Julia Barretto’s family rallies behind her amid pregnancy gossip

by Bernie V. Franco
Sep 22, 2020
Actress Julia Barretto gets solid support from her family amid gossip that she's pregnant. Marjorie Barretto, Julia's mom, says, "We love well, we pray hard, and we are definitely stronger together.” (Right photo, L-R: Julia, mother Marjorie, and sisters Dani and Claudia).
PHOTO/S: @juliabarretto and @marjbarretto on Instagram

Solido ang suportang nakuha ni Julia Barretto mula sa mga taong nagmamahal sa kanya sa gitna ng kumalat na tsismis na buntis siya.

FAKE NEWS” ang tanging caption ni Julia sa ipinost niyang larawan sa Instagram kahapon, September 21.

Ito ang reaksiyon ng 23-year-old actress sa tsismis na ipinakalat ng dating broadcaster na si Jay Sonza na “may nabuo" raw sa "sinapupunan" ni Julia.

Ayon pa kay Sonza, ang napapabalitang boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson ang ama ng dinadala ng aktres.

May halo namang pangungutya ang reaksiyon ni Gerald na idinaan nito sa Instagram Story: “Congratulations to me”

BARRETTO FAMILY: "we're stronger together."

Isa-isang nag-post sa social media ang kapamilya ni Julia para magpakita ng suporta sa Kapamilya star.

Kabilang dito ang ina niyang si Marjorie Barretto, at mga kapatid na sina Dani, Claudia, at Leon.

Ngayong Martes, September 22, nag-post si Marjorie ng kanilang family picture.

Kasama niya rito ang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, Erich, at Dani. Kasama rin sa larawan ang mister ni Dani na si Xavi Panlilio.

Continue reading below ↓

Sina Julia, Claudia, at Leon ay anak ni Marjorie sa dating asawang si Dennis Padilla. Si Dani ay anak niya sa dating boyfriend na si Kier Legaspi, at si Erich ay anak niya kay former Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Caption ni Marjorie sa kanilang family picture: “My family [heart emoji] We love well, we pray hard, and we are definitely stronger together.”

Nagpasalamat din si Marjorie sa netizens na nagbigay ng words of encouragement sa kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Ni-repost naman nina Dani at Claudia sa kani-kanilang Instagram Story ang post ni Julia na naglalaman ng “FAKE NEWS” caption.

Nilapatan ito ni Dani ng mga katagang “yass queen,” bilang pagtsi-cheer kay Julia.

Ipinost din ni Dani sa kanyang Instagram account ang larawan nila ni Julia kung saan may hawak silang inumin.

Continue reading below ↓

Tanging caption ni Dani, “And that’s the TEA!”

Ang expression na “T” sa English ay katumbas ng “truth.” Tila ang tinutukoy ni Dani na totoo ang post ni Julia na hindi siya buntis.

Nag-post din sa Instagram Story ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Julia na si Leon.

Ayon sa binatilyo, ang mga pagsubok na ibinibigay sa kanila ay paalala sa kanilang pamilya na maging matibay.

Continue reading below ↓

Caption ni Leon: “I believe God gives us these challenges to remind us that we are stronger together and we can overcome it everytime if we just remain connected.

“Love you guys so much.”

Samantala, itinanggi rin ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN, ang isyung buntis ang aktres.

Continue reading below ↓

“Definitely it’s not true,” sagot ng Star Magic sa ABS-CBN News hinggil sa isyu.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Julia Barretto gets solid support from her family amid gossip that she's pregnant. Marjorie Barretto, Julia's mom, says, "We love well, we pray hard, and we are definitely stronger together.” (Right photo, L-R: Julia, mother Marjorie, and sisters Dani and Claudia).
PHOTO/S: @juliabarretto and @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results