Markus Paterson declares love for Janella Salvador: "I couldn't live without her."

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2020
Markus Paterson (right) on girlfriend Janella Salvador (left): “There is no one or thing that could make me look at another woman the way that I look at her.Like, it’s not even fair to my family how much I’m in love with this woman. Because I would put her above anything else."
PHOTO/S: @superjanella, @markus on Instagram / YouTube (center)

Ipinagsigawan ni Markus Paterson, 22, ang pagmamahal niya sa kasintahang si Janella Salvador, 22.

“I’ve never been in love the way I am. I’ve never felt the love that she makes me feel,” deklara ng Filipino-British actor sa YouTube video ng kapwa Star Magic talent na si Kyle Echarri.

In-upload ang video nitong Lunes, September 21.

Sabi rin ni Markus, ang kanyang pagmamahal kay Janella ay higit pa sa pagmamahal sa sarili niyang pamilya.

“There is no one or thing that could make me look at another woman the way that I look at her.

"Like, it’s not even fair to my family how much I’m in love with this woman. Because I would put her above anything else.”

Tinawag niya si Janella na "love of my life."

Tila kulang pa ang salita para ilarawan ni Markus ang pagtatangi niya kay Janella.

“I don’t even know. It’s hard to explain when you feel this way. And to the vague question why I’m still with her, it’s because I couldn’t live without her. That’s as simple as it is.”

Continue reading below ↓

Inamin din ni Markus na isang taon at walong buwan na silang magkarelasyon ni Janella.

Bagamat inihayag ni Markus kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay Janella, hindi tinalakay sa video ang pagbubuntis ng Kapamilya actress.

Noong nakaraang linggo ay kinumpirma ng isang source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Janella at nakatakda nang magsilang sa Oktubre.

Kasalukuyang nasa United Kingdom sina Markus at Janella habang hinihintay ang pagsilang ng kanilang anak.

MARKUS ON FINALLY CONFIRMING RELATIONSHIP WITH JANELLA

Sa pag-uusap nila ni Kyle, nausisa rin si Markus tungkol sa pag-amin nila ni Janella noong September 12 ng kanilang relasyon.

Kinumpirma ito ng dalawa sa pamamagitan ng Instagram posts, na ilang oras lamang ang pagitan.

Paliwanag ni Markus tungkol sa pag-amin nila, “'Cause for some reason, we were getting a huge surge of bashing on Twitter and Instagram.”

Ayon kay Markus, ang matinding batikos na natanggap nila ay mula sa avid fans ng love team na Janella Salvador - Joshua Garcia.

Continue reading below ↓

Nagtambal sina Janella at Joshua sa ABS-CBN primetime series na The Killer Bride noong 2019.

Ginawa pang halimbawa ni Markus ang hit American sitcom na Friends (1994-2004), kung saan patok ang tambalan nina Jennifer Aniston at David Schwimmer. Pero hindi naman naging sina Jennifer at David sa tunay na buhay.

Ani Markus, “It’s not like I watch Friends from thirty five years ago and I hope Jennifer Aniston ended up with David Schwimmer, like, no.

“I don’t tweet horrible racist tweets at Jennifer Aniston’s husband and kids. I don’t do that because that’s not humane.”

Paglilinaw ni Markus, mahal niya si Joshua, na isa ring Star Magic talent, at nauunawaan niya ang love team ng aktor kay Janella.

Ito nga raw ang dahilan kaya inabot ng isang taon at walong buwan bago aminin nina Markus at Janella ang kanilang relasyon.

Hindi rin daw siya batang paslit para hindi maintindihan na kailangang magtagumpay ang isang love team.

Continue reading below ↓

“As much as work goes, like, I love Josh [Joshua]. Josh is a great guy, good actor, and him and Janella has this insane chemistry.

“And I understand that and I appreciate. I love to see them onscreen because, hey, guess what, I’m not a two-year-old [kid].

"They’re professionals, their brilliant actors and actresses, they’re working.”

Pero ang kailangan daw maunawaan ng fans ay hindi porke’t onscreen partners ay dapat magkatuluyan din sa totoong buhay.

Katwiran ni Markus, “What the Philippine public has to understand, actors are human too. It’s their choice if they want to take the love team to the next level. That’s their choice.

“It’s never to please you guys. It’s for you guys, yes, but to every request that you have...”

Hindi rin daw fans ang magdidikta kung sino ang bagay at hindi bagay sa kanilang iniidolo.

“That’s why me and Janella will never work together. We will never work together because we don’t look [good] together on screen.

Continue reading below ↓

“But she’s the love of my life and I will never lose her to fans’ choice.”

Paglilinaw ni Markus, suportado niya ang paglalabas ng opinyon sa social media, pero hindi ang pambabastos ng kapwa.

“Everybody is entitled to their own opinion, which is great. I’m all for voicing it.

“But saying things that are to hurt or intend to ruin somebody’s day, that shouldn’t be normalized. Bashing shouldn’t be normalized.”

Ayon pa kay Markus, bago pa man nabuo ang tambalan nina Janella at Joshua ay magkarelasyon na sila ni Janella.

Pero hindi raw siya nagsalita tungkol sa kanilang relasyon dahil nauunawaan niya ang career ni Janella, at nais niyang magtagumpay ang team-up nito sa kanyang leading man.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson (right) on girlfriend Janella Salvador (left): “There is no one or thing that could make me look at another woman the way that I look at her.Like, it’s not even fair to my family how much I’m in love with this woman. Because I would put her above anything else."
PHOTO/S: @superjanella, @markus on Instagram / YouTube (center)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results