Best friends Julia Barretto, Gabbi Garcia exchange "I love you's" on Twitter

by Arniel C. Serato
Sep 17, 2020
Julia Barretto (left) is happy that her 18th birthday party five years ago served as the beginning of the love story between her best friend Gabbi Garcia (right) and actor-singer Khalil Ramos (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: @juliabarretto / @gabbi on Instagram

Muling nagpakita ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa ang magkaibigang Kapamilya star na si Julia Barretto, 23, at Kapuso actress na si Gabbi Garcia, 21.

Noong Martes ng gabi, September 15, nagkomento si Julia sa Twitter post ni Gabbi ukol sa relasyon nila ni Khalil Ramos.

Inilarawan ni Gabbi na labis ang kasiyahan niya sa pag-iibigan nila ni Khalil dahil nagtutulungan daw sila sa lahat ng aspeto.

Buong post ni Gabbi, "Ang saya talaga kapag nasa tamang tao ka. Parang everything good follows. Parehas kayong naghihilahan pataas.

"Alam mong mabuti kayo para sa isa’t isa. Wala lang, ang saya lang for the past three years. Ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight."

Continue reading below ↓

Tila ikinatuwa naman ni Julia na ang kanyang debut noong 2015 ay makasaysayan para sa magkasintahang Gabbi at Khalil.

Komento ni Julia, “#JustJulia @ 18"

Ang #JustJulia@18 ang titulo ng18th birthday celebration ni Julia noong March 10, 2015.

Tugon ni Gabbi kay Julia, “girl i love u with all my heart."

Continue reading below ↓

Balik-sagot naman ni Julia, “i love u w/ all my heart too."

Continue reading below ↓

JULIA-GABBI FRIENDSHIP

Kasunod nito, nagpalitan sina Gabbi at Julia ng mga throwback photos nila noong high school sa St. Paul College sa Pasig.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Gabbi noon sa isang panayam sa kanya, napakabuting tao raw ng kanyang kaibigang si Julia.

Hindi rin daw hadlang na magkaibang network ang kanilang kinabibilangan.

Paglalarawan ni Gabbi kay Julia: "Very real. Napakatotoong tao ni Julia and it’s nice dahil magkaibigan kami through school, e.

"Hindi dahil sa showbiz kami. Friends kami dahil classmate kami nung high school."

Naging "partners in crime" pa nga raw sila nung high shool.

"Sabay kaming nag-cram para lang maka-graduate kami kasi hectic sched, like, tinawid talaga namin just to graduate high school. Nag-summer pa nga kami para makabawas ng load, e.

"'Tapos sabay din kaming nag-end kasi nagpa-late kami, kasi nga yung sched namin busy. So, ganun talaga. Kami talaga yung partners in crime nung high school," pahayag ng Kapuso star tungkol sa Kapamilya star.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) is happy that her 18th birthday party five years ago served as the beginning of the love story between her best friend Gabbi Garcia (right) and actor-singer Khalil Ramos (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: @juliabarretto / @gabbi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results