Liza Soberano files criminal complaint against netizen over rape comment

by Jet Hitosis
Sep 24, 2020
Liza Soberano
Kapamilya A-lister Liza Soberano on Thursday, September 24, formally filed a criminal complaint against a female netizen who made a rape remark about her.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram

Naghain na ng kasong kriminal ang aktres na si Liza Soberano laban sa isang netizen na nagbitaw ng rape comment laban sa kanya.

Ngayong Huwebes ng umaga, September 24, ay personal na nagtungo ang 22-year-old Kapamilya star sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kasama ni Liza ang kanyang manager na si Ogie Diaz at abogadong si Atty. Jun Lim, ng Lim-Yutatco-Sze law firm.

Pinanumpaan ni Liza sa harap ni Deputy City Prosecutor Irene Resurreccion ang inihain niyang reklamo laban sa babaeng netizen.

Liza Soberano, Ogie Diaz

Continue reading below ↓

Sa report ng ABS-CBN News, sinabi ni Atty. Lim na ang komento ng netizen na “sarap ipa-rape” ni Liza ay malinaw na paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, na may kaugnayan sa Article 355 ng Revised Penal Code.

Ang Article 355 ng Revised Penal Code ay tumutukoy sa krimen ng libel, o pagbibitaw ng anumang nailathalang pahayag na nakakasira sa reputasyon o imahe ng tao.

Sa bagong Cybercrime Prevention Act, in-update ang libel upang saklawin din maging ang paninirang-puri na ginagawa online.

THE RAPE REMARK

Nag-ugat ang reklamo nang mag-tweet si Liza nitong September 6 upang ireklamo ang serbisyo ng dati niyang internet service provider.

Nag-viral ang tweet na ito ni Liza, na naging paksa ng thread ng isang Facebook post.

Sa nabanggit na Facebook post nagkomento ang babaeng netizen, na may katungkulan sa kumpanyang inireklamo ni Liza sa kanyang tweet—ang Converge ICT Solutions, Inc.

Continue reading below ↓

Base sa kumalat na screenshot ng komento ng netizen na telco employee, pinasaringan nito si Liza na “wala ng trabaho” kaya gumagawa ng ingay para “magkapera lang” at “di bale ng masira ang image.”

Tinutukoy ng netizen ang pagsasara ng malaking bahagi ng ABS-CBN Corporation matapos pagkaitan ng Kamara ng prangkisa nitong July.

‘Tsaka idinugtong ng telco employee: “sarap ipa-rape sa mga……. ewan!”

Continue reading below ↓

LIZA: “WE WON’T LET THIS ONE PASS”

Umalma ang maraming netizens sa komento ng babaeng telco employee.

Nag-trending sa Twitter ang “rape is not a joke,” at kinuyog ng pamba-bash ang empleyado.

Kasabay nito, kinumbinsi si Liza ng kanyang fans na papanagutin ang telco employee sa ginawa nito.

Tweet ni Liza sa kanyang fans nitong September 20: “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.”

Continue reading below ↓

Bago maghatinggabi ng araw na iyon, nag-post sa Facebook ng public apology ang telco employee.

Bagamat para sa kanya ay “walang halong malisya” ang kanyang ikinomento, aminado ang babaeng empleyado na “hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE.”

Humingi ng paumanhin ang empleyado “sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko” sa pinagtatrabahuhan niyang kumpanya at sa sarili niyang pamilya.

Gayunman, hindi siya direktang nag-sorry kay Liza.

Hindi nabanggit ng empleyado ang kahit na anong may kinalaman sa aktres sa napakahaba nitong Facebook post.

Sa inilabas na pahayag ng Converge nitong September 20, tiniyak ng kumpanya na hindi nito kukunsintihin ang “wrongful comments and behavior” ng empleyado, lalo na laban sa isang customer.

“We will carry out disciplinary measures accordingly,” paniniguro ng kumpanya.

A LESSON FOR SOCIAL MEDIA USERS

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Liza ngayong Huwebes, sinabi ng aktres na hindi niya kailanman palalampasin ang isang rape joke.

Continue reading below ↓

Siya raw mismo ay hindi kayang magbitaw ng ganoong pahayag laban sa kapwa niya babae.

Sabi ni Liza: “I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly.

“And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that.”

Ayon kay Liza, ang paghahain niya ng kaso laban sa netizen ay magsisilbing aral na rin sa iba na mahalagang maging responsable at marespeto sa pagkokomento sa social media.

“I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media,” sabi ni Liza.

“I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online.

“I want people to learn that there are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya A-lister Liza Soberano on Thursday, September 24, formally filed a criminal complaint against a female netizen who made a rape remark about her.
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results