Pauleen Luna addresses 34-year age gap with husband Vic Sotto; does age matter in their marriage?

by Arniel C. Serato
Sep 18, 2020
Pauleen Luna (left) on relationship with husband Vic Sotto (right): "Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it's one of the main reasons why this relationship is so easy.”
PHOTO/S: Courtesy: @pauleenlunasotto on Instagram

Isang madamdaming post ang ibinahagi ni Pauleen Luna, 31, sa Instagram ngayong Biyernes, September 18, ukol sa age gap nila ng asawang si Vic Sotto, 66.

Ayon sa actress-TV host, naitanong ito sa kanya ng News5 head at host ng programang Usapang Real Life ng TV5 kamakailan lamang.

Parehong guest ang mag-asawa sa episode ng programa ni Luchi Cruz-Valdes na ilalabas bukas, September 19.

Sabi ni Pauleen, hindi siya nakapagbigay ng tila magandang kasagutan tungkol sa tanong dahil hindi naman daw niya naramdamang malaki ang agwat ng kanilang edad.

Tatlumpu't apat (34) na taon ang pagitan ng edad nina Pauleen at Vic.

Saad ng Chika Besh host, “A few weeks ago, we were interviewed by Miss @luchicruzvaldes for her show.

“She asked me ‘How do you deal with the age gap?’

“I wasn't able to give a good answer because i honestly do not feel the ‘gap’ that we have.”

Continue reading below ↓

Matapos ang taping, napaisip daw ni Pauleen kung bakit isyu sa ibang tao ang age gap nila ni Vic.

Kung tutuusin, swak daw talaga sila ng mister.

Lalo pa raw napamahal kay Pauleen si Vic dahil ipinaramdam sa kanya ng mister na wala siyang dapat ipag-alala sa kanilang buhay mag-asawa.

Paliwanag ni Pauleen: “That afternoon, I thought hard about that question and I came up with an answer, a real answer.

“My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but I think the thing I love most about him is the amount of respect he gives me.

“He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal.”

“I ALWAYS FELT VALIDATED”

Mula raw noong magkarelasyon pa lamang sila hanggang sila ay ikinasal at nagkaanak, hindi raw niya naringgan na nagtaas ng boses si Vic.

Continue reading below ↓

Malaki raw bahagi ang salitang “respeto” sa kanilang pagsasama.

Ito raw marahil ang dahilan kung bakit naging madali at matiwasay ang kanilang pagsasama.

Bahagi pa ng post ni Pauleen, “Never did I hear my husband raise his voice and felt like i was younger and didn't matter.

“I always felt validated. I always feel important around him.

“Respect plays a big role in any relationship.

“I know deep in my heart that it's one of the main reasons why this relationship is so easy.”

Continue reading below ↓

Sa isang eksklusibong panayam kay Pauleen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 2014, nagpaliwanag siya ukol sa age gap nila ng noo’y boyfriend pa lamang na si Vic.

Saad ni Pauleen: “You know, dito ko na-prove na age is just a number.

“Kasi pag swak ang personality niyo, if your personalities gel, wala yung numero.

"E, meron nga akong kaedad, kaso nga lang pinapatulan naman ako pag inaaway ko, so it won’t work.

"At the end of the day, it’s the personalities.

"Yun talaga ang importante, hindi naman yung edad.”

Ikinasal sina Pauleen at Vic sa isang Catholic wedding ceremony noong January 30, 2016.

Mayroon silang isang anak na babae, si Talitha Sotto, na dalawang taong gulang na ngayon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna (left) on relationship with husband Vic Sotto (right): "Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it's one of the main reasons why this relationship is so easy.”
PHOTO/S: Courtesy: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results