Angel Locsin, Alessandra de Rossi support Liza Soberano criminal complaint vs nasty netizen

by Jet Hitosis
Sep 24, 2020
Actresses Angel Locsin (left) and Alessandra de Rossi (right) express support for Kapamilya star Liza Soberano (center) after the latter files criminal complaints against a netizen who commented about the young actress being "sarap ipa-rape."
PHOTO/S: @therealangellocsin, @lizasoberano, @msderossi on Instagram

Nagpaabot ng suporta kay Liza Soberano ang mga kapwa niya aktres na sina Angel Locsin at Alessandra de Rossi.

Ito ay matapos pormal na maghain ng criminal complaint si Liza, 22, laban sa isang babaeng netizen na nagkomento ng “sarap ipa-rape” ang young actress.

Ngayong Huwebes ng umaga, September 24, nagtungo sa Quezon City Prosecutor’s Office si Liza, kasama ang manager niyang si Ogie Diaz at abogadong si Atty. Jun Lim.

Base sa official statement ng ABS-CBN, ang home network ni Liza, naghain ang Kapamilya star ng mga reklamong “libel, threats, at unjust vexation” laban sa netizen.

Sa pahayag ni Liza sa ABS-CBN News, sinabi ng young actress na personal ang laban niyang ito.

Ang anumang may kinalaman sa rape “is not something that should be taken lightly,” aniya.

Itinuloy raw ni Liza ang pagsasampa ng reklamo upang bigyang-diin sa netizens na dapat maging responsable sa pagkokomento sa social media.

Continue reading below ↓

Sabi ni Liza: “I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media.

“There are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter,” aniya pa.

ANGEL, ALESSANDRA SHOW SUPPORT

Huwebes ng hapon, ni-retweet ni Alessandra, 36, ang report ng ABS-CBN News tungkol sa pagsasampa ni Liza ng reklamo laban sa netizen.

Sa caption, nagpasalamat si Alessandra kay Liza na bibigyang-leksiyon at papanagutin nito ang netizen.

Sabi ni Alessandra sa caption: “Matuto lang galangin ang isa't isa online. Lesson na ito para sa lahat.

“Salamat, Liza. ‘kaso’ is not good and magastos pa.”

May mensahe rin si Alessandra sa netizens: “So think before you make a nasty remark.

“Wala naman may kayang magsabi nun in person, lalong wag mo gawin online kung saan may ebidensya.”

Continue reading below ↓

Ni-retweet ni Angel, 35, ang post na ito ng kaibigang si Alessandra.

Sa hiwalay na tweet, tinag ni Angel si Liza sa caption: “Mahigpit na akap @lizasoberano [hugging face emoji]”

Nag-reply si Liza ng tatlong hugging face emojis kay Angel.

Continue reading below ↓

ANGEL FORGIVES

Parehong nakaka-relate sina Angel at Alessandra sa sitwasyon ni Liza.

Gaya ni Liza, kapwa sila may personal na engkuwentro sa mga abusadong netizens, partikular na sa trolls at bashers.

Bilang isa sa pinakamasigasig na tagapagtanggol ng ABS-CBN sa kainitan ng franchise renewal issue ng network ngayong taon, paboritong kuyugin ng trolls at bashers si Angel.

Dumating sa puntong isang Twitter user ang nag-post ng death threat laban kay Angel noong May 19.

Inalerto ni Angel ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagbabantang iyon sa kanyang buhay.

Pero taliwas sa ginawa ni Liza, tumanggi si Angel na kasuhan ang Twitter user.

Katwiran ni Angel, “ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila.”

ALESSANDRA ARGUES

Si Alessandra, matapang na nakikipagsagutan sa mga namba-bash sa kanya sa Twitter.

Noong unang linggo ng July, isa-isang sinagot ni Alessandra ang pro-government netizens na pumalag sa tweet niya tungkol sa kawalang aksiyon ng pamahalaan sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Continue reading below ↓

Sa pagtutok daw kasi ng gobyerno sa pagpapasara sa ABS-CBN, naisantabi na ang pagtugon sa pandemya, tweet noon ni Alessandra.

Nitong September 6, pinutakti rin ng bashers si Alessandra dahil sa sarkastiko niyang tweet tungkol sa mabuting epekto sa mental health ng Manila Bay white-sand project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dahil dito, ilang araw nakipagdebate si Alessandra sa kanyang bashers, na gaya ng dati ay mga tagasuporta ng gobyerno.

LIZA SUES

Sa kaso ni Liza, ang kinasuhan niyang netizen ay isang babaeng empleyado ng Converge ICT Solutions, Inc., ang dating internet service provider ng Kapamilya actress.

Nagkomento ang empleyado sa thread ng isang Facebook post tungkol sa reklamo ni Liza laban sa serbisyo ng Converge.

Pinasaringan ng telco employee si Liza na “wala ng trabaho” kaya gumagawa ng ingay para “magkapera lang” at “di bale ng masira ang image.”

Sa dulo ng komento, sinabi ng empleyado: “sarap ipa-rape sa mga……. ewan!”

Continue reading below ↓

Nangako si Liza na hindi niya palalampasin ang insidente: “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.”

Ngayong Huwebes, tinotoo ni Liza ang kanyang sinabi, at tinuluyang kasuhan ang telco employee.

Gaya nina Angel at Alessandra, suportado rin ng ABS-CBN si Liza.

Iginiit ng Kapamilya network na hindi tamang ginagawang biro ang tungkol sa panghahalay.

Pinuri rin ng ABS-CBN ang paninindigan ni Liza na “ipagtanggol ang kanyang sarili at protektahan ang dignidad niya bilang babae.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actresses Angel Locsin (left) and Alessandra de Rossi (right) express support for Kapamilya star Liza Soberano (center) after the latter files criminal complaints against a netizen who commented about the young actress being "sarap ipa-rape."
PHOTO/S: @therealangellocsin, @lizasoberano, @msderossi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results