Bela Padilla corrects netizen asking if she’s duling: “Hala mali. Banlag.”

Sep 18, 2020
Bella Padilla
In a tweet on March 20, 2018, actress Bela Padilla says her squint does not bother her: "It doesn't impair my vision… also, I don't mind as long as I get to see the beautiful world we live in!”
PHOTO/S: @bela on Instagram

Hindi ikinakaila ng aktres na si Bela Padilla ang kanyang eye defect.

Aminado ang 29-year-old British-Filipino actress na squint-eyed o banlag siya.

Sa katunayan, hindi nangingimi si Bela na mag-post sa social media ng mga litrato niya kung saan kapansin-pansin ang imperfection sa kanyang mga mata.

Gaya ng picture na ipinost niya sa Instagram nitong Huwebes, September 17.

Ang litrato ay advertisement ni Bela para sa iniendorso niyang hair vitamins.

Continue reading below ↓

Isang lalaking netizen ang patanong na pumuna sa mga mata ni Bela.

Nakakaaliw naman na imbes na magalit o huwag pansinin ang komento ng netizen, itinama pa ng aktres ang sinabi nito.

Nagtanong kasi ang netizen kung “Bakit duling” si Bela, kalakip ang isang thinking face emoji.

Sagot ni Bela, “mali” ang terminong ginamit ng netizen sa kanyang eye defect.

Hindi raw siya duling kundi “Banlag,” sabi ni Bela, kasunod ang isang smiley.

Continue reading below ↓

FANS DEFEND BELA

Maraming fans ni Bela ang nagalit sa lalaking netizen dahil sa “panlalait” sa aktres.

Tanong naman ng lalaki sa fans ni Bela na kumuyog sa kanya, “totoo ba or hindi?” ang napuna niya sa mata ng aktres.

Continue reading below ↓

Bukod sa lalaking netizen, napansin din ng iba pang Instagram followers ni Bela ang mga mata ng aktres.

Continue reading below ↓

May mga dumepensa para kay Bela at sinabing “not a big deal” kung may “lazy eye” man ito.

Continue reading below ↓

Mahal daw nila si Bea “the way you are,” lalo na at “napaka ganda” at may “kabutihan at kagandahan ng puso” ang Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

Ang isang fan ni Bela na may eye defect ding tulad ng sa kanya, nagpasalamat na nagbigay-inspirasyon ang aktres na hindi dapat “ikahiya” ang “pagiging banlag.”

“I’M NOT BOTHERED”

March 20, 2018 nang aminin ni Bela sa isa niyang Twitter follower na totoong banlag siya.

Kuwento noon ni Bela sa Twitter user, bata pa lang ay “mejo banlag na po ako.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, nahahalata lang daw ang imperfection na ito ng aktres “pag puyat ako o may sakit.”

Ayon sa MedicalNewsToday, ang pagkakaroon ng squint, o strabismus, ay ang kondisyon kung saan hindi maayos na naka-align ang parehong mata; nagpo-focus sa isang spot ang isang mata, habang iba ang direksiyon ng isa pa.

Nangyayari ito dahil ang “muscles that control the movement of the eye and the eyelid, the extraocular muscles, are not working together," ayon pa rin sa MedicalNewsToday.

Paglilinaw noon ni Bela, hindi siya nababahala sa kanyang eye defect.

Ang importante raw ay maayos ang kanyang paningin kaya naa-appreciate niya ang kagandahan ng mundo.

Tweet noon ni Bela (published as is): “im not bothered because it doesnt impair my vision… also, i dont mind as long as I get to see the beautiful world we live in!”

Continue reading below ↓

Si Bela ay nagmula sa showbiz clan ng mga Padilla.

Pinsang-buo ng kanyang ina ang action star na si Robin Padilla, gayundin ang mga kapatid nitong sina Rommel Padilla at BB Gandanghari.

Taong 2007 nang nagsimula si Bela sa showbiz.

Huli siyang napanood sa Kapamilya teleseryeng Sino Ang May Sala? Mea Culpa noong 2019.

February 2020 naman nang ipinalabas ang pelikula ni Bela na On Vodka, Beers and Regrets.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a tweet on March 20, 2018, actress Bela Padilla says her squint does not bother her: "It doesn't impair my vision… also, I don't mind as long as I get to see the beautiful world we live in!”
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results