Netizens call out uncouth remarks objectifying Xyriel Manabat

by Nikko Tuazon
Sep 20, 2020
Xyriel Manabat
Former child star Xyriel Manabat is all grown up. She is taking a break from her showbiz career to focus on finishing her college studies. Xyriel hopes to become a civil engineer one day.
PHOTO/S: Xyriel Manabat on Facebook

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mga komentong natanggap ng dating ABS-CBN child star na si Xyriel Manabat sa isang bagong post nito sa social media.

Nitong Sabado, September 19, nag-viral sa social media ang isang OOTD (Outfit Of The Day) post ng 16-year-old na ngayong si Xyriel.

Marami ang natuwa sa dating 100 Days to Heaven star dahil isa na siyang ganap na dalaga, matapos ang ilang taon nitong pamamahinga sa showbiz.

Continue reading below ↓

Umabot sa mahigit 6,600 comments, 30,000 shares, at 50,000 reactions ang post ni Xyriel matapos ang isang araw.

NETIZENS protect XYRIEL

Maraming netizens ang hindi natuwa sa mga malalaswang komentong nag-o-objectify kay Xyriel.

Ipinagtanggol ng mga hindi natuwang netizens ang teen actress sa mga bastos na social media users.

Komento ng isang Facebook user: “Daming lantaran sa comment ahh.. Tas sinisisi niyo pa panunuot ng mga babae kaya nababastos, eh diyan plng maayos na damit nababastos paden. Kapag manyak kayo manyak na talaga kayo wag niyo isisisi sa way ng pananamit ng babae.”

Xyriel Manabat

Continue reading below ↓

Dagdag naman ng Facebook user na ito, “why are you making fun of her? is it because of her outfit? dahil ba yung dibdib nya? I see nothing wrong with her outfit. ang papangit kase ng mindset nyo. please be matured enough.”

Xyriel Manabat

Ikinagalit din ng Facebook account na ito ang pambabastos ng ibang netizens kay Xyriel.

Continue reading below ↓

Komento nito: “It's in her genes kaya ganyan at wala siyang magagawa dyan mga tanga kayo! Sige Kayo pambabastos Di nyo ba Alam maidudulot nyan sa kanya hahahahaha mga t**** kayo bastos MANYAK!! SANA MAY KAPATID KAYONG BABAE NA GANYAN AT GANYAN DIN KUNG BASTUSIN PARA MALAMAN NYO SAKIT INUTIL!”

Xyriel Manabat

Continue reading below ↓

Maging sa Twitter, maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa mga negatibong komento kay Xyriel, lalo’t menor de edad ito.

Tweet ni @ Saddestgirl17: “Mostly comments here are below the belt. Sana gamitin niyo naman utak niyo. Ang tatanda niyo na ambabastos niyo pa rin. Well, what do we expect???”

Continue reading below ↓

Sabi naman ng Twitter user na si @Krishaano: “PROTECT!!! XYRIEL!!! AT!!! ALL!!! COST!!! MAAWA!!! KAYO!!! SA!!! BATA!!! MGA!!! WALANG!!! UTAK!!!”

Respeto naman ang hinihingi ni @ilypauwie. Sulat nito: “MGA BOBO NAG COCOMMENT.ALAM NYO PO BA YUNG RESPETO???”

Continue reading below ↓

XYRIEL IS PURSUING A DREAM

Halos tatlong taon na ring hindi tumatanggap ng project si Xyriel upang mag-focus sa kanyang pag-aaral.

Ang huling drama project nito ay ang Wildflower na umere noong 2017.

Nitong nakaraang June nakapagtapos si Xyriel ng high school.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xyriel, sinabi nitong ipagpapatuloy muna niya ang pag-aaral hanggang sa matapos nito ang kursong Civil Engineering.

Aniya, "Kahit nate-tempt po ako sa mga inquiries at projects po na ino-offer, I still see myself po prioritizing my studies and my personal life po."

Pahayag pa ni Xyriel, "I always dreamed of building my own house and up till now, my dream kept going. I want to pursue it as I become closer to that dream po."

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child star Xyriel Manabat is all grown up. She is taking a break from her showbiz career to focus on finishing her college studies. Xyriel hopes to become a civil engineer one day.
PHOTO/S: Xyriel Manabat on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results