Gladys Reyes reflects on relationship with husband Christopher Roxas starting when she was only 14

by Rachelle Siazon
Sep 21, 2020
Gladys Reyes on how she and husband Christopher Roxas keep the spark alive after 27 years of being together: "Compliment each other. We also try our best to have 'just the two us' time despite having 4 kids."
PHOTO/S: Gladys Reyes Instagram

"Too good to be true but it happened."

Ganito inilarawan ni Gladys Reyes ang happy ever after nila ng asawang si Christopher Roxas.

Teenagers pa lang sila noong una maging magkasintahan sina Gladys at Christopher.

Nagkakilala sila sa iconic Kapamilya teleserye na Mara Clara, na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys mula August 1992 hangang February 1997.

Sa kanyang Instagram post noong September 17, ibinahagi ni Gladys ang throwback picture noong siya ay 14 years old at si Christopher ay 12 years old pa lang.

Taong 1993 nang maging sila.

Balik-tanaw ni Gladys: "My childhood sweetheart then @christopherroxas, when he was 12 and I was 14 (kumusta naman ang pig tails ko).

"Now, fast forward to 27 years of togetherness.

"Have a stress-free day everyone!!"

BOYFRIEND-GIRLFRIEND YEARS

Sa palitan ng Instagram direct message sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Gladys na ilang buwan siyang niligawan ni Christopher noon.

Continue reading below ↓

Hindi lang masugid kundi galanteng suitor daw si Christopher.

"He courted me in Mara Clara taping. Sobrang galante—giving gifts, feeding everyone! He showed how sincere he was to my family," saad ni Gladys.

Simple lang ang mga paborito niyang kilig moments nila.

Bukod sa magkasama sila sa trabaho noong umpisa ng kanilang relasyon, panay daw ang telebabad nila noon gamit ang landline phone.

Ani Gladys, "Just being together, yun na yung kilig moments."

Pero nang ikapitong taon ng kanilang pagiging mag-boyfriend-girlfriend, nagdesisyon silang maghiwalay na lang muna.

Ano ang dahilan kung bakit sila nag-cool-off nang mahigit isang buwan?

Sagot ni Gladys, "He loves going out with friends, while I was a homebody."

Pakiramdam daw noon ni Gladys ay nababalewala siya ng nobyo.

Pero hindi rin daw natiis ni Christopher si Gladys. Napagtanto raw ng binata noon na hindi niya kayang mawalay nang tuluyan kay Gladys.

"He courted me again," saad ni Gladys.

Continue reading below ↓


Labing-isang taon silang naging magkasintahan bago sila nagpakasal noong January 23, 2004.

Nag-renew sila ng kanilang marriage vows nang ipagdiwang nila ang kanilang "25tth anniversary" noong 2018. Kasama raw sa bilang noong boyfriend pa lang niya si Christopher.

Ano ang sikreto ng kanilang matibay na relasyon?

Continue reading below ↓

Simpleng sagot ni Gladys, "Prayers, patience, and partnership."

Sinisiguro rin nilang iparamdam ang pagmamahal nila sa isa't isa kahit na mayroon na silang apat na anak.

Ani Gladys, "Compliment each other. We also try our best to have 'just the two us' time despite having 4 kids."

CELEBRITY REACTIONS

Maraming kapwa-artista nina Gladys at Christopher ang natuwa na nanatiling matatag ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Sabi ni Camille Prats, "How cuteeeeee!!! How amazing to have met the love of your life early on ate and kuya [hug and heart emojis] goals!!!"

Sagot ni Gladys, "Yes, Cams. Too good to be true but it happened."

Kinilig din sina Zsa Zsa Padilla, Tom Rodriguez, at Ryan Agoncillo na nag-iwan ng heart emojis.


Continue reading below ↓


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on how she and husband Christopher Roxas keep the spark alive after 27 years of being together: "Compliment each other. We also try our best to have 'just the two us' time despite having 4 kids."
PHOTO/S: Gladys Reyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results