Andrea Torres on live-in rumors with Derek Ramsay: “Gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama.”

Sep 19, 2020
Andrea Torres, Derek Ramsay
In his latest vlog with girlfriend actress Andrea Torres, Kapuso actor Derek Ramsay refers to his dream house as "our home." He explains: “I've opened up my doors because they [Andrea's family] are now part of my family. That’s why I say it’s our house.”
PHOTO/S: @ramsayderek07, @andreatorres on Instagram

Kasal muna bago magsama sa iisang bahay.

Ito ang pinanindigan ng Kapuso actress na si Andrea Torres, 30, matapos itanggi ang suspetsa ng ilan na nagli-live in na sila ng nobyong si Derek Ramsay, 43.

Nilinaw ni Andrea na inirerespeto niya ang mga magkasintahang nagli-live in.

Pero salungat daw ito sa personal niyang paniniwala.

Sinabi ni Andrea na gusto niyang “may basbas ng Diyos” ang pagsasama nila ni Derek bago sila tumira sa iisang bahay.

“I respect yung mga nagli-live in,” sabi ni Andrea.

“Pero sa sarili ko lang na paniniwala, gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama talaga sa isang bahay.”

Na-interview si Andrea, kasama si Derek, sa “Chika Minute” segment ng Kapuso primetime news program na 24 Oras nitong Biyernes, September 18.

Inamin naman ni Andrea na madalas siyang pumupunta sa bahay ng pamilya ni Derek, lalo na para sa weekend family gathering.

Una nang itinanggi ni Derek ang hinalang nagsasama na sila ni Andrea.

Continue reading below ↓

DEREK WELCOMES FANS TO “OUR HOME”

Lumutang ang isyu na nagli-live in na sina Andrea at Derek matapos na ipasilip ng aktor ang kanyang bagong bahay sa latest vlog nila ni Andrea nitong September 11.

At press time, mayroon nang 1.8 milion views ang part one ng nabanggit na vlog.

Sa bungad pa lang ng vlog ay paulit-ulit na binabanggit ni Derek ang “our home” upang tukuyin ang kanyang bahay.

Ito marahil ang dahilan kaya may mga naghinala na nagsasama na si Andrea at ang aktor.

Paliwanag ni Derek sa parehong interview, bukas ang kanyang bahay hindi lang para kay Andrea, kundi para sa buong pamilya ng aktres.

“I've opened up my doors because they are now part of my family,” ani Derek. “That’s why I say it’s our house.”

Kuwento ni Derek, hindi pa niya girlfriend si Andrea nang sinimulan niyang ipagawa ang kanyang bahay.

“I was building this house for the next chapter in my life,” ani Derek.

Continue reading below ↓

“Hindi ko pa alam na Andrea was gonna come into my life.

“And I’m so lucky that she did.”

“THIS IS FOR OUR FUTURE”

Pero aminado ang aktor na maraming nabago mula sa orihinal na plano niya para sa kanyang bahay ngayong girlfriend na niya si Andrea.

“It was in the middle of the whole process na ginagawa ko itong bahay na ito.

“There were lots of things that were changed because she was in my life now.”

Naisip daw ni Derek na “itodo” na ang disenyo at pagpaplano sa kanyang bahay dahil hindi lang daw ito para sa kanya kundi “for our future.”

Sabi ni Derek: “This is for my future. This is for our future. Itodo na natin ito.”

Continue reading below ↓

Natutuwang ibinahagi ni Andrea na kasama siya ni Derek sa pamimili ng furniture para sa bahay.

Ikinokonsidera rin daw ng aktor ang opinyon niya habang namimili sila ng furniture.

Kuwento ni Andrea: “Talagang isinama niya ako sa pag-shopping ng furniture.

“Tinatanong niya kung okey sa akin o hindi.

“Pagka sinabi ko na ‘Hindi ko masyadong type,’ pinagbibigyan niya ako. Pag mayroon akong love na love, pinagbibigyan din niya ako.”

DEREK: “SANA MAPUNTA NA ITO SA KASALAN”

Isang taon na ang relasyon nina Derek at Andrea.

September 25, 2019 nang inamin ng dalawa na nagkamabutihan sila habang ginagawa ang GMA primetime series na The Better Woman noong nakaraang taon.

Kahit bago pa lang noon ang relasyon ng dalawa, naikuwento nina Derek at Andrea na sobrang malapit sa isa’t isa ang kanilang mga magulang.

Sa isa pang interview sa magkasintahan nitong July 2020, inilarawan ni Derek na “panghabambuhay” ang relasyon niya kay Andrea.

Continue reading below ↓

Napag-uusapan na rin daw nila ang kasal.

Sabi ni Derek: “I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why.

“I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different.”

Karaniwang tumatagal nang ilang taon ang relasyon ni Derek sa kanyang mga naging girlfriend, pero sa huli ay nauuwi rin ito sa hiwalayan.

Ex-girlfriends ni Derek sina Joanne Villablanca, Cristine Reyes, Angelica Panganiban, at Solenn Heussaff.

May 16-year-old son si Derek, si Austin, sa dating asawang si Mary Christine Jolly.

“I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan. Siguro in the next two years, it has to happen,” dagdag pa ni Derek.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his latest vlog with girlfriend actress Andrea Torres, Kapuso actor Derek Ramsay refers to his dream house as "our home." He explains: “I've opened up my doors because they [Andrea's family] are now part of my family. That’s why I say it’s our house.”
PHOTO/S: @ramsayderek07, @andreatorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results