Gerald Anderson mocks rumor he got Julia Barretto pregnant

by Rachelle Siazon
Sep 21, 2020
Gerald Anderson (left) posts sarcastic message on Instagram Story several hours after a former broadcaster claimed that the A Soldier's Heart star got Julia Barretto (right) pregnant during the ongoing enforced quarantine in Luzon.
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @juliabarretto Instagram

Hindi napigilan ni Gerald Anderson sumagot nang patuya sa pang-iintrigang nabuntis niya si Julia Barretto.

Kaugnay ito ng pasabog na tsismis ng dating sikat na broadcaster na si Jay Sonza.

Nitong Lunes ng umaga, Setyembre 21, nagpakawala si Jay ng alegasyong "may nabuo sa sinapupunan ni Julia" nitong kasagsagan ng enforced quarantine sa Luzon.

At ang itinuturong ama umano ng ipinagbubuntis umano ni Julia ay si Gerald.

Ayon pa kay Jay, "nagbunga" raw ang "pagmamahalan" ng dalawa.

Nagbitiw rin si Jay sa kanyang Facebook account ng iba pang mapaglarong salita kaugnay ng isyu.

Makalipas ang labing-isang oras, sinagot ni Gerald ang isyu sa pamamagitan ng isang cryptic post sa Instagram Story.

Tila sarkastikong pahayag ni Gerald sa bali-balitang magiging ama na siya: "Congratulations to me."

Kalakip nito ang fist bump, smiley, at praying emojis.

Continue reading below ↓

Pasimple ang pananabla ni Gerald sa maling impormasyong ipinakalat ni Jay.

Hindi man niya direktang tinukoy ang alegasyon ni Jay, mahihinuhang may kinalaman ito roon, lalo pa't ilang oras nag-trend si Julia sa Twitter ngayong Lunes, Setyembre 21.

Gaya ni Julia, tila walang importansiyang binibigay si Gerald sa broadcaster. Hindi lang dahil sa ni hindi nila binabanggit ang pangalan nito, mukhang wala rin silang balak humingi ng apology dito o dalhin ito sa korte.

Sa showbiz, ang tawag dito ay dedma.

SIGHTING IN ZAMBALES?

Sa kabilang banda, hindi kailang patuloy na nauugnay sina Gerald at Julia sa isa't isa.

Pareho silang mga artista ng Star Magic, ang talent-management division ng ABS-CBN.

Mula Hulyo hanggang nitong Setyembre, usap-usapan ng mga masugid na fans ng dalawa kung ipinasyal nga ba ni Gerald si Julia sa resort ng binata sa Zambales.

Kapansin-pansin daw kasi ang pagiging malapit ni Julia sa mga kilalang kabarkada ni Gerald.

Continue reading below ↓

Umigting ang kanilang hinala nang makita ang bamboo furniture na kinauupuan ni Julia sa interbyu sa kanya sa Kapamilya Online shows na I Can Feel You at Jeepney TV noong buwan ng Agosto.

Sinasabing kaparehong-kapareho iyon ng bamboo furniture na matatagpuan sa beachfront property ni Gerald sa Zambales.

Nito namang unang linggo ng Setyembre, isang netizen ang nagpadala sa PEP.ph ng short video clip na kuha ng personal assistant ni Gerald na si Jalal Laidan.

Makikita sa di kalayuan ang isang long-haired girl na hinihinalang si Julia, at isang naka-topless na lalaking hinihinalang si Gerald.

Nakapuwesto ang dalawa sa labas ng glass house ni Gerald sa Zambales.

GERALD no direct answer about real score with julia

Pero tahimik lang sina Gerald at Julia sa isyung may espesyal na ugnayan sa pagitan nila.

Noong August 11, direktang tinanong si Gerald sa isang presscon kung totoong nobya niya si Julia.

Pa-safe na umiwas si Gerald, at ang sinabi lang ay nais niyang manatiling pribado ang kanyang personal na buhay.

Continue reading below ↓

Sa pagkakaalam ng publiko, ang huling nakarelasyon ni Gerald ay si Bea Alonzo. Halos tatlong taon silang naging magkasintahan hanggang sa natuldukan iyon noong Hulyo 2019.

Si Julia ay dalawang taong nakarelasyon ang love team partner na si Joshua Garcia.

Base sa timeline ni Julia, naghiwalay sila ni Joshua bandang April 2019.

Nasangkot si Julia sa hiwalayang Gerald at Bea noon.

Pero mariing itinanggi ni Gerald na may kinalaman si Julia sa breakup nila ni Bea.

Sinegundahan ito ni Julia, na nanindigang hindi siya third party at wala siyang inagaw na nobyo ng iba.

Maaari namang nagkamabutihan sina Gerald at Julia nang pareho na silang single.

Bago naugnay sina Gerald at Julia ay nagkatambal sila sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson (left) posts sarcastic message on Instagram Story several hours after a former broadcaster claimed that the A Soldier's Heart star got Julia Barretto (right) pregnant during the ongoing enforced quarantine in Luzon.
PHOTO/S: @andersongeraldjr / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results