Carlo Aquino, Young JV take a swipe at fake news peddlers, haters of Gerald Anderson

by Jet Hitosis
Sep 22, 2020
Kapamilya actors Gerald Anderson (center) and Carlo Aquino (left) became good friends while doing the ABS-CBN series A Soldier's Heart, while singer Young JV (right) is Gerald's best friend.
PHOTO/S: @jose_liwanag, @andersongeraldjr, @iamyoungjv on Instagram

Nagparunggit ang malalapit na kaibigan ni Gerald Anderson na sina Carlo Aquino at Young JV laban sa “haters” at sa mga nagkakalat ng fake news.

Kasunod ito ng lumutang na tsismis nitong Lunes, September 21, na nabuntis daw ni Gerald, 31, ang young actress na si Julia Barretto, 23.

Sa Facebook post ng dating broadcaster na si Jay Sonza, 65, nagmula ang isyu.

Sinabi ni Jay na “may nabuo sa sinapupunan ni Julia” makalipas ang ilang buwang “love lockdown.”

Diretsahan nitong pinangalanan si Gerald na siyang nakabuntis kay Julia.

Kaagad itong itinanggi ni Julia at ng Star Magic, ang talent-management arm na kinabibilangan ng aktres.

Pinabulaanan din ito ng ina ni Julia, ang dating aktres na si Marjorie Barretto.

Sa Instagram post ni Julia, tinawag niyang “FAKE NEWS” ang isyung nagdadalantao siya.

Continue reading below ↓

Si Gerald naman, may bahid ng panunuya ang ipinost na “Congratulations to me” sa Instagram Stories.

CARLO, YOUNG JV RALLY BEHIND GERALD

Kasunod ng post na ito ni Gerald, nagpahayag ng suporta para sa aktor sina Carlo, 35, at Young JV, 30.

Naging malapit na kaibigan ni Carlo si Gerald nang ginagawa nila ang katatapos lang na Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart.

Best friend naman ni Gerald ang singer na si Young JV.

Mababasa sa Instagram Story ni Carlo nitong Lunes ng gabi: “Ang dami pang mas mahalagang puwede gawin kaysa magkalat ng fake news.”

Continue reading below ↓

Malinaw na si Sonza ang pinarurunggitan ni Carlo.

Si Young JV, tinag si Gerald sa kanyang Instagram Story entry.

Post ni Young JV para kay Gerald: “Congrats ah HATERS HATE HARDER.” Kalakip nito ang crying laughing at man facepalming emojis.

May isa pang post si Young JV, kung saan nakasulat sa capital letters ang “FAKE NEWS.”

Continue reading below ↓

Ini-repost naman ni Gerald sa Instagram Stories ang mensahe sa kanya ng matalik na kaibigan tungkol sa haters.

Continue reading below ↓

SONZA TAKES BACK HIS “MASAYANG PAGBATI”

Ngayong Martes, September 22, inamin ni Jay sa panibago niyang Facebook post na walang katotohanan ang sinabi niya tungkol sa pagbubuntis ni Julia.

Matapos itanggi nina Julia at Marjorie ang tsismis, “binabawi” na raw ni Jay ang kanyang “masayang pagbati” para kina Gerald at Julia.

“Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations,” may angas na saad sa post ni Jay.

Dagdag pa ng dating broadcast journalist: “Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila.”

Dahil may katarayan ang mga binigkas, tinitignang hindi apology ito.

WHAT’S THE REAL SCORE BETWEEN JULIA AND GERALD?

Simula nang madawit si Julia sa kontrobersiyal na hiwalayan ni Gerald sa aktres na si Bea Alonzo noong July 2019, hindi na tinantanan ng intriga sina Gerald at Julia.

Kahit pa kapwa itinanggi nina Gerald at Julia na ang young actress ang third party sa hiwalayan, hanggang ngayon ay pilit silang iniuugnay ng fans sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Nito lang unang bahagi ng September ay napaulat na ilang araw raw nanatili si Julia sa beachfront property ni Gerald sa Zambales.

Parehong walang reaksiyon sina Gerald at Julia sa balitang ito.

Nitong August 11, sa virtual press conference ni Gerald para sa digital special na Love Unlock, diretsahang tinanong ang aktor kung may romantic relationship sila ni Julia.

Paiwas ang sagot ni Gerald: “Ayoko na rin pag-usapan ang isang taong wala naman din dito. Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon.

“Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo diyan...” sabi ni Gerald.

March 10, 2020, sa kanyang 23rd birthday, ibinunyag ni Julia na mayroon na siyang “loved one.”

Continue reading below ↓

Pero walang balak ang young actress na pangalanan ang taong nagpapasaya sa kanya sa ngayon.

Nagkatrabaho sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong May 2019.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actors Gerald Anderson (center) and Carlo Aquino (left) became good friends while doing the ABS-CBN series A Soldier's Heart, while singer Young JV (right) is Gerald's best friend.
PHOTO/S: @jose_liwanag, @andersongeraldjr, @iamyoungjv on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results