Andrea del Rosario fondly recalls catfights among Viva Hot Babes members: “Nagsasabunutan kami back then.”

by Bernie V. Franco
Sep 17, 2020
(Right photo) Viva Hot Babes reunited for a performance on It's Showtime in 2019. (L-R) Jennifer Lee, Jaycee Parker, Andrea del Rosario, Maui Taylor, Katya Santos, Sheree Bautista, and Gwen Garci
PHOTO/S: @andreadelrosariovm on Instagram / Viva

Ibinahagi ni Andrea del Rosario, 42, ang mga away at "sabunutan" noon ng mga miyembro ng Viva Hot Babes.

Ang Viva Hot Babes ay ang all-female pop group na sumikat noong 2003. Binubuo ito ng sexy actresses at models na talents ng Viva Artists Agency.

Bukod kay Andrea, ang iba pang kilalang pangalan sa original group ay sina Maui Taylor, Katya Santos, Jen Rosendahl, Gwen Garci, at Sheree.

Nakilala ang Viva Hot Babes dahil sa mga kantang “Bulaklak,” “Basketball,” at “Kikay.” Naging kontrobersiyal ang mga ito dahil sa pagkakaroon ng double meaning o sexual connotation.

Noong mga panahong iyon din nagkapangalan sina Maui, Katya, at Andrea dahil sa paggawa ng sexy movies.

Sa sumunod na limang taon, tatlo pang batches ng Viva Hot Bates ang ini-launch, kung saan labas-pasok ang ibang original members at ipinakilala ang bagong members.

Pero ilan lamang sa kanila ang lubos na nakilala at nananatili pa ring aktibo sa showbiz. Isa na rito si Andrea.

Continue reading below ↓

HOW ANDREA GOT IN THE GROUP

Sinimulan ni Andrea ang kanyang showbiz career noong 1996 sa bakuran ng ABS-CBN.

“I was with ABS-CBN back then. I was part of the Star Magic Batch 3,” ani Andrea, pagtukoy sa kinabilangang talent management arm ng Kapamilya network.

Ilan sa mga ka-batch niya sina Piolo Pascual, Paolo Contis, Kaye Abad, Carlos Agassi, at Antoinette Taus.

“Then I did a movie with Viva, and then nagsimula na doon. Napalipat na rin ako sa Viva. 2003 to be exact.

“From then on, Viva na talaga ako, up to now,” sabi ng aktres sa Facebook Live interview niya sa Monster Radio RX93.1 FM station kahapon, September 16.

CATFIGHTS among the babes

Kasama ni Andrea sa interview ang kapwa niya Viva Hot Babes members na sina Maui, Gwen, at Sheree.

Natuwa raw si Andrea sa kanilang reunion kahit virtual lang.

Saad niya, “Alam mo, mga ka-contemporaries ko rin sila. We grew up all together, kahit nagsasabunutan kami back then.

Continue reading below ↓

"Siyempre, para kaming mga magkakapatid na nag-aaway-away."

Mabababaw lang daw ang pinagmulan ng kanilang mga away, gaya ng pagiging competitive at ayaw magpatalbog ng bawat isa.

Kuwento ng aktres, “Ipinagbabawal na nga na ganoon ang suotin, yung isa naka-green. ‘E, sabi blue lahat, di ba, di ba?! Bakit may naka-green?’

"Mga ganoon. Ganoong mga… sorry, like, stupid fights.

"‘Bakit siya naka-boots, e, di ba, sabi bawal naka-boots?!'

"Ganoon, fights. Super funny.”

Sabi pa ni Andrea, “Siyempre, hindi mo maaalis yung competitive vibe amongst us, especially we were young then. Iba yung mga hormones namin and all.

“Magkakasama kami lagi every day, inikot namin ang buong Pilipinas—campaign dito, campaign diyan.

Continue reading below ↓

RESPECT FOR FELLOW MEMBERS

Tinatawanan na lamang daw ni Andrea kapag naaalala ang mga ginawa nila noon.

Pero sinabi rin ng aktres na mataas ang tingin niya sa mga dating kasamahan dahil alam nito ang hirap ng bawat isa sa kanila.

“But at the end of the day, now that we’re a bit more mature, siyempre naiintindihan din namin na it was a phase.

“And at the same time, bawat isa sa amin, alam namin ang hardship, e. Andami naming pinagdaanan na hirap.

“Yung ibang mga ladies, alam ko rin yung hirap nila, yung struggles nila. So you can’t help but respect each and every one.

“Kahit na nag-away kami, meron pa ring level of respect amongst each other, because I salute these ladies.

“You don’t understand, they’re fighters. They would fight.

"I guess that’s where it’s coming from… somehow keeps us together.”

Ang kanilang interview sa radio station ay isa raw paraan para magparamdam sa mga taong sumubaybay sa kanila noon.

Continue reading below ↓

Sabi ni Andrea, “Yung chance namin na mapasaya namin yung mga parang generation na napasaya namin back then, tumanda na rin sila.

“This is our chance to somehow show up once again [and say], ‘Hi, guys, we’re still here.’”

ANDREA, THE BUSINESSWOMAN

Bukod sa pagiging aktibo pa rin sa showbiz, isa ring negosyante si Andrea. Naging vice mayor din siya ng Calatagan, Batangas noong 2016 hanggang 2019.

Kahit nga raw ngayong may pandemic, tuloy si Andrea sa pagtatrabaho sa real estate industry.

“I’m focusing on real estate business. I’m doing with a friend of mine. We like to flip houses and all.

“Kailangang kumayod kasi nabo-bore na rin ako sa bahay.”

Ibinabalik na rin daw niya ang kanyang hilig sa pagpinta. Nagtapos si Andrea ng kursong Fine Arts and Advertising sa St. Scholastica’s College.

Kinumpirma rin ni Andrea na nagbi-breed siya ng manok na panabong.

“Hindi niyo iyan alam about me, right? I’m breeding cocks.”

Continue reading below ↓

Ikinuwento rin niya kung paano siya napasok sa pagbi-breed ng mga manok na panabong.

“This guy that I am seeing is a breeder as well. He’s in America right now.

"He’s a professional polo player, but one of his passions is also breeding cocks.

“And we have a farm in Batangas, in Calatagan. And I also breed, myself.

“Although I’m still learning, I just bought a few breeds, and he’s the one taking care of my breeding program.

"But I don’t gamble. I just breed.”

Sa isang artikulo sa PEP.ph noong 2018, pinangalanan ni Andrea ang boyfriend niyang si Anthony Garcia, isang professional five-goals polo player at may pag-aaring farm sa Calatagan.

ANDREA AND HER DAUGHTER

Si Andrea ay may isang anak, ang 10-anyos na si Beatrice.

Noon pa man ay hindi ibinunyag ni Andrea ang pagkatao ng ama ng kanyang anak dahil isa raw itong private person.

Aktibo rin si Andrea sa social media at pinagtutulungan daw nila ng kanyang anak ang paggawa ng content sa kanilang YouTube channel.

Continue reading below ↓

Inusisa rin ang aktres kung paano niya ipinaliwanag sa anak ang tungkol sa kanyang pagpapa-sexy noon.

Sabi ni Andrea, “She knows about it. Parang nalaman niya ata sa classmate niya and all.”

Paliwanag ng aktres, pinag-isipan niya nang husto bago ginawa ang pagpapa-sexy sa showbiz at maging parte ng Viva Hot Babes.

“When I did it, before naman, especially that ‘Bulaklak’ song, I was already thinking about her.

“In my mind, I’m like, if I do this show, my future daughter is gonna love this song, and I’ll just do this for her or my kid.

“That’s what I told her, that mama was in a very famous, a phenomenal girl group that was famous back then. That’s it.

“We were all sexy, we’re still sexy. So, that’s it.

"We cannot underestimate children. They understand things and she’s ten years old.

“Pero magugulat ako, ‘It’s okay, Mommy,’ You know, she’s pretty smart.”

Continue reading below ↓

Noong 2019 hanggang ngayong taon, lumabas si Andrea sa ilang episodes para sa mga weekend anthologies sa ABS-CBN, kagaya ng Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya.

Nagkaroon din siya ng partisipasyon sa 2019 movies na Aurora, Elise, Ulan, at Maria.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Right photo) Viva Hot Babes reunited for a performance on It's Showtime in 2019. (L-R) Jennifer Lee, Jaycee Parker, Andrea del Rosario, Maui Taylor, Katya Santos, Sheree Bautista, and Gwen Garci
PHOTO/S: @andreadelrosariovm on Instagram / Viva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results