Watch Now

Karen Davila thanks Matteo Guidicelli for “kindness… care” as son David survives seizure

by Jet Hitosis
Sep 17, 2020
Karen Davila, Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli
Kapamilya broadcaster Karen Davila (left) tells businessman Jacques Branellec (not in photo) that power couple Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli (right) were in the condo lobby when her son David Sta. Ana had "full blown seizure" on Sunday, September 13. Jacques' wife Mia Arcenas-Branellec is Matteo's cousin.
PHOTO/S: @iamkarendavila, @matteog on Instagram

Personal na sinaklolohan ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang pamilya ni Karen Davila nang magkaroon ng medical emergency ang anak ng Kapamilya broadcaster.

Dahil dito, labis ang pasasalamat ni Karen, 49, sa malasakit na ipinakita nina Matteo, 30, at Sarah, 32, sa panganay niyang si David Sta. Ana, 17.

Kapitbahay ni Karen sina Sarah at Matteo sa isang condominium building sa Makati City.

Nitong Linggo ng hapon, September 13, dumanas ng “full blown seizure” si David matapos nitong salubungin si Karen at amang si DJ Sta. Ana sa lobby ng condo.

Kauuwi lang noon nina Karen at DJ mula sa overnight trip sa Sorsogon.

Sa Instagram post ni Karen nitong Lunes, September 14, sinabi niyang bagamat karaniwan sa mga batang may autism na tulad ni David ang magkaroon ng seizure, ang kanyang panganay “never really had them.”

Sabi ni Karen: “He has only had one scary episode when he was 7 yrs old.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEIZURE

Nangyayari ang seizure kapag nagkaroon ng pagbabago sa electrical activity sa utak, ayon sa healthline.com.

Habang nangyayari ang seizure, dumaranas ang pasyente ng paninigas ng muscles, kawalan ng kontrol sa paggalaw ng katawan, at pagkawala ng malay-tao.

Maraming kondisyong medikal ang nagdudulot ng seizure sa pasyente, kabilang na ang autism.

Ayon sa international autism advocacy organization na Autism Speaks, natukoy ng health experts na “some of the brain abnormalities that are associated with autism may contribute to seizures.”

A STORY OF FAITH

Sa kaso ni David, malaki ang pasasalamat ni Karen na alisto ang mister niyang si DJ.

Pinuri rin ng broadcaster ang “first responders” sa condo sa pagiging “fast thinkers, equipped to assist & knew what to do” para mailigtas si David.

Kuwento ni Karen, habang natataranta ang mga tao sa lobby sa pagsaklolo kay David, “all I did was shout the name of our Lord Jesus Christ non-stop, asking HIM to heal & save David.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa unti-unti raw nagkamalay si David, at kaagad nila itong isinugod sa ospital.

Sa pagsusuri ng mga doktor, sinabi ni Karen na maayos na ang lagay ni David at “his memory and faculties are perfect.”

Dahil sa nangyari, isang mahalagang “FAITH AND LIFE LESSON” daw ang natutuhan ni Karen.

“There is POWER in the name of Jesus Christ!” saad sa post ni Karen.

“It doesn’t matter who you are, what church you go to, whether you think you’re a good or bad person—calling on the name of Jesus changes everything!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAREN GRATEFUL TO MATTEO

Sa comments section ng post na ito ni Karen, dagsa ang mensahe ng pag-aalala at pagdarasal para kay David.

Hangad ng lahat ang mabilis na paggaling ng binatilyo.

Kabilang sa mga nagpaabot ng dasal para sa paggaling ni David ang businessman-environmentalist na si Jacques Christophe Branellec.

Si Jacques ang executive vice president at chief executive officer ng international fine pearl jewelry brand na Jewelmer.

Asawa ni Jacques ang beauty queen-turned-fashion designer na si Mia Arcenas-Branellec.

Si Mia ay pinsang buo ni Matteo. Magkapatid ang kanilang mga ina.

“Praise the Lord” na may praying hands emoji ang komento ni Jacques sa post ni Karen.

Sa reply ni Karen, ibinalita niya kay Jacques na nasa lobby ng condo sina Matteo at Sarah nang dumanas ng seizure si David.

Sagot ni Karen kay Jacques: “AMEN! And thanks to @matteog he was there in the lobby w Sarah during this experience.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parehong reply ni Karen kay Jacques, pinasalamatan niya si Matteo.

“Thank you Mateo for your kindness, your care [revolving hearts emoji].”

Hindi idinetalye ni Karen kung paano tinulungan ni Matteo si David.

Wala namang reaksiyon si Matteo sa mensahe ni Karen sa kanya.

DAVID’S QUICK RECOVERY

Gayunman, ni-like ni Matteo ang update na ipinost ni Karen sa Instagram kinabukasan, September 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa panibagong post ni Karen ang litrato ni David. Bagamat nasa ospital pa, masigla nang nakaupo at maganda ang pagkakangiti ng binatilyo.

Napapaligiran si David ng iba’t ibang personalidad na dumalaw sa kanya.

Kabilang sa kanila ang athlete-TV host na si Ernie Lopez at ang TV Patrol weather news anchor na si Kim Atienza.

Nang araw ring iyon ay nakalabas na sa ospital si David.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MORNING DATE” WITH DAVID

Nitong Miyerkules, September 16, sumama pa si David kay Karen sa studio ng ABS-CBN News para sa pagho-host ng huli sa ANC morning news program na Headstart.

“MORNING DATE” ang caption ni Karen sa picture nila ni David habang magkasama sa Headstart studio.

Pagkatapos ng mga nangyari, sinabi ni Karen na “SPECIAL” para sa kanya ang makasama ang anak ng umagang iyon.

Lalo na dahil maayos na ang lagay at nananatiling malusog si David.

Sabi ni Karen: “Being with him this morning feels so SPECIAL.

“I feel such DEEP JOY seeing him back in the groove, walking in the newsroom, saying hello to the cameramen like nothing happened,” kuwento ni Karen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay David, may isa pang anak na lalaki sina Karen at DJ, ang 11-year-old na si Lucas.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya broadcaster Karen Davila (left) tells businessman Jacques Branellec (not in photo) that power couple Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli (right) were in the condo lobby when her son David Sta. Ana had "full blown seizure" on Sunday, September 13. Jacques' wife Mia Arcenas-Branellec is Matteo's cousin.
PHOTO/S: @iamkarendavila, @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results