Shorter commuter distancing safe with help of “7 Commandments;” Duterte orders keep to one meter

by Jet Hitosis
Sep 19, 2020
Passengers observe one-meter physical distancing while seated inside a Metro Rail Transit (MRT) train.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Balik sa isang metro ang physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Ito ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ngayong Sabado, September 19.

Nauna nang sinuspinde nitong Huwebes, September 17, ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagbabawas sa distansiya ng commuters sa mga public utility vehicles (PUVs).

Lunes, September 14, nang pinaikli ng Department of Transportation (DOTr) sa 0.75 meters (2.5 feet) ang distansiya ng mga pasahero sa mga jeep, bus, UV Express, taxi, at tren.

Plano ng DOTr na unti-unting paikliin ang physical distancing sa PUVs kada dalawang linggo.

Layunin ng DOTr na makapagsakay ng mas maraming pasahero habang tinutulungang makabawi ang ekonomiya ng bansa ngayong may pandemya.

Aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang polisiyang ito ng DOTr.

Ang IATF ang pangunahing policy-making body ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa IATF, puwede nang bawasan ang physical distancing basta istriktong tumutupad ang mga pasahero sa pagsusuot ng face mask at face shield, pagbabawal sa pagsasalita, pagkanta, paggamit ng mobile phone, at pagkain sa loob ng PUVs.

Continue reading below ↓

DOH, IATF OFFICIALs SAY NO TO SHORTER DISTANCING

Nitong Huwebes, sinabi ng Malacañang na sinuspinde ng DOTr ang pagpapaikli sa physical distancing sa PUVs.

Ito'y matapos atasan ni Pangulong Duterte ang IATF na muling pag-aralan ang polisiyang ito.

Ang desisyon ni Duterte ngayong Sabado na panatilihin ang one-meter physical distancing ay batay sa resulta ng panibagong diskusyon ng IATF nitong Biyernes, September 18, tungkol sa nabanggit na DOTr policy.

Mariin kasing kinontra ng health experts, ni Health Secretary Francisco Duque III, at ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang pagbabawas sa distansiya ng commuters sa isa’t isa.

Ang Department of Health (DOH) ang ahensiya ng gobyerno na nangunguna sa IATF.

Si Año naman ang vice chairman ng National Task Force Against COVID-19, na nagpapatupad ng mga polisiyang inaprubahan ng IATF.

Giit nina Duque at Año, maaaring lumobo ang COVID-19 cases sa bansa kung babawasan na ang one-meter physical distancing, na itinatakda ng World Health Organization (WHO).

Continue reading below ↓

Hindi pa raw ito uubra sa ngayon, kung kailan halos 280,000 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa at aabot na sa 5,000 ang namatay.

GOVERNMENT OFFICIALS, HEALTH EXPERTS DIVIDED

Nagbunsod ng debate sa mga miyembro ng Gabinete ang polisiyang ito ng DOTr.

Kaligtasan laban sa virus ang iginigiit nina Duque at Año, habang determinado naman ang DOTr, IATF, at economic advisers na ibangon ang ekonomiya.

Continue reading below ↓

Pero hindi lang mga opisyal ng gobyerno ang may magkakasalungat na paninindigan sa issue.

Hati rin maging ang medical community.

Ang rekomendasyon ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) ang basehan ni Duque sa pagtutol niya sa pagpapaikli sa one-meter physical distancing.

Ang HPAAC ang pinakamalaking samahan ng healthcare workers sa Pilipinas.

Sila ang grupo ng medical frontliners na humingi ng 15-day "time out" kay Duterte noong Agosto para marepaso ng gobyerno ang istratehiya nito sa COVID-19 response.

Samantalang ang DOTr at economic advisers, nakahanap ng kakampi sa grupo ng medical experts na pinangungunahan ni dating DOH Secretary Dr. Manuel Dayrit.

Naniniwala si Dayrit na hindi makakabalik sa dating sigla ang ekonomiya hanggang hindi nadadagdagan ang public transport capacity.

Pabor ang grupo ni Dayrit na paiksiin ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan basta istriktong tumatalima ang mga pasahero sa public health standards.

Si Dayrit ay nagsilbing DOH secretary simula 2001 hanggang 2005, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Continue reading below ↓

Dating dean ng Ateneo de Manila University School of Medicine and Public Health, si Dayrit ay kasalukuyang adjunct professor ng unibersidad.

Nagtrabaho rin si Dayrit sa World Health Organization bilang director of human resources ng health department ng Geneva-based organization.

Nakapagsilbi na rin siya bilang village doctor sa Pilipinas.

THE "7 COMMANDMENTS" IN PUBLIC TRANSPO

Grupo ni Dayrit ang nagprisinta ng rekomendasyon sa IATF nitong September 14 kaugnay ng pagbuhay muli sa ekonomiya ngayong may pandemya.

Pinangungunahan ni Dayrit ang panel ng medical experts na binubuo nina Dr. Vicente Belizario, Jr., Dean ng University of the Philippines College of Public Health; Dr. Teodoro Herbosa, Special Advisor ng National Task Force Against COVID-19; Dr. Esperanza Cabral, dating DOH secretary (2010)...

Dr. Manuel Francisco T. Roxas, Director ng Philippine College of Surgeons Cancer Commission; Dr. Ma. Dominga Padilla, Founder-CEO ng Eye Bank Foundation of the Philippines; at Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases specialist.

Continue reading below ↓

Bumuo ang grupo ni Dayrit ng komprehensibong health protocols na mahigpit na ipatutupad sa mga PUVs.

Tinawag nila itong “7 Commandments” sa mga pampublikong transportasyon:

  • Pagsusuot ng tamang face masks
  • Paggamit ng face shields
  • Pagbabawal sa pagsasalita at pagkain
  • Sapat na ventilation sa loob ng sasakyan
  • Madalas at wastong disinfection
  • Pagtiyak na walang pasaherong may sintomas
  • Akmang physical distancing

MOST EFFECTIVE VS DROPLET TRANSMISSION: DO NOT TALK

Ang 7 Commandments na ito ang iprinisinta ng grupo ni Dayrit sa IATF bilang rekomendasyon ng health experts sa planong pasiglahing muli ang mga negosyo.

“We believe that the combination of these measures will be amongst the most comprehensive in the world, based on our consultation with international experts,” saad sa official statement ng grupo ni Dayrit nitong September 15.

“By imposing these strict measures, we believe we can gradually relax social distancing rules, in order to double or even triple our current public transport capacity, without compromising public health,” dagdag ni Dayrit.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Dayrit, napatunayan sa isang pag-aaral sa Duke University na ang pagsuot ng surgical mask ay nakakabawas ng 99 percent ng pagpapasa ng droplets mula sa bibig at ilong.

At ang hindi pagsalita buong biyahe ay apat na beses pang mas mabisa sa pagbabawas ng droplet transmission.

Continue reading below ↓

Natukoy sa mga pag-aaral na ang pagsasalita, pagkanta, at pagbahing ay nakapag-iiwan ng droplets sa ere. Ang absorption ng droplets ang panggagalingan ng hawaan ng virus.

Paghahalimbawa pa ni Dayrit, sa Japan, South Korea, Taiwan, at Singapore, magkakatabing nakaupo sa train ang mga pasaherong nakasuot ng face masks, pero kontrolado ang COVID-19 cases sa nabanggit na mga bansa.

“0.5 METERS OR LOWER” COMMUTER DISTANCING

Nilinaw rin ni Dayrit na bagamat WHO ang nagtakda ng one-meter physical distancing, “it allows for adjustments” batay sa sitwasyon ng bansang magpapatupad nito.

Kung magiging istrikto sa implementasyon ng 7 Commandments, ipinapanukala ng grupo ni Dayrit ang unti-unting pagpapaikli sa distansiya ng commuters hanggang sa 0.5 meters o mas maikli pa.

“Given our other recommended health interventions, we propose the gradual reduction of the physical distancing norm during transit to 0.5 meters or lower,” saad sa pahayag ng grupo ni Dayrit.

Kasabay nito, hinimok ni Dayrit ang mas malawakang dialogue sa IATF, sa kapwa medical professionals, at sa transport experts.

Ito ay para makabuo ng polisiyang ligtas sa hawahan pero magpapasigla pa rin sa public transport at business sectors.

Continue reading below ↓

BUSINESS GROUPS SUPPORT DAYRIT’S RECOMMENDATIONS

Suportado ng iba’t ibang samahan ng mga negosyante ang rekomendasyong ito ng grupo ni Dayrit.

Sa isang pahayag nitong September 17, sinabi ng business organizations na mahalagang ipatupad ang physical distancing, pero dapat may option para magluwag sa implementasyon nito depende sa risks.

Continue reading below ↓

Saad sa official statement ng mga pribadong negosyante, “People should practice physical distancing where appropriate but be given alternative options to relax this requirement where the risks are manageable.

“We support the Department of Transportation’s plans to gradually relax distancing so long as the 7 Commandments are well communicated and strictly enforced alongside it.”

Ang statement ay pirmado ng Bankers Association of the Philippines, Makati Business Club, Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters, Inc., Bounce Back PH, Foundation for Economic Freedom, IT & Business Process Association of the Philippines, Management Association of the Philippines, at ng American, Canadian, European, at Japanese business chambers.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Passengers observe one-meter physical distancing while seated inside a Metro Rail Transit (MRT) train.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results