Gabbi Garcia, Khalil Ramos detail how Kathryn Bernardo paved the way for their love story

by Bernie V. Franco
A day ago
Showbiz couple Gabbi Garcia and Khalil Ramos (left photo) recount how ABS-CBN actress Kathryn Bernardo (right) introduced them to each other.
PHOTO/S: Instagram (@gabbi and @bernardokath)

Binalikan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang kuwento ng kanilang love story at ang malaking partisipasyon dito ni Kathryn Bernardo.

Si Kathryn, 24, na ABS-CBN A-lister, ang naging tulay para magkakilala sina Gabbi at Khalil.

Si Gabbi ay mula sa bakuran ng GMA Network, habang si Khalil ay artista sa ABS-CBN.

Tatlong taon nang magkasintahan sina Gabbi at Khalil. Si Gabbi ay 21 taong gulang, at 24 naman si Khalil.

Sa kanilang YouTube Live noong Martes ng gabi, September 15, nagdetalye sina Gabbi at Khalil kung paano nag-umpisa ang kanilang love story.

KHALIL’S VERSION

Naunang aglahad si Khalil.

Simula ng aktor, nangyari raw ang kanilang unang pagkikita sa debut ng ABS-CBN actress na si Julia Barretto.

Si Julia ay kaibigan at high school classmate ni Gabbi sa St. Paul College, Pasig.

"This was in March 2015 sa Shangri-la. It was Julia Barretto’s 18th birthday,” simula ni Khalil.

Ginanap ang birthday ni Julia sa Makati Shangri-la Hotel Ballroom. Natatandaan pa raw ni Khalil, nakaupo siya sa table kasama ang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

"Sa buong table namin, ako lang yung single," ani Khalil. "I was 19. Gab was a baby. She was 16."

Habang nakaupo sa table, nasa kanan daw ni Khalil si Kathryn. Nasa kaliwa naman niya ang Kapamilya actor na si Patrick Sugui.

"Then from afar, I saw Gabbi with her friends from St. Paul," kuwento ni Khalil. "Kaklase niya kasi si Julia. She was with Dani.”

Ang Dani na tinutukoy ay ang model-influencer na si Dani Camcam.

"Then I saw them from afar, and I wanted to say, ‘Hi,’ kasi kilala ko si Dani,” sabi ng aktor.

Tandang-tanda raw ni Khalil ang itsura ni Gabbi. "She was wearing this really nice gown. Low pony siya, and yung dress mo, off-shoulders.

"She didn’t look her age at all. If I would have it at that time, hindi siya mukhang sixteen. Maybe it’s her features or her makeup. But you look quite matured."

Continue reading below ↓

Sabi ni Khalil, "I nudged Pat [Patrick], sabi ko, ‘Sino iyon?'" sabay turo raw kay Gabbi.

Sagot daw ni Patrick, "Kaibigan siya ni Kathryn."

Kaya naman bumaling sa kanan si Khalil para tanungin ang katabing si Kathryn.

Sina Khalil at Kathryn ay parehong bahagi ng ABS-CBN talent-management arm na Star Magic.

Nakatrabaho rin ni Khalil ang magkasintahang Kathryn at Daniel Padilla sa pelikulang She's Dating The Gangster (2014), pati na sa mga teleseryeng Princess and I (2012) at La Luna Sangre (2017-2018).

Balik-tanaw ni Khalil, "Tapos, at that time, yung relationship namin ni Kath, hindi kami, like, now, we’re much closer now.

"That time, hindi siya yung, like, I could like say anything to her."

Pero kinausap daw ng aktor si Kathryn at ipinagtanong si Gabbi. Nakahalata raw agad si Kathryn at na-excite na makitang attracted si Khalil kay Gabbi.

Pag-alala ni Khalil, “Tapos parang naramdaman niya [Kathryn] ata agad, na parang I’m crushing on you [Gabbi], or I like you.”

Continue reading below ↓

Sabi raw ni Kathryn, "'Ah, si ano iyan, si Gabbi. Papakilala kita, papakilala kita. Halika, halika, papakilala kita, dali dali.'

"So, Kath, almost literally, hinila niya ako papunta sa group nila Gab. Then she introduced me to Gab."

GABBI’S VERSION

Itinuloy ni Gabbi ang kuwento.

Nagkataon naman daw na ilang araw bago ng debut ni Julia, nagkita sina Gabbi at Kathryn pagkatapos ng matagal na panahong hindi pagkikita.

Nagkasabay daw sila sa isang photo shoot.

"We reconnected before the debut of Julia. Kasi parang for the longest time, we lost connection also, e. I lost connection with Kath," ani Gabbi.

"We met again sa Bench shoot. It was my first-ever shoot for the brand, and nagkataon nagkasabay kami ni Kath. And then hindi ko pa sure kung maaalala niya ako."

Hindi idinetalye ni Gabbi kung gaano sila katagal magkakilala ni Kathryn, pero noong 2018, ipinost ng Kapuso actress ang isang throwback photo.

Continue reading below ↓

Makikita ang batang-batang sina Kathryn at Gabbi, na kabilang sa grupo ng iba pang batang models ng isang brand ng kiddie apparel.

Pagpapatuloy ni Gabbi sa pagkikita nila ni Kathryn sa photoshoot, "Pero nung nagkatinginan na kami, biglang nagkahiyaan pa kami, na parang, 'Uy, si Gabbi. Uy, si Kath.'

"In short, nagka-reconnect kami doon. Nagkuhaan ng number."

Napag-usapan na rin daw nila na pareho silang imbitado sa papalapit na debut ni Julia.

A very young Gabbi Garcia is seated on the front row far-left, while a young Kathryn Bernardo can be spotted on the third row far-right.

Continue reading below ↓

Balik si Gabbi sa kuwento ng debut, idinetalye ng Kapuso actress ang paglapit sa kanya ni Kathryn.

"Yes, I was with sila Dani. We were roaming around, and then suddenly Kath comes to me.

"Tapos, 'Hi, uy, andito ka. Kamusta, hello-hello.' [Kathryn] pulls me and then takes me to the table nila Khalil.

"I remember that table. Everybody was with their jowas. Khalil was there."

Hindi raw nakaligtas kay Gabbi ang ginawang pangsisiko kay Khalil ng kanyang mga kaibigan. "Typical [for guys]. Galawang, 'Uy, chicks, chicks,'" komento ni Gabbi.

Ipinakilala raw ni Kathryn si Gabbi sa lahat ng taong nakaupo sa table na iyon.

Pagdating daw kay Khalil, "Khalil stands up reaches [out] his hand, 'Hi, I’m Khalil.'"

Matapos maipakilala, nagsayaw raw sa dance floor sina Gabbi at Kathryn.

Lingid daw sa kaalaman ni Gabbi, nakamatyag na si Khalil sa kanya nang mga oras na iyon.

Maya-maya pa ay naiwang mag-isa ang Kapuso actress.

Continue reading below ↓

"Somebody from Star Magic pulls her [Kathryn] and said she had an interview, so I was alone," kuwento ni Gabbi.

"And then, hindi ko na alam, bigla ka na lang lumapit sa akin," pagtukoy ni Gabbi kay Khalil.

Pag-amin ni Khalil, "Naka-eagle eye mode [ako] the whole time."

Nagkaroon daw sila ng small talk. Si Khalil ay one year nang single noong mga panahong iyon. Si Gabbi naman ay inaming hindi open sa suitors.

Pagkatapos nilang mag-usap, hinanap daw ni Gabbi ang kanyang mga kaibigan. Sinamahan naman siya ni Khalil sa paghahanap sa mga ito.

Pero nang makita na ni Gabbi ang mga kaibigan, hindi raw umalis sa kanyang tabi si Khalil.

"He was just following me the whole night. No joke," pagbabalik-tanaw ng Kapuso actress.

Nang susunduin na raw si Gabbi ng ama para umuwi, nag-offer si Khalil na ihahatid niya hanggang sasakyan si Gabbi, pero tumanggi ang aktres.

Continue reading below ↓

Pero pag-amin ni Gabbi, "I was waiting for him to ask for my number. He didn’t ask."

Kinabukasan, nag-direct message daw si Khalil via Twitter at hiningi ang number ni Gabbi.

Pero sa simula pa lamang, nilinaw na raw ni Gabbi, "I just said, I don’t see myself entertaining suitors."

Hindi naman daw napanghinaan ng loob si Khalil at naging magkaibigan sila ni Gabbi.

Pero pagkatapos ng isang buwang communication ay natigil raw ito.

Lumipas ang humigit kumulang dalawang taon, pagsapit ng taong 2017, muling nagkrus ang landas nina Khalil at Gabbi.

Sa puntong ito, handa na si Gabbi na lumalim ang pagkakakilanlan nila ni Khalil, kaya't nagsimula na raw silang mag-date.

Noon lamang February 2020, isinapubliko ni Gabbi na magkasintahan nga sila ni Khalil.

Ang Instagram post na iyon ay tungkol sa pagdiriwang nila ni Khalil ng kanilang third anniversary.

Sa YouTube Live, tinanong ni Gabbi si Khalil kung may mensahe siya kay Kathryn.

Continue reading below ↓

"Thank you, Kath. We love you. And we miss you if you’re watching," saad ng binata.

Sabi naman ni Gabbi, "Cheers, Kath."

Si Kathryn naman ay walong taon nang karelasyon si Daniel Padilla.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz couple Gabbi Garcia and Khalil Ramos (left photo) recount how ABS-CBN actress Kathryn Bernardo (right) introduced them to each other.
PHOTO/S: Instagram (@gabbi and @bernardokath)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results