Remember when Markus Paterson reacted this way when asked about Janella Salvador?
Sep 19, 2020

August last year nang ma-corner ng entertainment reporters si Markus Paterson at tanungin ito tungkol kay Janella Salvador.

Ilang linggo na rin kasing pinag-uusapan na may namamagitan sa kanila ng Kapamilya actress.

Pero parehong walang kinukumpirma sina Markus at Janella, liban sa pagsasabing espesyal sila sa isa't isa.

Sa video na ito ng interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior correspondent na si Arniel Serato at iba pang entertainment reporters, puro bitin ang mga sagot ni Markus.

Habang kinukumpirma Filipino-British actor na nagkakamabutihan na sila ni Janella at may mga okasyon na magkasama nga sila, wala pa ring kumpirmasyon kung sila na nga ng dalaga nina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.

Fast-forward to September 2020, kinumpirma na nina Markus at Janella ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng posts sa kani-kanilang Instagram accounts.

Tinuldukan na ng mga post nila ang tanong kung magkasintahan nga sila.

Pero kasunod ng pagkumpirma nila ng kanilang relasyon, pumutok naman ang balitang buntis si Janella.

At katulad ng ginawa nila nung nakaraang taon, walang pagkumpirma mula sa kanila tungkol sa balitang ito.

Pero ayon sa magpakakatiwalaang source ng PEP, buntis nga si Janella, nasa United Kingdom ito kasama si Markus at ang pamilya nito, at manganganak na ito sa Oktubre.

HOT STORIES

Video: Arniel Serato
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results