Angelica Panganiban congratulates ex-boyfriend Carlo Aquino on being a new dad: "I’m sure masayang-masaya siya."

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2020
Angelica Panganiban (left) is asked about ex-boyfriend Carlo Aquino (right), who recently announced that he is now a father. She congratulates him sincerely. She also says that her biggest discovery during the pandemic is: “Kaya ko mag-isa.”
PHOTO/S: @iamangelicap and @jose_liwanag on Instagram

Nagbigay ng maiksing reaksiyon si Angelica Panganiban tungkol sa announcement ng kanyang ex-boyfriend na si Carlo Aquino na isa na siyang ganap na ama.

Noong September 13, sa unang pagkakataon ay nag-post si Carlo ng larawan ng anak na si Enola Mithi Aquino.

Si Enola Mithi ay anak ng aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

“I’m sure masayang-masaya siya... masayang-masaya sila,” pahayag ni Angelica sa ABS-CBN News noong Linggo, September 20, sa virtual press conference ng kanyang upcoming online show na Ask Angelica.

“And yun naman dapat 'yon, di ba? Importante yung happiness ng mga tao. Good! Congratulations.”

PAST RELATIONSHIP

Sina Carlo at Angelica ay nagsimula sa mundo ng showbiz bilang child stars sa bakuran ng ABS-CBN.

Nagkasama sila sa ilang mga proyekto, at nagkaibigan pagsapit ng kanilang teenage years.

Subalit nauwi ito sa hiwalayan.

Muling nagkatrabaho sina Angelica at Carlo noong late 2018 para sa pelikulang Exes Baggage.

Continue reading below ↓

Napansin ang pagiging sweet ng dating magkasintahan, partikular na sa kanilang TV guestings. Kaya’t umasa ang kanilang loyal fans, ang CarGel, na magkakaroon ng balikan.

Pero naunsyami ito dahil pagsapit ng January 2019, namataan si Carlo na may kasamang babae sa isang bakasyon sa La Union. Si Trina ang babaeng kasama ni Carlo.

Kasunod nito ang pag-unfollow ni Angelica kay Carlo sa social media. Nagsunud-sunod din ang kanyang mga post na tila patama sa aktor.

September 2019 nang kumpirmahin nina Carlo at Trina ang kanilang relasyon, o halos isang taon matapos ang reunion movie nina Carlo at Angelica.

ANGELICA: “KAYA KO MAG-ISA”

Sa digital presscon noong Linggo, kinumusta ang lagay ng puso ni Angelica.

“Tumitibok pa rin. Okay naman siya. Masaya. Masaya,” sagot ng aktres.

Sa episode naman ng ABS-CBN lifestyle online show na I Feel U noong September 19, nagkuwento si Angelica tungkol sa pagkakahilig niya ngayon sa halaman.

Continue reading below ↓

Bukod dito, nag-focus din daw siya sa pag-aalaga sa sarili.

Noong una raw ay ine-enjoy pa niya ang panahong makapagpahinga nang ipatupad ang quaratine.

Subalit kalaunan, naisip daw ni Angelica na ituon ang atensiyon sa mas makabuluhang mga bagay.

“Nagwo-workout naman, nagyo-yoga naman. Siyempre, iniiwasan, kasi pag quarantine, ano pa ba ang gagawin, di ba? Iinom na lang.

“So, yung parang masusukat mo din yung control mo na parang, ‘Tama na, Angge. Okay na siguro, ilang buwan na, ‘no.’

"Nung una kasi nakaka-excite pa, di ba? Uy, walang work.

“Ngayon, parang, ‘Kalma na, girl. Parang matagal-tagal pa ito. Huwag ka na lang din munang uminom.’

“Napagod na din lang ako. Natuto akong mag-control."

Patuloy ni Angelica, “'Tsaka mapapansin mo, kaya mo naman palang mag-isa. Okay ka naman pala. Ikaw magluluto for yourself.

“Nakaka-survive naman, so parang nakikita mo rin naman na, ‘Ayy, okay na ‘ko. Strong na ‘ko kasi…'

"May mga nami-miss ka lang pag nagki-K drama, pero survivor Philippines pa naman po ako.”

Continue reading below ↓

Ito raw ang biggest discovery ni Angelica ngayong pandemya: “Kaya ko mag-isa.”

Hindi kasama ni Angelica sa kanyang bahay ang kanyang pamilya.

MYSTERY GUY LINKED TO ANGELICA last march

Matapos ang naunsiyaming muling pagkaka-link nila ni Carlo, iniugnay si Angelica sa isang mystery guy noong Marso.

Ipinost ni Angelica sa Instagram ang kanyang larawan kasama ang isang lalaki, habang parehong nakatalikod.

Nakatanaw si Angelica at ang mystery guy sa baba, habang nasa taas sila ng Burj Khalifa, isang skyscraper sa Dubai, United Arab Emirates.

Nasa Dubai noon si Angelica para sa shooting ng pelikula nila ni Coco Martin.

Continue reading below ↓

Umani ng panunukso mula sa mga kapwa artista si Angelica.

Inusisa rin siya ng netizens tungkol sa katauhan ng lalaki.

Gayunpaman, walang sinagot si Angelica.

Wala nang sumunod na development tungkol sa post na iyon ng aktres.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (left) is asked about ex-boyfriend Carlo Aquino (right), who recently announced that he is now a father. She congratulates him sincerely. She also says that her biggest discovery during the pandemic is: “Kaya ko mag-isa.”
PHOTO/S: @iamangelicap and @jose_liwanag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results