Janno Gibbs talks about close friendship with Donita Rose, Gelli de Belen, Manilyn Reynes

by Rachelle Siazon
Sep 18, 2020
Through the years, Janno Gibbs says he remains close to his former leading ladies Donita Rose, Gelli de Belen, and Manilyn Reynes. As seen in photos, he worked with Donita in Pedro Penduko, with Gelli in Astig, and with Manilyn in Feel Na Feel.
PHOTO/S: @jannolategibbs Instagram / Ang Pagbabalik Ni Pedro Penduko / Astig / Feel Na Feel / OPM MTV Video Youtube

Nagpatunay si Janno Gibbs na nakahanap siya ng mga tunay na kaibigan sa mga naging leading ladies niya noong '80s at '90s.

Sa panayam niya sa PEP Exclusive, isa-isang inilarawan ni Janno ang nabuong samahan sa pagitan niya at dating ka-love team na sina Donita Rose, Gelli de Belen, at Manilyn Reynes.

DONITA ROSE

Si Donita ay nakatambal ni Janno sa sikat na comedy film na Alabang Girls (1992), na kinalaunan ay nagkaroon ng spin-off na comedy series (1992-1994).

Leading lady din ni Janno si Donita sa comedy-fantasy film na Ang Pagbabalik Ni Pedro Penduko (1994).

Ayon kay Janno, si Donita ay itinuturing niyang isa sa kanyang best friends hanggang sa kasalukuyan.

"We're still in contact hanggang ngayon. Normal sa amin magtawagan, magkamustuhan.

"Si Donita nakasama ko sa Sari Sari Channel for Cignal TV. She played my wife sa Last Woman Standing.

"Last year lang yung series na ginawa namin. Araw-araw kami magkasama for three months and we enjoyed it."

Continue reading below ↓

DONITA'S DECISION TO LEAVE PH

Nito lang August 2020 ay inanunsiyo ni Donita ang desisyong iwan ang Pilipinas at mag-migrate sa San Francisco, California.

Inamin ni Donita na hindi consistent ang pasok ng trabaho niya sa showbiz dito sa bansa, at nitong mga nakalipas na taon ay hirap siya sa aspetong pinansiyal.

Kaya naisip niyang magsimulang muli sa Amerika kunsaan mas may job opportunities para sa kanya.

Suportado ni Janno ang desisyon ni Donita na sa Amerika na manirahan.

"Siyempre tinanong din ako ni Donita," saad ni Janno.

"Sinabi ko lang sa kanya na sundin niya ang puso niya. Whatever's best for her, yun ang gawin niya."

Continue reading below ↓

GELLI DE BELEN

Isa pang itinuturing na best friend ni Janno ay si Gelli de Belen.

Nagkatambal sila sa long-running sitcom ng GMA-7 na Ober Da Bakod, na umere mula 1992 hanggang 1997.

Noong 1993, sila rin ang love team sa mga comedy films na Gagay: Prinsesa Ng Brownout, Astig, at Pusoy Dos.

"Si Gelli honestly is one of my best friends na babae.

"Siya ang isa sa mga naging leading lady ko na kapag may problema ako...

"Palagi kami nagkukuwentuhan ni Gelli, kahit na nasa abroad siya."

Ilang buwang namalagi si Gelli sa Canada kasama ng asawang si Ariel Rivera para makasama ang dalawang anak nilang nag-aaral doon.

Kaya tuwang-tuwa raw si Janno na nagkaroon ng virtual reunion ang Ober Da Bakod cast kamakailan.

Napangiting sabi ni Janno, "Isang malaking dream para sa akin na mag-reunion kami ng Ober Da Bakod cast kaya ginawa ko sa YouTube."

Continue reading below ↓

MANILYN REYNES

Nanatiling malapit na kabigan din ni Janno si Manilyn Reynes, na ka-love team niya noong '80s at '90s.

Pareho silang singer-actor at sandali ring naging magkasintahan ang dalawa noon.

Noong 1988, love team sila sa mga pelikulang Super Inday and the Golden Bibe, Petrang Kabayo at Ang Pilyang Kuting, at Me and Ninja Liit.

Nasundan pa ito ng Magic To Love (1989), Feel na Feel (1990), Kung Sino Pa Ang Minahal (1991), Luv Ko Si Ma'am (1991), at Ober Da Bakod 2: Di Treasure Adventure (1996).

Sabi ni Janno tungkol kay Manilyn, "Well, honestly, itong career ko, malaki ang utang na loob ko sa love team namin ni Manilyn.

"We've remained very good friends. We're still in contact. Nagtatawagan pa rin kami.

"Nakikita niyo naman, nagko-collaborate pa rin kami."

Nitong early 2020, may natapos din silang pelikula na iprinodyus ng Viva Films, ang Mang Jose.

Kasama nila roon ang asawa ni Janno na si Bing Loyzaga.

Continue reading below ↓

"Si Bing at si Manilyn, magkakasama kami sa movie ko na Mang Jose. First time kami magkakasamang tatlo. Abangan niyo."

JANNO'S BREAKUP WITH MANILYN

Sa panayam ng PEP.ph noong 2014, ikinuwento ni Janno na 16 years old lang si Manilyn at siya naman ay 18 years old nang magkarelasyon sila noong late '80s.

Continue reading below ↓

Aminadong "seloso" raw si Janno dahil sa dami ng male stars noon sa kinabibilangan nilang youth-oriented show na That's Entertainment.

Ang misis nga ba niyang si Bing ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Manilyn noon?

Sagot ni Janno, “Kasama na yun siguro. Not the only reason, but kasama na yun.”

Inamin ng singer-comedian na sobrang nasaktan niya noon si Manilyn at “matagal” din silang hindi nagkausap pagkatapos nilang maghiwalay.

Tumagal lang daw ng less than one year ang kanilang relasyon.

"Siyempre lalaki ang may kasalanan diyan. Halos lagi naman," pag-amin ni Janno.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong 2019, inalala rin ni Manilyn na nang maghiwalay sila noon ni Janno ay todo-hagulgol siya sa recording ng hit song niyang "Sayang Na Sayang."

Balik-tanaw ni Manilyn: "Sabi nga nila, ginawa talaga yung song para dun sa nangyaring breakup.

"We were really, really young. Kapag bata ka naman, akala mo, yun na.

Continue reading below ↓

"And then, kapag may nangyaring ganoon, you finally realize, hindi pala, kasi nga ang bata niyo pa noon."

Ganunpaman, sa huli ay nakabuti rin umanong hindi sila nagkatuluyan, lalo pa’t pareho nang masaya sina Janno at Manilyn sa kani-kanilang pamilya.

Napangasawa ni Manilyn ang dating Regal baby na si Aljon Jimenez.

Continue reading below ↓

Watch full interview with Janno Gibbs on PEP Exclusive here:

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through the years, Janno Gibbs says he remains close to his former leading ladies Donita Rose, Gelli de Belen, and Manilyn Reynes. As seen in photos, he worked with Donita in Pedro Penduko, with Gelli in Astig, and with Manilyn in Feel Na Feel.
PHOTO/S: @jannolategibbs Instagram / Ang Pagbabalik Ni Pedro Penduko / Astig / Feel Na Feel / OPM MTV Video Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results