Rhian Ramos denies eating disorder behind sudden weight loss

by Jet Hitosis
Sep 24, 2020
Rhian Ramos
In a virtual interview with the media on May 15, 2020, Kapuso actress Rhian Ramos admits to having her own bouts with depression, which she has been sharing with her Instagram followers: "Kasi baka may nakaka-relate dun sa pinagdaanan ko 'tapos kailangan niya rin marinig yung realization ko."
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram

Hindi dumadanas ng eating disorder ang aktres na si Rhian Ramos.

Ito ang nilinaw ng 29-year-old Kapuso star tungkol sa biglaang pagbaba ng kanyang timbang sa nakalipas na mga buwan.

Sa katunayan, ang pagpayat ni Rhian ang madalas na ikinokomento ng netizens sa mga litratong ipino-post niya sa Instagram.

Karaniwan nang sinasabihan si Rhian ng netizens na kumain nang maayos at tigilan na ang pagda-diet.

Continue reading below ↓

Bagamat lantarang nagba-body shaming ang ilan sa mga nagkokomento, marami ang nagpapahayag ng pag-aalala para sa kalusugan ng aktres.

Suspetsa ng ilang Instagram followers ni Rhian, nasobrahan siya sa pagda-diet dahil mayroon siyang eating disorder.

“Of course not!” tanggi ni Rhian nang ma-interview siya sa “Chika Minute” ng GMA primetime news program na 24 Oras nitong Martes, September 22.

“Pag nakatingin ako sa salamin, alam ko, nakikita ko kung ano yung hitsura ko,” paliwanag ni Rhian.

RHIAN ADMITS REASON BEHIND WEIGHT LOSS

Ayon sa healthline.com, ang eating disorders ay “psychological conditions that cause unhealthy eating habits to develop.”

Ang taong may eating disorder ay nagkakaroon ng obsession sa kanyang kinakain, sa kanyang timbang, at sa sukat ng sariling katawan.

Anorexia nervosa ang pinakakaraniwang uri ng eating disorder, kung saan ang underweight na pasyente ay may matinding takot na tumaba, kaya minsan ay iniiwasan nitong kumain.

Wala raw ganitong sintomas si Rhian, aniya.

Continue reading below ↓

Nilinaw ng aktres na taliwas sa inaakala ng netizens, hindi siya nagpapapayat.

Sabi ni Rhian: “It’s not like I’m trying to lose weight because I feel big.

“Kasi iniisip talaga ng tao na nag-diet ako or nag-cardio ako para pumayat nang ganito.”

Sa nabanggit na interview, inamin ni Rhian ang totoong dahilan ng biglaang pagbaba ng kanyang timbang.

“Yung totoo lang talaga, it’s out of stress,” pag-amin ng Kapuso actress.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Rhian tungkol sa "stress" na dahilan ng kanyang weight loss.

DEPRESSION DURING LOCKDOWN

Noong May 15, sa virtual interview sa kanya ng media, inamin ni Rhian na nakaramdam siya ng depression habang naka-quarantine.

Nang mga panahong iyon, dalawang buwan nang umiiral ang enforced quarantine sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Naikuwento pa noon ni Rhian na ibinabahagi niya sa kanyang 2.3 million Instagram followers ang mga “positive realization” niya habang nilalabanan ang lungkot.

Kuwento noon ni Rhian: “Pagka meron akong positive realization, sine-share ko siya sa social media.

“Honest ako sa mga followers ko; kapag meron akong mga araw na medyo nade-depress ako or something, sinasabi ko siya.

“Pag nagkaroon ako ng parang positive na lesson or realization pagkatapos nung lungkot, sine-share ko siya.

“Kasi baka may nakaka-relate dun sa pinagdaanan ko 'tapos kailangan niya ring marinig yung realization ko, kasi hindi pa dumadating sa kanya.”

Continue reading below ↓

“GOING THROUGH A TOUGH TIME”

Ganoon pa rin si Rhian sa kanyang Instagram followers hanggang ngayon.

Buong tapat niyang sinasabi sa mga ito kapag mayroon siyang pinagdaraanan.

Nitong September 16, halimbawa, binigyan ni Rhian ng clapping hands emoji ang kaisa-isang tao raw na nangumusta sa kanya.

Ang netizen na iyon ay hindi niya personal na kakilala.

Nagkomento ang netizen sa litrato ng aktres kung saan nakasuot siya ng puting cropped top, sunglasses, face mask, at face shield.

Kitang-kita sa litrato ang pangangayayat ni Rhian.

Continue reading below ↓

Ramdam ang pagkagulat at pag-aalala sa komento ng netizen: “OMG! What happened to you??? Are you ok?”

Sagot ni Rhian (published as is): “wow. 1 person actually asked me how I am. One.”

Isa pang Instagram follower ng aktres ang nag-usisa ng, “are you alright?”

Bilang reply, inamin ni Rhian na siya ay “going through a tough time but will be okay moving forward.”

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ang "tough time" na pinagdaraanan ni Rhian at ang stress na dahilan ng kanyang pangangayayat ay iisa.

BACK TO WORK

Nitong Miyerkules, September 23, balik-taping na si Rhian para sa Kapuso primetime series na Love of My Life.

Ibinahagi ito ng aktres sa isang Instagram Story kahapon, Miyerkules.

Continue reading below ↓

Sasabak si Rhian sa halos isang buwang lock-in taping kasama ang co-stars niya sa serye na sina Carla Abellana at Mikael Daez.

Ngayon lang nagbalik-taping ang cast ng Love of My Life simula nang ipatigil ang production nito dahil sa quarantine na ipinatupad ng gobyerno simula March 17.

May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng anxiety at depression.

Continue reading below ↓

Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a virtual interview with the media on May 15, 2020, Kapuso actress Rhian Ramos admits to having her own bouts with depression, which she has been sharing with her Instagram followers: "Kasi baka may nakaka-relate dun sa pinagdaanan ko 'tapos kailangan niya rin marinig yung realization ko."
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results