Karen Davila responds to “konti lang ang viewers” comment about TV Patrol

by Arniel C. Serato
Sep 17, 2020
Karen Davila (right) pinch-hits in TV Patrol with Noli de Castro (center) and Bernadette Sembrano (right): "First time to be back on #TVPatrol after my stint in 2004-2010. Grateful for the opportunity!"
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram

Muling nagbalik sa TV Patrol si Karen Davila kahapon, September 16, matapos ang sampung taon.

Ang TV Patrol ang primetime newscast ng ABS-CBN na nagsimulang umere noong March 2, 1987.

Sa pagpi-pinch hit niya bilang anchor sa news program, sinabi ni Karen na isang malaking karangalan ang mabigyan ng pagkakataong muling umapak sa studio nito at maghatid ng balita.

Naging anchor ng TV Patrol World si Karen kasama sina Ted Failon at Julius Babao mula 2004 hanggang 2010.

Sabi niya sa isang Instagram post: “What an HONOR to be on #TVPatrol tonight with @kabayannolidecastro & @bsaguinaldo.

“First time to be back on #TVPatrol after my stint in 2004-2010. Grateful for the opportunity"

Continue reading below ↓

Hindi naman daw niya naiwasang kabahan at makaramdam ng nerbiyos dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakapag-host ng news show mula nang magkaroon ng pandemya.

Ani Karen, “Sa totoo lang, kinakabahan at nininerbyos ako nung una. I haven’t done #TVPatrol in 10 years and I haven’t done #Bandila in almost 7 months.

“I was last in TV Patrol 2004-2010 with Julius & Ted then moved to Bandila from 2010-2020 with Julius & Ces (Drilon).

“Noong nagkaroon ng COVID, the late night newscast went off air mid-March for safety reasons... hanggang sa tuluyan nang hindi na-renew ang franchise.

“But look how God works. Eto at nakapag-sit in pa ako tonight! Talaga naman si Lord, puro surprise.

“Taking it one day at a time. So happy to be with you in the studio again @kuyakim_atienza @gretsfullido #sept162020 #abscbnkapamilya #livegrateful #istandinfaith

Continue reading below ↓

“KONTI LANG ANG VIEWERS”

Maraming kaibigan at tagahanga ni Karen ang natuwa sa kanyang pagbabalik sa flagship news program ng ABS-CBN.

Pero may isang netizen na direktang pinulaan ang palabas.

Sa online at cable na lang ngayon napapanood ang primetime news show ng Kapamilya network matapos pagkaitan ng prangkisa sa free-to-air television ang ABS-CBN Corporation.

Komento ng netizen, “Kaya lang konti lang ang viewers.”

Tugon sa kanya ni Karen, hindi kasi na-renew ang kanilang prangkisa.

Pero hindi naman daw ito naging hadlang sa ABS-CBN upang gumawa ng mga palabas na may pakinabang sa kanilang viewers.

Saad ni Karen, “Well the franchise was not renewed, but look at the amazing side—ABSCBN is still on air kahit papaano.

“Doing its best. I am still doing Headstart on ANC tom.”

Hindi naman daw siya nawawalan ng pag-asa na muling makakabangon ang ABS-CBN.

Aniya, “Let us count our blessings. Malay natin - one day.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila (right) pinch-hits in TV Patrol with Noli de Castro (center) and Bernadette Sembrano (right): "First time to be back on #TVPatrol after my stint in 2004-2010. Grateful for the opportunity!"
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results