BB Gandanghari opens up about her transition; tampo with sister-in-law Mariel Rodriguez, nephew Daniel Padilla

by Gorgy Rula
Sep 19, 2020
BB Gandanghari on her transition: “Truth of the matter is, all throughout my transition, I waited seven years before I entered into my hormone replacement program. Why? Kasi my thinking was, ‘Bakit naman ang normal na babae, hindi naman bigla-bigla nagkaka-boobs?’ Dumaan ako sa ganyang transition. Ang pagdadalaga, in other words. Gusto ko maramdaman yung pagdadalaga!”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Pursigido si BB Gandanghari, 53, maging isang ganap na babae sa pamamagitan ng pagsasailalim sa sex reassignment surgery.

Pero hindi raw ganun kadali ang prosesong ito na hanggang ngayon ay pinagdadaanan niya. Hindi rin masabi ni BB kung ilang taon pa tatagal ang prosesong ito.

Nasa “hormone replacement program” pa lang daw siya, at ang pinakamahirap ay ang psychological change sa kanya bilang isang babae.

Ang hormone replacement o transgender hormone therapy ay isinasagawa upang palitan ang secondary sexual characteristics ng mga transgender mula masculine papuntang feminine.

“I am in the middle of the very long process. I am dealing with my hormone replacement program,” pahayag ni BB sa panayam niya sa radio program na Showbiz Talk Ganern sa DZRH noong September 16.

Continue reading below ↓

“I am under care by a very competent medical provider.

“I am also dealing with my mental health not because… again, it is a misconception na ang hormones would make you crazy.

“It is very unfortunate na nanggagaling pa ito sa mismong ibang mga transgender na individuals na, maybe, merong hindi magandang experience. Kasi hindi nga siya madali.”

Bago siya nagdesisyong maging trans woman, si BB ay unang nakilala bilang si Rustom Padilla, isang matinee idol noong dekada ’90.

Taong 2006, habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house bilang celebrity housemate, inamin ni Rustom na "I am gay."

January 2009 naman nang unang lumantad sa publiko si BB Gandanghari, ang bagong katauhan ni Rustom bilang trans woman.

Kasabay nito ang deklarasyon ni BB na “Rustom is dead.”

TRANSGENDER ADVOCATE

Bahagi raw ng prosesong pinagdadaanan ni BB ay ang pagtulong sa ibang transgenders na dumadaan din sa hormone replacement program.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “I actually worked as an advocate, as a transgender patient advocate, na you should do mental health… yung meron kasing mga mental health providers na you should do that, not because you think you’re crazy, but to prepare yourself for the big change.

“Psychologically, there will be a change. You will start thinking as a woman, not as a man.

“And so, if you do your hormone replacement program before this mental health program, mawawala ka, malilito ka.

“Kasi you will not understand what’s going on. You will keep on interacting na parang…

“Kasi what’s important after your transition, you will assimilate in the bigger society.

“Basically, in transition, you will be isolating and, one day, you will assimilate.

“Hindi ka pwedeng mag-assimilate na you will interact as a man, masisira ang ulo mo talaga. So, you have to prepare psychologically for the physiological change.

“Kasi, hormones will give you physiological change. Ang tagal talaga. And I am taking it very slowly.”

Continue reading below ↓

Pitong taon daw ang hinintay ni BB bago siya sumailalim sa hormone replacement program.

“Truth of the matter is, all throughout my transition, I waited seven years before I entered into my hormone replacement program.

“Why? Kasi my thinking was, ‘Bakit naman ang normal na babae, hindi naman bigla-bigla nagkaka-boobs?’

"Dumaan ako sa ganyang transition... ang pagdadalaga, in other words. Gusto ko maramdaman yung pagdadalaga!” natatawa niyang pahayag.

Hindi raw agad-agad makikita ang malaking pagbabago sa kanyang katawan, pero willing daw siyang maghintay.

“Yes! I may not be that Miss Universe figure, but I’m very, very confident with my skin kasi pinagdaanan ko.

“Ayoko ring to push it very fast. Kasi when I was working as a transgender advocate, I was talking to my patients. Ako nag-i-schedule sa mental health [therapy] nila saka dun sa surgeries nila.

“I talked to them na, ‘Make sure na you go through mental health process, not for anything, but to understand the physical change, and also have the patience.

Continue reading below ↓

“Pero wala akong pasensiya minsan sa mga nagsasabing, ‘Ay, malaki pa rin ang boses mo.’ And so what?

“Hindi pwedeng 24 hours mataas agad ang boses mo. E, mababaliw ka nga kung ‘yan ang expectations mo,” saad ni BB.

HOT STORIES

HOW DID BB PREPARE FINANCIALLY?

Tinanong namin kung paano pinaghandaan financially ni BB ang transition niya para maging isang ganap na babae.

Lahad niya, “Sinasabi ng mga taong ‘Naghihirap ka na diyan.’

“Sabi ko, ‘Hoy! Etong katawang ito, ilang milyong dolyares ang in-invest ko dito.’

“Not for anything, hindi talaga ako nagtrabaho. Nag-focus talaga ako sa transition ko.

“Imagine, yung opportunities lost since I started my transition, kasi hindi na ako nagtatrabaho nang mahusay nun.

“Ang focus ko all the time is my personal journey. I gave up everything, that’s part of my investment.

"And so, now I’m working hard.”

Sabi pa ni BB, “Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos na I may not have all the money in the world, but He kept me healthy. At 53, I’m able to do all the things that I do.

Continue reading below ↓

“Kaya naiinis talaga ako sa mga nagdya-judge na sinasabi, na magsalita na... you think I’m not happy na sinusukat niyo ako sa pera?”

Ayon kay BB, tanging ang Diyos lang ang kausap niya sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

LOCKDOWN IN AMERICA

Sa puntong ito ay muling naglabas ng hinanakit si BB sa kanyang pamilya, lalo na sa mga kapatid niyang hindi raw niya nakakausap tungkol sa pagbabagong pinagdadaanan niya.

Kabilang sa mga kapatid ni BB ay ang mga aktor na sina Robin at Rommel Padilla.

Seryosong sabi ni BB, “I’m a very responsible and mature individual, so of course I need some support. I know that, that’s why I reached out.

“Nagri-reach out ako noon, yun naman ang katotohanan dun.

“Kaya dumating sa punto yung mga isyu na yun because umabot na ako sa hangganan na, ‘A, ganun.’"

Mensahe pa niya sa kanyang pamilya, “Sa lahat na napagdaanan ko sa America, hindi ako nakapag-reach out sa inyo.

Continue reading below ↓

“Kung nakapag-usap man tayo, parang naka-cordon tayo, hindi ko na kaya ‘yan.”

Muli ring binanggit ni BB ang tungkol sa hindi man lamang umano pangungumusta sa kanya ng sariling pamilya nang magkaroon ng pandemya, gayong mag-isa lang siyang naninirahan sa Amerika.

“So, tapos dumating yung pandemic na ang katotohanan talaga, natatakot ako dito, nagpa-panic talaga ako.

“Hindi naman ako umaarte dun. Nakakatakot naman talaga na sa ibang bansa ka, ‘tapos yung feeling na, ‘Oh my God,’ na kung anuman, baka hindi na ako makauwi sa Pilipinas.

“Ang effect sa akin ng pandemic, wow, nasa ibang bansa ako, at nagsarado ang lahat. Hindi ko na alam.

“Yun lang naman ang first instance na pumasok sa akin, na nung nag-announce ng lockdown, na pati ang trabaho ko kinatatakutan ko.

“Lahat yun, at hindi naman ako… ang ipinagtataka ko was, sa nararamdaman kong yun, parang takang-taka sila na nararamdaman ko yun na umaarte ako, na lahat tayo na-lockdown.

Continue reading below ↓

“I was so disoriented at that time, and yet there was no call. That was it. Hindi ko talaga naintindihan kung bakit.”

BB SAYS MARIEL DID NOT SPEAK TO HER

Nag-iingat daw si BB sa mga sasabihin niya dahil baka isipin na namang ginagamit niya ang kanyang pamilya para patuloy siyang pag-uusapan.

Pero bumalik sa alaala niya na noong nasa Amerika si Mariel Rodriguez ng anim na buwan ay hindi man lang daw siya kinausap nito.

Si Mariel ang asawa ng nakababatang kapatid ni BB na si Robin.

Himutok ni BB, “Kay Mariel, nung nandito ‘yan, anim na buwan sa America, ‘tapos sasabihin na dinadamay ko si Mariel.

“Hindi ko naman idinadamay si Mariel, pero nakaka-offend lang.

“Nandito ka, nanganak ka dito sa America, tinawagan kita, hindi mo sasagutin ang tawag ko, hindi mo ako tatawagan. Wala kang kamag-anak dito?

“So, okay, I’ll take it. Yun lang!

“Pero huwag tayo magpapa-impress sa social media na we are close and tight. I’m done with that.

Continue reading below ↓

“If you wane be close and tight, let’s call each other,” tila naiinis niyang pahayag.

Isinilang ni Mariel ang pangalawang anak nila ni Robin na si Maria Gabriela sa U.S. noong November 15, 2019.

ON MOMMY EVA AND DANIEL

Sa kabilang banda, ayon kay BB, may komunikasyon na raw sila ng kanyang inang si Eva Cariño-Padilla.

“Si Mama naman kasi… nagtampo naman kami ni Mama, di ba?

“Ang pinanggagalingan ng tampo ko noon… kasi hindi ko nga nakikita si Mama. Ilang taon na nga ba ako dito sa America?

“So, hindi ko alam ang estado ni Mama. Ulyanin na ba? Hindi ko alam.

“Hindi ko matawagan. Parang laging naka-off [ang cell phone] and everything. So, hindi ko alam.

“Ngayon, okay naman na, kasi meron naman palang number si Mama.

“That only shows that we have a poor communication amongst us. Grabe talaga! With these gadgets we have now?

“Kaya lang, sa isang tao na nasa ibang bansa… na parang once a year, once in two years… I don’t know!”

Continue reading below ↓

Ang ibig tukuyin ni BB ay madalang silang magkausap ng kanyang ina.

Sa pagpapatuloy ng panayam namin kay BB, may ilang listeners sa aming programa na nagtanong kung kumusta naman sila ng pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Si Daniel ay anak ng kapatid ni BB na si Rommel Padilla sa actress-TV host na si Karla Estrada.

Nag-isip muna si BB sandali, pero inilabas na rin niya ang kanyang sentimyento sa sikat na pamangkin.

“Isa yun sa mga ibinuhos ko sa vlog ko, kasi my vlog is very personal. Nagkataon na Padilla siya, so madadamay din ang pangalan niya.

“Bilang pamangkin, at magsasalita ako bilang tita, parang, I think I deserve more respect, kasi nauna kami.

“So, kung kaya mo akong deadmahin at pumunta kayo rito sa Amerika na hindi naman kayo magpaparamdam...

"E, hindi naman ako para pumila at magsabing nandito ako, e, nauna kami. Yun lang ang akin,” nakangiti niyang sagot.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari on her transition: “Truth of the matter is, all throughout my transition, I waited seven years before I entered into my hormone replacement program. Why? Kasi my thinking was, ‘Bakit naman ang normal na babae, hindi naman bigla-bigla nagkaka-boobs?’ Dumaan ako sa ganyang transition. Ang pagdadalaga, in other words. Gusto ko maramdaman yung pagdadalaga!”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results