umamin ukol dito noong July 2018.

Sabi ni Gabbi sa kanyang tweet kagabi, September 15, “Ang saya talaga kapag nasa tamang tao ka.

Continue reading below ↓

“Parang everything good follows.”

Dagdag pa ng Kapuso star, wala daw nagpapataasan ng ihi sa kanilang dalawa.

Bagkus, nagtutulungan daw sila upang parehong umangat pataas.

Dagdag niya, “Parehas kayong naghihilahan pataas.

“Alam mong mabuti kayo para sa isa’t isa.

“Wala lang, ang saya lang for the past three years.”

Ayon pa sa singer-actress, wala daw mapagsidlan ang saya niya dahil swak sila ni Khalil sa isa't isa.

Saad pa niya, “Ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight.”

Continue reading below ↓

Simpleng "I love you!!!!!!!!!!!" naman ang tugon ng nobyo niyang si Khalil.

NETIZENS REACTIONS

Kinakiligan nang husto ng netizens ang deklarasyon ni Gabbi kung gaano ito kasaya sa piling ni Khalil.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Unang inamin ni Khalil ang tungkol sa relasyon nila ni Gabbi sa panayam nito sa defunct show ng ABS-CBN na Tonight With Boy Abunda noong July 2018.

Ipinaalam daw ng binata sa Kapuso actress ang tungkol dito.

Kuwento ni Khalil, “Yung nangyari nun, tinawagan ko siya nun.

"Ni-brief kasi kami… they were briefing me nga na kakausapin ako about Gabbi.

Continue reading below ↓

“And then, I called her on the phone and tinanong ko yung possibility.

“Kasi alam natin na ang daming aminan doon sa Tonight With Boy Abunda...

“For sure, hindi ako makakatanggi kay Tito Boy.

“So, she agreed naman na, 'Huwag mo nang i-deny…'"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabbi Garcia says boyfriend Khalil Ramos is the right person for her: “Ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight.”
PHOTO/S: File / Courtesy: @gabbi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results