Sunshine Cruz, Teresa Loyzaga exchange messages about Diego Loyzaga's bonding with half-sisters

by Bernie V. Franco
Sep 23, 2020
Sunshine Cruz (left) and Teresa Loyzaga (right) talk about bonding of their children (center, L-R) Angelina, Samantha, Chesca, and Diego. The father of Sunshine's daughters and Teresa's son is actor Cesar Montano.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram / GMA Network

Malaki ang pasasalamat ni Sunshine Cruz, 43, kay Diego Loyzaga dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanyang half-sisters.

Si Diego, 25, ay anak ni Cesar Montano, 58, sa aktres na si Teresa Loyzaga, 54.

May tatlo namang anak si Sunshine kay Cesar: sina Angelina (18), Samantha (16), at Chesca (14).

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2000, pero naghiwalay noong 2013. Napawalang bisa ang kanilang kasal noong September 2018.

DIEGO AND HIS HALF-SISTERS

Nitong September 20, Linggo, ipinost ni Diego sa Instagram ang larawan niya kasama ang kanyang tatlong kapatid na babae.

Base sa larawan, nagkaroon ng weekend getaway sa beach ang magkakapatid.

Caption ng aktor: “Beach trip with my clones.”

Continue reading below ↓

Nagkomento si Sunshine. “Hindi ba pinasakit ang ulo mo Diegs? Haha.”

Sagot ni Diego: “no tita!! Sobrang hindi [smile and heart emojis]”

Nagpasalamat naman si Sunshine kay Diego sa pag-aalaga nito sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Umaasa rin daw si Sunshine na sama-sama silang mag-bonding sa susunod, pati na ang ina ni Diego na si Teresa.

Mensahe ni Sunshine, “thanks for taking care of your siblings Diegs. Next time kasama na kami ni @teresaloyzaga”

Continue reading below ↓

Sunud-sunod din ang komento ng mga babaeng kapatid ni Diego bilang pasasalamat sa kanilang kuya.

Nag-send pa ng heart emojis ang aktres na si Bing Loyzaga, kapatid ni Teresa at tita ni Diego.

Continue reading below ↓

Ni-repost naman ni Teresa sa Instagram ang larawan ni Diego kasama ang mga anak ni Sunshine.

Sa caption, pinaalalahanan ni Teresa ang mga bata na mahalin ang isa’t isa.

Caption ni Teresa: “Where did time go? You are all grown up! Take it slow. Don’t grow too fast! Look after eachother. Love eachother.”

Bumati rin si Teresa kay Sunshine: “We must have done something good! [thumbs up emoji] Well done Momma!! [clapping hands emoji]”

Itinag din ni Teresa ang anak na si Diego at ang tatlong anak ni Sunshine.

Continue reading below ↓

Sumagot si Sunshine kay Teresa.

Aniya, “We are truly blessed to have them in our lives Tong! Mahal ng nga bata ang Kuya Diego nila."

"Tong" ang nickname ni Teresa.

Dugtong pa ni Sunshine, “Masaya sila to spend time with him. Let’s plan something soon. Sama na tayo next time!! [heart, smile, kiss emojis]”

Game naman daw si Teresa sa mungkahi ni Sunshine sa planong magsama-sama sila sa isang outing.

Continue reading below ↓

Bago ang kanilang beach trip nitong weekend, noong Hulyo ay nag-post si Sunshine tungkol sa pagbisita ni Diego sa kanilang bahay sa Parañaque.

Kasabay naman nito ang pag-post din ni Teresa ng date niya kasama sina Sunshine at Macky Mathay, ang long-time boyfriend ni Sunshine.

Sa isang interview kasama si Sunshine at mga anak nito noong November 2019, ikinuwento nina Angelina at Samantha na binibisita sila ng kanilang Kuya Diego “from time to time.”

Ani Angelina, "We eat out, we bond… we're really close.”

Dagdag ni Samantha, “Kuya Diego says he plans to make covers with us 'cause he also knows how to sing, we'd just jam.

"But recently, we're just watching movies, eating out… it was fun."

Ayon naman kay Sunshine, kapag nagti-taping siya, bumibisita sa kanilang bahay si Diego at lumalabas kasama ang mga nakababatang kapatid.

RECONNECTING WITH TERESA

Sa episode ng GMA Public Affairs program na Tunay na Buhay noong 2018, sinabi noon ni Teresa na recent lamang sila naging close ni Sunshine.

Continue reading below ↓

Mati-trace naman sa mga nasulat na balita na nagsimula ang closeness ng dalawang aktres noong 2015.

“Naging close kami ni Shine, lalo pa na yung anak ko at yung mga anak niya, half-brother, [half] sisters,” ani Teresa sa Tunay na Buhay.

Ikinuwento rin ng aktres kung paano sila muling nag-reconnect ni Sunshine.

“There’s this restaurant that… we always see each other there, which actually, [is] the same restaurant… lumabas ito sa Instagram. ‘Tapos di namin alam, naging viral.

“Dun kami unang nagkita again, ‘From here on forward, let’s be friends and let’s make this work.’”

Ang tinutukoy ni Teresa ay ang larawan niya kasama si Sunshine na kuha sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong July 2015.

Continue reading below ↓

Ang kuwento naman ni Sunshine, nagsama sila noon ni Teresa sa isang sitcom at doon unang naging magkaibigan. Hindi niya tinukoy kung anong sitcom ito.

“It started from there. Naputol din iyon for a while," lahad ni Sunshine.

Naging co-stars din noon sina Sunshine at Teresa sa 1992 movie na Guwapings: The First Adventure.

Pagpapatuloy ni Sunshine, “Not until naging coincidence na pareho kami ng lalaking minahal," pagtukoy niya kay Cesar.

“Ever since naman kasi wala naman kaming naging isyu [ni Teresa]. She has always been very nice to me and my children.”

Si Teresa ay ikinasal noon sa businessman na si Arnold Dizon at nagkaroon sila ng isang anak, si Joseph, kuya ni Diego.

Nag-file ng annulment si Teresa at asawa nito noong 1995.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz (left) and Teresa Loyzaga (right) talk about bonding of their children (center, L-R) Angelina, Samantha, Chesca, and Diego. The father of Sunshine's daughters and Teresa's son is actor Cesar Montano.
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results