Alex Gonzaga urged by netizen to give back like Lloyd Cafe Cadena 

by Rachelle Siazon
Sep 22, 2020
Alex Gonzaga is told by a netizen to spend her Youtube earnings like the late Youtuber Lloyd Cafe Cadena did—for children studying. Alex says she does have her own scholarships for children.
PHOTO/S: Lloyd Cafe Cadena Youtube

Isang netizen ang nagbigay payo kay Alex Gonzaga na gayahin ng TV host-vlogger ang pagkakawanggawa ng yumaong vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Si Lloyd ang Youtuber na pumanaw sa edad na 26 noong September 4.

Makalipas ang ilang araw, noong September 7, kinumpirma ng pamilya ni Lloyd na nagpositibo siya sa COVID-19.

Binawian siya ng buhay matapos atakihin sa puso habang natutulog.

Isa sa mga hinangaan kay Lloyd ay ang pamimigay nito ng school supplies sa mga nangangailangang mag-aaral.

Noon lamang August 21 ay nailabas pa ni Lloyd ang vlog ng pag-house-to-house niya para mamigay ng libreng tablet sa piling mga mag-aaral para sa kanilang online classes.

Tila ito ang pinanggalingan ng hirit ng netizen kay Alex.

Sabi ng netizen (published as is): "Hope you don't mind how I wish you do what the late vlogger Lyod Cadena Cafe has been doing.....

"Like imagine spending so much for school supplies of school children. Giving stuffs to squatters.

Continue reading below ↓

"Yung may katuturan naman ang kinikita nyo na mula din sa tao. Yung para kang may legacy.

"People like to watch your vlogs...... Give back also to them."

Dito, sinabi ni Alex na may sarili siyang paraan ng pagtulong sa mga estudyanteng nais makapag-aral.

Hindi lang daw niya maibahagi sa kanyang vlogs.

Paliwanag ni Alex (published as is): "hello, we have a foundation po we have scholars we are supporting until college...

"as much as we wanted to show it bawal po kasi pakita ang mga mukha ng bata..

"we help to bring back the glory to God. Thank you po for your suggestion."


Continue reading below ↓

ALEX'S COLLAB WITH LLOYD IN 2018

Isa si Alex sa mga showbiz personalities na nakidalamhati sa pagpanaw ni Lloyd kamakailan.

Nag-guest si Alex at nakatatanda niyang kapatid na si Toni sa vlog ni Lloyd noong November 2018.

Patok ang kuwelang kulitan at palitan ng words of wisdom ng tatlo base sa mahigit anim na milyong views ng vlog na iyon.

May isang punto pa sa vlog na pinuri ni Alex si Lloyd dahil napapanood daw ng dalaga ang pagkakawanggawa ng non-celebrity Youtuber.

Paglalarawan noon ni Alex kay Lloyd, "Very genuine ka as a person. Tsaka, hoy, pinanonood ko, nagbibigay ka sa mga bata! Nagbibigay siya, meron siyang charity."

Dagdag ni Toni, "Kaya tignan mo naman binibigay sa iyo ni God."

L-R: Laugh trip ang Q&A nina Toni, Alex, at Lloyd.

Continue reading below ↓

SADDENED BY LLOYD'S SUDDEN DEATH

Naalala iyon ni Alex nang pumanaw si Lloyd.

Tweet ni Alex: "Sa saglit natin pagsasama sa vlog I witnessed how your mere presence can bring joy and sunshine sa mga tao na nakapaligid sayo.

"Marami kami nagmamahal at napasaya mo @LloydCadena."

Ilan pang mga artistang nagbigay-pugay kay Lloyd ay sina Maine Mendoza, Vice Ganda, at Kim Chiu.

Pati ang American singer na si Mariah Carey, na nalamang isa sa kanyang biggest fans ay si Lloyd, nakiramay sa pagkamatay ng 26-year-old Pinoy YouTuber.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga is told by a netizen to spend her Youtube earnings like the late Youtuber Lloyd Cafe Cadena did—for children studying. Alex says she does have her own scholarships for children.
PHOTO/S: Lloyd Cafe Cadena Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results