Kyle Echarri refuses to comment on Markus Paterson, Janella Salvador having a baby

Sep 23, 2020
Kyle Echarri, Markus Paterson, Janella Salvador
Kapamilya teen actor Kyle Echarri (left) on friends Markus Paterson and Janella Salvador (right) going public with their almost two-year relationship: “I’m so proud of them that they’ve finally posted and showed the world na mahal nila ang isa’t isa.”
PHOTO/S: @kyleecharri, @markus on Instagram

Tumanggi ang Kapamilya teen actor na si Kyle Echarri na magkomento tungkol sa pagbubuntis ni Janella Salvador sa boyfriend ng aktres na si Markus Paterson.

Si Kyle, 17, ay malapit na kaibigan ni Markus, 22.

Pareho silang contract artists ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN Corporation.

Nitong September 12 lang inamin nina Markus at Janella, 22, na isang taon at walong buwan na silang magkasintahan.

Kasunod nito, umugong ang balitang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon dahil buntis ngayon si Janella.

Walang sinuman sa kampo ng magkasintahan ang gustong aminin o itanggi ang balita.

Makalipas ang ilang araw, September 17 nang kinumpirma ng isang source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagdadalantao nga si Janella.

Sa susunod na buwan, October, na raw isisilang ni Janella ang baby nila ng Filipino-British actor.

Ito ang dahilan kaya nasa United Kingdom ngayon ang magkasintahan.

Nasa UK din ngayon ang ina ni Janella, ang stage singer-actress na si Jenine Desiderio, at ang nakababatang kapatid na lalaki ng aktres.

Continue reading below ↓

Sa UK daw kasi manganganak si Janella, kung saan nakabase ang pamilya ni Markus.

Gayunman, at press time ay walang sinuman mula sa kampo nina Janella at Markus ang nagtatanggi o nagkukumpirma sa report ng PEP.ph.

KYLE FULLY SUPPORTS MARKUS & JANELLA

Sa YouTube video ni Kyle nitong Lunes, September 21, ipinakita ang pag-uusap nila ni Markus tungkol kay Janella.

Nagpahayag si Markus ng sobrang pagmamahal para sa young actress, na tinawag niyang “love of my life.”

Sinabi pa ni Markus kay Kyle na hindi niya makakayang mawala si Janella.

Dagdag ni Markus: “I would put her above anything else.”

Sa virtual press conference ni Kyle nitong Martes, September 22, para sa latest single niyang “I’m Serious,” tinanong ang teen singer-actor kung ano ang reaksiyon niya sa pag-amin nina Janella at Markus sa kanilang relasyon.

Ayon kay Kyle, sa simula pa man ng relasyon nina Janella at Markus ay alam na niya ang tungkol dito.

Continue reading below ↓

Matagal na raw inaasam ni Kyle ang pag-amin ng dalawa.

Kaya naman ganoon na lang kasaya ang binatilyo nang magkasunod na nag-post sa Instagram ang mga kaibigan upang isapubliko ang kanilang romantic relationship.

“I have always known that they are in a relationship,” sabi ni Kyle tungkol kina Janella at Markus.

“Suportado po ako sa kanilang dalawa. I love them so much."

“I’VE BEEN WANTING THEM TO SHOW THE WORLD”

September 12 nang i-post ni Markus sa Instagram at Twitter ang video niya kasama si Janella, habang nagso-slow dance sila sa saliw ng "Me and Mrs. Jones."

Nang makita raw ito ni Kyle ay isang salita ang awtomatikong nasambit ng binatilyo: “Finally!”

Continue reading below ↓

“Kasi I’ve been wanting them to show the world talaga, for the longest time.

“I’m so proud of them that they’ve finally posted and showed the world na mahal nila ang isa’t isa.”

Nang araw na iyon, inusisa pa raw ni Kyle si Janella kung hindi ba magpo-post sa social media ang young actress para aminin din si Markus.

Isang black-and-white photo ang ipinost ni Janella, kung saan makikitang kayakap ng aktres si Markus sa kanilang pamamasyal sa Japan.

Continue reading below ↓

Pagbabalita pa ni Kyle, kahit nasa UK ngayon si Markus ay araw-araw silang nag-uusap ng kaibigan.

Nakakakuwentuhan din daw niya si Janella, sabi ni Kyle.

“Until this day, we really talk every single day, me and Markus, and even Janella.

“I talk to them every day. I’m just really proud of them.”

“I WON’T TOUCH ON THAT SUBJECT”

Sa puntong ito, tinanong si Kyle ng showbiz writer-photographer na si Allan Sancon kung nasabihan ba ang teen actor kung magiging "ninong" ito.

Tanong ni Allan: “Sinabi na ba nilang ninong ka?”

Natigilan si Kyle, sabay tanong: “Saan po?”

“Ninong ka ng kanilang baby,” sabi ni Allan, tinukoy sina Janella at Markus.

Kapansin-pansin ang pag-iwas ni Kyle na magkomento sa issue.

Ayaw raw niyang magsalita tungkol sa “subject” na iyon dahil inirerespeto niya ang privacy nina Janella at Markus.

“I won’t touch on that subject. Ako, I respect their privacy.

“I’m not gonna touch on any subject po na ganun.”

Continue reading below ↓

“HAPPY PO AKO… KUNG ANO ANG MANGYAYARI sa kanila”

Ang tanging binigyang-diin ni Kyle ay masaya raw siya “kung ano po ang mangyayari” kina Janella at Markus.

Dagdag niya, “I support them in anything that they do.”

Sa isang bahagi ng presscon, iginiit ni Kyle na hindi nanggaling sa kampo nina Janella at Markus ang balitang nagkumpirma sa pagbubuntis ng young actress.

Umapela rin si Kyle na irespeto ng publiko ang privacy ng kanyang mga kaibigan.

“Sa totoo lang po, hindi po nanggaling sa kanila,” paglilinaw ni Kyle, tinukoy ang balitang nagdadalantao si Janella.

Sa huli, nanawagan si Kyle para sa mga kaibigang sina Janella at Markus: “Yung respect and privacy po sa kanilang dalawa."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya teen actor Kyle Echarri (left) on friends Markus Paterson and Janella Salvador (right) going public with their almost two-year relationship: “I’m so proud of them that they’ve finally posted and showed the world na mahal nila ang isa’t isa.”
PHOTO/S: @kyleecharri, @markus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results