Angelica Panganiban will not leave ABS-CBN: “Hindi sumagi sa isip ko.”

Sep 20, 2020
Angelica Panganiban
Actress Angelica Panganiban on fellow Kapamilya talents making the transfer to other networks: “I have nothing against naman sa mga kaibigan ko din na gustong magtrabaho sa ibang network. May mga pangangailangan tayo, e.”
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Mananatiling Kapamilya ang aktres na si Angelica Panganiban.

Ito ang tiniyak ng 33-year-old Star Magic talent kahit pa ilang ABS-CBN artists ang isa-isa nang lumilipat ng network.

Ang Star Magic ang talent-management arm ng ABS-CBN Corporation.

Matapos pagkaitan ng prangkisa ang network noong July 10, pinayagan ng Star Magic ang mga artista nitong tumanggap ng projects sa ibang network.

Pero hindi raw sumagi sa isip ni Angelica na iwan ang network na nag-alaga ng kanyang career mula noong siyam na taong gulang siya.

Ito ay kahit, gaya ng ibang Kapamilya artists, may mga natanggap din daw na offers ang aktres sa labas ng ABS-CBN.

“May mga tumawag. May mga nag-offer,” sinabi ni Angelica sa virtual presscon ng bago niyang digital show na Ask Angelica nitong Sabado, September 19.

Continue reading below ↓

“Hindi siya kasi sumagi sa isip ko, e. Hindi pa siguro ngayon. Hindi ko puwedeng pangunahan yung mga mangyayari.”

“HAPPY AKO KUNG NASAAN AKO NGAYON”

Kung masigla at nagbibiro si Angelica sa unang bahagi ng presscon, kapansin-pansing sumeryoso ang aktres nang mapag-usapan ang tungkol sa pag-alis sa ABS-CBN.

Saglit na natigilan at napaisip si Angelica bago sinabing “hindi ko lang kaya” na iwan ang Kapamilya network.

Masaya raw si Angelica bilang Kapamilya artist. Wala raw siyang nakikitang dahilan upang lisanin ang kanyang home network.

“Pero ngayon, hindi ko lang kaya. Happy ako, e. Happy ako kung nasaan ako ngayon. Hindi ko nakikita yung need bakit.”

THANKFUL FOR ABS-CBN PROJECTS

Mabilis na nilinaw ni Angelica na walang problema sa kanya kung may mga kaibigan siya na kapwa Kapamilya talents na tumanggap ng projects sa ibang network.

Katwiran niya, hindi pare-pareho ang pangangailangang pinansiyal ng mga artista.

“I have nothing against naman sa mga kaibigan ko din na gustong magtrabaho sa ibang network.

Continue reading below ↓

“May mga pangangailangan tayo, e.

“May mga kaibigan tayo sa industriya na talagang kailangang-kailangan, so, dun sila, di ba?”

Labis ang pasasalamat ni Angelica na, sa kabila nang hindi na pag-ere sa free TV ng ABS-CBN, hindi siya nawawalan ng projects sa kanyang home network.

“Ako naman, I’m very thankful na hanggang ngayon may trabahong ibinibigay sa akin yung ABS-CBN.”

Sa Ask Angelica, game na sasagutin ng aktres ang mga tanong ng online audience, at kung kinakailangan ay papayuhan niya ang mga ito.

Bukod sa Ask Angelica tuwing Biyernes, ginagawa ngayon ni Angelica ang Kapamilya teleseryeng Walang Hanggang Paalam.

Kasama ni Angelica sa serye sina Paulo Avelino, Arci Muñoz, at Zanjoe Marudo.

Ang Ask Angelica at Walang Hanggang Paalam ay mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

KAPAMILYA SINCE 1995

Biro pa ni Angelica, ikokonsidera raw siguro niya ang paglipat sa ibang network kung “wala na kaming makain pamilya.”

Sabi ni Angelica: “Dito na muna ako. Siguro pag walang-wala na talaga, wala na kaming makain pamilya, ‘tsaka ako lilipat.

“Pero hangga’t meron, okey pa naman ako,” natatawang sabi ni Angelica.

Taong 1995 nang unang mapanood sa telebisyon si Angelica sa Ang TV, ang ABS-CBN youth-oriented comedy variety show. Nine years old lang siya noon.

Nagbida si Angelica sa mga teleseryeng Mangarap Ka (2004), Vietnam Rose (2005), Rubi (2010), Apoy sa Dagat (2013), Pangako Sa ‘Yo remake (2015), at Playhouse (2019).

Para sa Star Cinema—ang film production outfit ng ABS-CBN—ginawa ni Angelica ang mga pelikulang A Love Story (2007), I Love You, Goodbye (2009), One More Try (2012), The Unmarried Wife (2016), at Ang Dalawang Mrs. Reyes (2018).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban on fellow Kapamilya talents making the transfer to other networks: “I have nothing against naman sa mga kaibigan ko din na gustong magtrabaho sa ibang network. May mga pangangailangan tayo, e.”
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results