Janella Salvador, Markus Paterson relationship: A timeline

by Rachelle Siazon
Sep 23, 2020
INSEPARABLE! Janella Salvador and Markus Paterson's trips abroad and presence in family gatherings indicate what they really mean to each other way before they confirmed their relationship.
PHOTO/S: @superjanella / @markus Instagram

Mainit pa ring pinag-uusapan ang balitang buntis si Janella Salvador at ang ama ay ang boyfriend niyang si Markus Paterson.

Base ito sa scoop ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naiulat nito lamang September 16, 2020.

Apat na araw bago ito, kakaamin lang nina Janella at Markus na magkarelasyon sila, sa pamamagitan ng public display of affection nila sa social media.

Pero umabot man ng isang taon at walong buwan bago nila ito naisapubliko, hindi nakaligtas sa kanilang mapanuring fans na matagal na silang may pagtatangi sa isa't isa.

Si Janella, 22, ay homegrown talent ng ABS-CBN at nagsimulang sumikat sa daytime teleseryeng Be Careful With My Heart (2012-2014).

Huli siyang napanood sa teleseryeng The Killer Bride (2019-2020).

Anak siya ni Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.

Si Markus, 22, ay ipinanganak at lumaki sa United Kingdom.

Ang kanyang amang si Trevor Paterson ay dating British Air Force pilot, habang ang kanyang ina na si Norma ay isang Filipino na tubong Pangasinan.

Continue reading below ↓

Umuwi si Markus ng Pilipinas, at sumali sa reality-singing competition na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

Narito ang timeline ng sweet moments nina Janella at Markus:

APRIL 2019: JANELLA COZY WITH MARKUS'S FAMILY

Unang napansin ang pagiging malapit nina Janella at Markus nang makita silang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City.

Kasama rin nila ang mga magulang ni Markus.

Nakunan sila ng video ng isa ring diner na nasa di kalayuang table.

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens, na nagbahagi ng video sa social media, at saka tinag ang PEP.ph sa Twitter noong April 15, 2019.

Continue reading below ↓

APRIL 2019: BEACH TRIP TOGETHER?

Makalipas ang higit isang linggo, noong Holy Week break, naghinala ang netizens na magkasama ang dalawang nagbakasyon sa isang beach resort.

Pareho kasi ang background ng ipinost nilang solo picture sa kani-kanilang Instagram account.

Tila sakay sila ng isang boat na may metal rail, at prominente ito sa kani-kanilang litrato.

Continue reading below ↓

MAY 2019: BONDING WITH FRIENDS

Muling namataang magkasama sina Janella at Marcus noong May 2019.

Base ito sa ibinahaging Instagram Story ni Denise Ochoa, ang celebrity makeup artist na asawa ng aktor na si Dominic Ochoa.

Nakasaad na location ay Parañaque.

Nakatrabaho ni Janella si Dominic sa defunct ABS-CBN series na Oh My G! at pelikulang The Haunted Mansion noong 2015.

Continue reading below ↓

MAY & JUNE 2019: JAPAN TRIP

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens nang magbakasyon sa Japan sina Janella at Markus.

Base ito sa hiwalay nilang Instagram posts noong May 30, 2019—na ang tagged location ay Osaka, Japan.

Sa Instagram post ni Marcus noong June 3, may kuha siyang nakaupo sa sahig habang sakay ng bullet train.

Continue reading below ↓

Maaaninag sa reflection ng glass window na ang kumukuha ng litrato ay isang babaeng hawig ni Janella.

May kumalat ding litrato kunsaan hindi kita ang mukha ng taong nakaakbay kay Janella.

Pero mapapansing ang outfit ng taong nakaakbay kay Janella ay kapareho ng brown jacket ni Markus na kanyang suot sa picture niya sa Osaka.

Continue reading below ↓

"I love this girl so much," saad sa caption ng post, na tila galing sa Instagram Story ni Markus.

JULY & AUGUST 2019: "WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET"

Nang sumunod na buwan, noong July 2019, direktang tinanong uli ng PEP.ph si Janella kung ano ang real score sa pagitan nila ni Marcus.

Malaman ang sagot ni Janella.

"Well, ang masasabi ko lang, what you see is what you get," nakangiting saad niya.

Tumanggi siyang magbigay ng iba pang detalye dahil "based on my experience, I don’t wanna speak about my personal [life] na."

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong August 2019, nagmaang-maangan si Markus nang tanungin kung magkasama ba sila ni Janella sa Japan noong June.

"I have no idea," sabi lang ng binata.

Nagdiwang si Markus ng kanyang 21st birthday sa Japan, at "best friend" daw ang kasama niya.

Pero gaya rin ng mga salitang binitiwan ni Janella, nagpahiwatig si Markus na "what you see is what you get" sa kanila ng aktres.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Markus, nais niyang protektahan ang kung anumang mayroon sila ni Janella.

Hindi raw mahalaga na lagyan ng "label" ang unawaan nilang dalawa.

SEPTEMBER 2019: SIGHTING IN PANGASINAN

Habang lumilipas ang mga buwan ay unti-unting lumilinaw na may espesyal na ugnayan ang dalawa.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil isinama ni Markus si Janella sa ancestral home ng pamilya ng aktor sa San Manuel, Pangasinan.

Dito ginanap ang salu-salo para sa ika-60 kaarawan ng ina ni Markus na si Norma Paterson noong September 7, 2019.

Bilang bahagi ng birthday party, may ginanap ding program sa gym ng Sto. Domingo National High School.

Continue reading below ↓

Kaya may mga netizens na nakapagpa-picture kina Markus at Janella—na bida ng noo'y ongoing primetime series na The Killer Bride.

Makalipas ang ilang linggo, noong September 29, ang ama naman ni Janella na si Juan Miguel Salvador ang nagdiwang ng ika-56 na kaarawan.

Isinama ni Janella si Markus, at may kuha pa sila kunsaan yakap sila ni Juan Miguel.


Continue reading below ↓

OCTOBER 2019: MARKUS ON JOSHNELLA LOVE TEAM

Iwas pa rin si Markus na kumpirmahing sila na ni Janella, pero hindi niya napigilang magdetalye tungkol sa unawaan nila ng dalaga.

Inamin niyang pinagselosan niya si Joshua Garcia, ang love team partner ni Janella sa The Killer Bride.

Pero napag-isip-isip din daw ni Markus na natural lang na may "chemistry" sina Janella at Joshua dahil parehong magaling na artista ang mga ito.


Continue reading below ↓

Inihayag ito ni Markus nang mag-guest siya sa defunct ABS-CBN late night talk show na Tonight With Boy Abunda, noong October 2019.

Mahihinuha rin sa mga salita ni Markus na ayaw niyang maapektuhan ang tambalan nina Joshua at Janella, na kilala sa uniname na JoshNella.

Ani Markus, "Right now, it’s just not the right time for anything.

"She’s very successful with the show and that should keep going."

Continue reading below ↓

NOVEMBER 2019: EVASIVE JANELLA

Consistent si Janella sa pagiging low-key pagdating sa lihim na relasyon nila ni Markus.

Noong November 14, 2019, sinubukan ng PEP.ph na alamin kung si Markus na ba ang "perfect guy" para sa kanya.

Pero iwas pa rin ang dalaga.

"Wala pa naman akong sinabing he's won my heart," napangiting sabi lang niya.

Lumalabas na supportive si Markus sa showbiz career ni Janella, lalo pa't namataan ang binata sa premiere night ng The Heiress noong November 26, 2019.

Sina Janella at Maricel Soriano ang bumida sa horror film na iprinodyus ng Regal Entertainment.

Continue reading below ↓

DECEMBER 2019 & JANUARY 2020: VACATION IN ENGLAND

Halatang mas lumalalim ang ugnayan nina Janella at Markus nang magkasama silang nagbakasyon sa United Kingdom.

Sabay nilang sinalubong doon ang Bagong Taon.

December 31, 2019 nang i-post ni Janella ang litrato niyang namamasyal sa The Roman Baths, isang sikat na tourist destination sa Bath, Somerset, England.

Continue reading below ↓

Aminadong nag-enjoy si Janella sa kanyang bakasyon sa England, base sa sumunod niyang post noong January 2, 2020.

Caption niya, "Here’s a big big smile to welcome the new year – even if deep inside i’m really crying because i have to leave such a lovely place."

Naka-tag na location niya ay Chippenham, Wiltshire, England.

Naroon din si Markus sa Wiltshire, base sa tagged location sa Instagram post nito noong January 1, 2020.

Hindi lang talaga nagbahagi ng litrato na magkasama ang dalawa.


Continue reading below ↓

JUne to AUGUST 2020: PREGNANCY RUMORS

Makalipas ang limang buwan, noong June 2020, nagsimulang maging tampok ng espekulasyon ang diumano'y pagdadalantao ni Janella.

Usap-usapan sa Twitter ng mga masugid na sumusubaybay kay Janella ang tungkol dito.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin daw na kahit may mangilang-ngilang litrato si Janella sa Instagram ay tila itinatago raw ng dalaga ang tiyan nito.

Noong buwan ng Agosto, ipinunto ng netizen na nagsuot pa raw ng maluwag na white dress si Janella kunsaan hindi mahahalata kung mayroon man itong baby bump.

Giit ng netizen, "Buntis po talaga si janella salvador at pag tatakpan po ng management nila yun, pasalamat dahil lockdown."

Continue reading below ↓

Pero noon ay wala pang tuwirang kumpirmasyon mula sa reliable sources.

SEPTEMBER 12, 2020: OFFICIALLY IN A RELATIONSHIP

Hanggang sa wakas ay isinapubliko nina Janella at Markus na magkasintahan nga sila.

Noong September 12, 2020, ipinost ni Janella sa Instagram ang throwback photo nila ni Markus sa sikat na landmark billboard sa Dotonbori, Osaka, Japan.

Continue reading below ↓

Mahigpit ang yakap nila sa isa't isa at halatang masaya sa kanilang bakasyon noon.

Tukoy ni Janella kay Marcus, "The best hugs in the world from the best potato in the world."


Kinumpirma rin ni Markus ang tungkol sa relasyon nila ni Janella sa pamamagitan ng pag-post ng video kunsaan nagpatugtog siya ng love song na "Me & Mrs. Jones" ni Billy Paul.

Continue reading below ↓

Kitang-kita ang pagiging sweet nila habang nag-i-slow dance sa isang living area.

Tinapik pa ni Janella si Markus, na masuyong hinalikan sa labi ang dalaga.

"My world" ang simple pero malamang paglalarawan ni Markus kay Janella sa caption ng video.


SEPTEMBER 16, 2020: PEP REPORTS THAT JANELLA IS PREGNANT

Inulat ng PEP.ph na kinumpirma ng isang reliable source na buntis si Janella, at si Markus ang ama ng kanyang dinadala.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa source, nakatakdang manganak si Janella sa Oktubre.

Sinabi rin ng source na alam na ng piling malalapit na kaibigan ng aktres ang tungkol sa kanyang kalagayan.

Sa kasalukuyan ay nasa United Kingdom si Markus.

Sa kanyang Instagram post noong September 21, ipinakita niya ang litrato na kuha sa garden ng bahay ng kanyang ama sa Melksham, Wiltshire, England.

Napagtagni-tagni na kasama ni Markus sa England si Janella.

Ito ay dahil sa video clip sa Instagram Story ni Markus higit dalawang linggo ang nakararaan.

Tanging si Markus at ang kanyang ama ang makikitang nagpapahangin sa garden.

Pero dinig ang distinct voice ni Janella, pati na ang masayang halakhak ng isang batang lalaki sa background.

Sabi ni Janella, "I almost jumped and that's not good. I'm not allowed to jump."

Dagdag pa rito ay nasa United Kingdom din ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio.

Noong September 10 ay nag-post si Jenine sakay ng eroplano kasama ang bunsong anak na si Russell.

Continue reading below ↓

Makalipas ang dalawang araw, noong September 12, may Facebook Story si Jenine kunsaan kasama ni Russell si Markus na naglalaro sa kalsada sa isang residential area.

Parehong tikom ang bibig nina Janella at Markus sa isyu.

Ang tanging inamin lang ni Markus ay isang taon at walong buwan na silang magkasintahan ni Janella.

Sinabi ito ni Markus sa vlog ng malapit niyang kaibigang si Kyle Echarri noong September 21.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
INSEPARABLE! Janella Salvador and Markus Paterson's trips abroad and presence in family gatherings indicate what they really mean to each other way before they confirmed their relationship.
PHOTO/S: @superjanella / @markus Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results